KABANATA 33

10.2K 220 38
                                    

Sabay ng sigaw ng mga kaibigan ko ang sigaw ng mga tao sa paligid. Hindi ko aakalain na may manunuod sa tatlong ito.

Noong una ay kami lang ang nandito sa gym pero ng tumagal ay isa-isang nagsilapitan ang mga tao. Kumuha ng kasamahan sina Matteo na taga rito lang sa syudad. Dalawang team ang sumalang sa laro. Nasa kabilang team si Clifford at Robi, at si Matteo naman ay humiwalay sa kanilang team. Bawat team ay may limang tao.

May sariling court ang mag pinsan at hindi ko alam kong bakit napagpasyahan nilang dito maglaro sa public, siguro ay mas gusto nilang expose sa larong to. Natatawa nga ako dahil buong akala ko ay maglalaban si Clifford at Robi, yon pala mas interesado ang dalawa na talonin si Matteo.

Nagsimula ng pumito ang referee. Nasa team ni Clifford ang bola. Bawat galaw ni Clifford ay hinaharangan ng kasamahan ni Matteo. Binabantayan naman ni Robi si Matteo sa dulo. Tumakbo si Clifford habang dinidribol ang bola, hinabol sya ng mga ka team ni Matteo dahil nakalusot ito. Tumalon ng mataas si Clifford at ipinasok ang bola gamit ang isang kamay lang.

"Kyaaaaaaaaaah."

"Oh my gosh. Ang hot niya. Ang gwapo-gwapo pa. I love you naka black,"

"Go go go naka black. Ang gwapo-gwapo mo."

Sigaw ng mga kababaehan sa kabilang bench ng gym. Isa silang grupo ng magaganda at sexy at mukhang type si Clifford. Ang kanilang dibdib na kulang nalang ay pumutok dahil sa suot, ang sobrang ikling short na halos kita ang pwetan. Kumaway si Clifford sa kanila kaya mas lalong nag-ingay ang mga babae. Tila nag tatalon-talon na parang nanalo ng lotto.

"Kumaway sya satin. Kyaaaaaaaaah---! I love you poge."

"Waaaa! Ang hot ng ngiti niya."

"Type ng mga bruha si sir Clifford ko." busangot ni Grace na crush na crush si Clifford. Sobrang tahimik nila simula nong na angatan sila ng mga babae sa kabila.

"Ede, ipaglalaban natin ang crush mo." Taas kilay ni Jessica kaya tumayo sya sa upoan ng bench bago ito sumigaw ng malakas.

"Sir Clifford galingan nyo po. Kyaah go go go go sir, we love you...... Grace loves you. Go sir." Nanlaki ang mata ni Grace sa sinabi ni Jessica kaya hinila sya paupo nito. Kumaway si sir Clifford samin kaya mas lalong sumigaw si Jeesica. "Yaaaaaaaaaaaaaaaa! We love you sir." Sobrang laki ng ngiti ni Grace, Ivony at Erika sa eksena.

"Kyah.... Go poge."

Sigawan sa kabila kaya kita sa mukha ni Grace ang iritasyon. Hindi ko aakalain na tatayo si Grace at tumalon-talon ng pumasok ulit ang bola sa team nila Clifford.

"I love you sir Clifford. Go with the G with the O with the O. Goo! Goo! Goo sir." sigaw ni Grace na may halong sayaw.

Lamang ng dalawang puntos ang team ni Clifford. Napad-pad ang tingin ko kay Matteo na sobrang laki ng mga pawis. Ang kanyang kulay puting suot ay nabasa kaya kitang-kita ang maumbok nyang dibdib. Tumingin sya sakin kaya sumimangot ako. Alam kong pagod na pagod na sya at hindi ko pa magawang mag cheer.

Nagsimula ulit ang laro, nasa kabilang team ulit ang bola. Pinasa ni Robi ang bola sa kasamahan niya tska ito nagsimulang mag dribol. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil binabantayan ni Clifford si Matteo. Halos pareho lang sila ng tindig at laki ng katawan. Hinarangan ng mga kasamahan ni Matteo ang lalaking may hawak ng bola. Bawat galaw nito ay sinusundan nila para hindi tuluyang makawala. Ilang minuto nalang ang natitira kaya panay ang bantay ni Clifford kay Matteo. Nakalusot ang lalake tska tumalon para ipasok ang bola sabay ng pagtalon ni Matteo mula sa harap niya. Nanlaki ang mata ni Clifford dahil nakawala si Matteo sa paningin niya.

 The Virgin Mary [Edelbario Series#1]Where stories live. Discover now