KABANATA 32

9.4K 201 24
                                    

"Gosh, Maey. Bakit hindi ka umuwi kagabi?" si Ivony.

"Omg saan ka natulog kong ganoon?" si Grace.

"Sana mali ang kutob ko, sana ay mali ang iniisip ko ngayon." Si Jessica.

Nahilot ko ang noo ko sa bawat bigkas ng kanilang bibig. Pagod na pagod ako tapos ito ang bubungad sakin. Hindi ko sila pinansin at pinatuloy ang pagliligpit ng mga labahan kong damit. Bawat kilos ko ay tinititigan nila, siguro ay naghihintay sa mali kong galaw. Kahapon pa sila ganito simula nong hinatid ako ni Matteo.

"May nag-iba talaga eh." Inangat ko ang ulo ko tsaka tinignan si Grace. Ang kanyang mukha na may malaking question mark na tila gusto ng kasagotan sa bawat tanong sakin.

"Oo nga noh? Napansin nyo?" Ani ni Jessica at tila sang-ayon sa iniisip ni Grace.

"Confirm." Palak-pak na saad ni Ivony habang umiiling. Pinadpad ko ang tingin kay Erika na nanunuod rin sa galaw ko.

"Blooming?" Si Grace.

"Check!" Sabay ni Jessica at Ivony.

"Fresh?" Si Grace.

"Check na check," Sabay ulit ni Jessica at Ivony na may expression sa mukha.

"Glowing?" si Grace.

"Check na check na check!" Sabay palakpak ulit ni Jessica at Ivony.

"Compelling?" Si Grace.

"Check na check na check na check." Mas lalong lumakas ang boses ng dalawa habang kumembot-kembot.

"Fiercing?" Si Grace.

"Check na check na check na check na check." Tumayo na sila ngayon habang pinalakpak ang kamay at kumembot pa ng kumembot.

Gusto kong tumawa pero dahil sa bigat ng katawan ko ay hindi ko magawang ngumiti sa kanila.

"Growing, changing and striving. Iba ang alindog ng isang Mary ngayon eh. Ang iyong awra na lumiliwanag saming mga mata, Ganon yun besh!" Ngiting aso ni Grace kaya tuluyan na akong umupo sa kama.

"Maey? Sinuko mo na ba ang bataan mo?" Napaubo ako sa seryosong tanong ni Ivony. Hinimas-himas ko ang leeg ko dahil sa nangu-nguyang lalamunan. Halos lumunok ako ng iilang laway dahil sa kaba at bilis ng tibok ng puso ko.

"Alam nyo, ang isip bata nyo sa mga katanongan na iyan. Para kayong mga baliw." Sabay kaming napalingon kay Erika na ngayon ay nakatayo sa harap namin. Inayos niya ang sarili niya tsaka nagtungo sa banyo.

Sumimangot ang tatlo kaya napailing ako. Siguro ay masyadong makulit lang si Jessica, Ivony at Grace.Narinig ko ang iilang buntong hininga nilang tatlo kaya hindi na ako muling bumaling pa. Hindi na sila ulit nagsalita kaya napagdesyonan kong humiga at magpahinga.

Siniksik ko ang sarili sa kumot. Medyo naging masilang narin ang nararamdaman ko mula sa ibabang bahagi. Kanina ay umihi ako, pero hindi ko magawang ilabas lahat. Sobrang hapdi parin.

Hindi ko alam kong pano ako nakatulog ng mahaba kong sobrang ingay ng mga kasamahan ko dito sa loob. Hinihila parin ako ng antok sa kabila ng tawanang naririnig ko. Gusto kong idilat ang mga mata ko pero sobrang bigat at bumabagsak lang ito pabalik. Nakatulog ako ulit!

"Gosh sabay kaming pumasok ni sir Matteo kanina."

"Sobrang gwapo niya noh. Siguro ay ang sarap himasin ng kanyang abs na halos pumuputok."

 The Virgin Mary [Edelbario Series#1]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang