KABANATA 21

10.1K 201 6
                                    

Pinapanunuod ko sya habang nililigpit ang pinagkainan namin. Naiinis ako sa sarili ko dahil sa nangyari kanina. Hindi ko magawang pigilin sya dahil alam ko rin sa sarili ko na gusto ko iyon.

"Ihahatid na kita," Baling niya sakin tska ako tumango.

Gustohin ko man umuuwi mag-isa pero di ko magawa dahil hindi ko alam ang pasikot-sikot sa manila. Maging sa byahe ay alingasa ako. Hindi ko magawang lumingon sa kanya dahil nahihiya ako sa nangyari kanina. Hindi ko manlang nakilala ang sarili ko dahil sa pusok na naramdaman ko kanina.

Nakarating kami sa bar na walang imikan. Kanina pa ako kagat ng kagat sa labi ko. Siguro dudugo na ito sa kakakagat ko.

"Thankyou for tonight," Lumingon ako sa kanya na may bahid na hiya. Sobrang higpit ng hawak ko sa kamay ko dahil hindi ko magawang kalimutan ang nangyari. Hindi ako nagsisisi pero naiilang na ako kay Matteo.

"Lalabas na ako," Saad ko tsaka dali-daling lumabas ng kotse niya. Ayaw ko syang tignan dahil naalala ko lang ang ginawa niya sakin. Tuluyan na akong nakapasok sa bar nang hindi lumilingon sa kanya. Siguro ay tama lang iyon.

Dali-dali akong pumasok sa silid at bumungad sakin ang mga kasamahan kong nagbibihis narin. Napadpad ang tingin sakin ni Ivony na nakangiting asar.

"Saan kayo nag date? Mukhang natagalan yata ah." Asar niyang sabi sakin pero nginitian ko lang ito.

Ayaw ko ng mahabang usapan, baka hahantong nanaman sa kabaliwan ng mga kaibigan ko.

Kulay pula ang susuotin namin ngayon at maikli din ito tulad ng iba naming uniporme. Namumula na ang labi ko habang kagat-kagat ito. Panay ang iling ko saking ulo dahil sa ginawa sakin ni Matteo. Tutok na tutok ako sa salamin habang naglalagay ng eyelashes. Nawawala ako sa kosentrasyon dahil pumapasok parin sa isip ko ang nangyari. Nababaliw na ako sa bawat haplos ni Matteo at iyon ay hindi ko na kayang pigilin. Ang haplos niya at yung----

"Maey kanina ka pa dyan sa salamin, malapit nang mag alas syete oh. Hindi ka pa ba lalabas?" Putol ni grace sa imahinasyon ko kaya bumalik ako sa sariling pag-iisip.

Mabilis pa sa alas kwatro ang pagtayo ko tska hinarap sila na mukhang hinihintay ako kanina pa. Titig na titig sila sakin kaya nilagpasan ko sila agad. Siguro humaba ang pag-iisip ko at hindi ko na namalayan ang pangyayari sa loob.

"Anong problema dun?"

"Hmhmhmhm mukhang masama ang kutob ko."

"Hoy Ivony ibahin mo si Maey sayo."

Narinig ko pa silang nagtatalo kaya naalala ko ulit ang kanina. Kailan ko ba yun malilimutan? Siguro hindi na!

Ganon pa din, balik sa trabaho. Hinahatid ko ang iilang alak sa mesa. Naging cold sakin Erika nong mga nakaraang araw kaya hindi ko na sya magawang kausapin pa.

"Hay naku... Ano ba yan, ang dami-daming malalandi sa paligid. Pati mayayaman ay winawaltas kahit na katawan ang kapalit. Nakakadiri!" Agad akong napalingon kay Alyana na kasama ang iilang babae na waitress rin.

"Tingin niya sa sarili niya ay sobra niyang ganda. Pinatolan ba naman ng gwapo at mayaman tapos kong umasta feeling mayaman narin. Gold digger."

"Yuck.... siguro marami ng nakatikim sa kanya. Tindig palang ay mukhang wala na."

Napapikit ako sa bawat bigkas ng kanilang bibig. Ayaw ko ng away pero natatamaan ako. Lampas na ako sa limitasyon at pinatulan ko talaga ang mayaman?

Pero pumatol ba talaga ako? Nag papanggap lang naman kami diba? Pero kasali ba sa pag papanggap ang nangyari samin kanina? Pero ang tanong bakit ako pumayag? Yun ang hindi ko masagot!

 The Virgin Mary [Edelbario Series#1]Where stories live. Discover now