KABANATA 9

11.6K 245 16
                                    

Pagkatapos nong sagotan namin ni Matteo ay hindi ko na sya nakikita dito sa bar.

Hindi ko alam pero naiinis talaga ako sa kanya. Ang dami niyang alam sa mga bagay na hindi naman nakakatuwa. Halos hindi ako makatulog dahil sa huli niyang sinabi sa gabing iyon.

Nakakainis,

Hindi ko naman talaga sinasadya na makita silang nag lalampongan sa kotse pati sa counter ng bar. Iniinis niya yata ako eh.

"Hoy Maey nakikinig ka ba?" bumalik ang diwa ko ng sinigawan ako ni Ivony. Nakatayo sya sa gilid ng kama habang nakadungaw sakin. Dali-dali akong tumuwid sa pagkaka-upo.

"Sorry may sinasabi ka?" nanlaki ang mata niya sa tanong ko. Halos maluwal ang mata niya sa galit.

"Ano!?" bulyaw niya rason kong napalingon na yong ibang kasama namin sa loob. "Kanina pa ako nagsasalita dito tapos sasabihin mong may sinasabi ba ako?" Irritable niyang salaysay habang nakapikit sa inis.

"Im sorry na nga kasi. May iniisip lang ako." Sagot ko tsaka nag-iwas ng tingin. Kinalma niya ang sarili niya tska tumabi sakin.

"Ang dami kong kini'kwento dito tapos wala ka manlang narinig?" ngiyak-ngiyak niya kaya napabuntong hininga ako. Hindi ko lang talaga alam kong saang lupalop ang isip ko lumipad kanina.

"Were done," sabay lumabas si Jessica, Grace at Erika sa banyo. Pareho silang nakabalot ng puting towalya.

Oo nga pala nagyaya silang mag mall at manuod ng sine. Napagpasyahan kong sumama sa kanila tutal sahod namin kahapon. May naiipon na ako kahit kaunti. Mamimili nalang ako ng mga gamit na importante para saking sarili.

"You're turn guys." saad samin ni Jessica kaya tumayo ako tska kami sabay pumasok ni Ivony sa banyo.

Pati sa pag ligo ay gumugulo parin sa isip ko ang nangyari kagabi. Bakit ko nga ba iniisip yun? Kong pwede rin namang kalimutan ang lahat. Pero pano mo makakalimotan ang palagi mo namang natatandaan?

Nilibang ko nalang ang sarili ko sa tubig. Pagkatapos ko ay agad ding paglabas ni Ivony sa kabilang shower. Tumango sya sakin tska kami sabay lumabas ulit sa banyo. Tanging si Erika, Jessica at Grace ang naiwan sa silid. Mukhang nag si'alisan narin ang iba at may kanyang-kanyang lakad.

Nag-suot ako ng denim jeans at puting t-shirt na plain. Pinarisan ko rin ng luma kong dollshoes. Kailangan ko na yatang bumili ng isang dollshoes para may sali-salitan ang luma kong dollshoes sa mga lakad naming mag kakaibigan.

Naalala ko tuloy si tatay pag isinusuot ko ito. Sumisikip ang dibdib ko kapag naiisip ang mukha ni itay. Ang matangos niyang ilong at ang moreno niyang balat.

"Maey tayo na!" Putol ni Ivony sa imahinasyon ko tska ko kinuha ang itim na sling bag sa kama. Ibinuhag-hag ko ang aking buhok dahil ito ang gusto nila ng tatlo.

Sobrang tahimik ng bar at tanging si manong gwardya lang ang nandito. Minsan lang kasi dito si Clifford dahil umuuwi rin sa kanila. Ang alam ko ay isang co-holder si Robi sa ZEZ Magazine kong saan ay kilalang-kilala sila at tanging mga celebrity ang kinukunan nila ng larawan.

Hindi ko nga alam kong anong trabaho ni Matteo dahil hindi naman kami close. Hindi ko lang pala namalayan na nakasakay na kami ng jeepney. Mukhang napalalim yata ang iniisip ko ngayon.

Sobrang laki ng ngiti ng mga kaibigan ko dahil sumama ako sa lakad nila. Dumaan ang ilang minuto ay nakarating narin kami sa isang Robinson. Namangha ako sa lawak at laki ng palapag ng building. Isa-isa kaming lumabas ng jeep habang hawak ni Ivony ang kamay ko.

 The Virgin Mary [Edelbario Series#1]Where stories live. Discover now