KABANATA 47

10.9K 217 18
                                    

(A/N) WARNING SPG:

Pagkatapos naming dumalaw sa sementeryo ay agad kaming bumalik sa Gregoria. Sobrang saya ko! Hindi ko alam kong hanggang kailan ito basta ang mahalaga sakin ngayon ay kong anong meron kami ni Matteo. Siguro ay hindi natin maiiwasang masaktan pero hindi naman ako papayag na masaktan kaming dalawa.

Sabi niya sakin ay magtiwala ako sa kanya. Kailangan ko syang paniwalan at gagawin ko iyon para sa pagmamahal ko sa kanya.

"Grabe ang gwapo noh?"

"Oo nga pamilyar sakin ang babae."

"Naku iyan ang sinasabi ko sainyo. Anak yan ng mag-asawang Montano. Kararating lang yan galing Manila."

Narinig ko pa ang iilang bulongan ng mga taong nadadaanan namin. Hawak kamay kami ni Matteo habang naglalakad patungong dalampasigan. Ang hampas ng hangin galing sa dagat ay sobrang sarap. Ang buhok kong sumasayaw ay tila bang sumasabay sa alon ng dagat. Mga nag lalakihang saranggola ay pinapalipad ng iilang masasayang bata.

Ang mga iilang naka display'ng kagamitan tulad ng kwentas at ano-ano pa na gawa mula sa kabibe at kawayan ay sorbrang ganda. May mga pamaypay at nag lalakihang sombrero na gawa sa palm. May mangyayaring paligsahan mamaya kaya halos ng tao sa Gregoria ay nandito.

Sobrang dami ng tao. Halos hindi kami makadaan ni Matteo dahil sa dami. May nag titinda din ng matatamis at masasarap na pagkain. Tulad ng mga prutas at candy.

Naaninag ko ang bangka ni ninong Jimmy at mukhang bagong pinta gamit ang kulay bahaghari. Dali dali kong hinila si Matteo sa direksyon nila. Sabay napalingon samin si Nard, Ante, Becky, Ninong Jimmy at Jelai kasama ang mga kaibigan nito at si.

Bumagsak ang tingin nila sa hawak kamay namin ni Matteo kaya mas lalo ko iyong hinigpitan.

"Ante? Ninong?" Kumaway ako kaya naningkit ang mata ni ninong. Hindi pa pala niya nakikilala si Matteo.

"Inaanak? Sino iyang kasama mo?" Taas kilay ni ninong. Hinila ko si Matteo saka iyon inilapit sa kanya.

"Ninong? Si Matteo po boyfriend ko." Nalaglag ang panga ni Ninong bago ito sumulyap kay Becky. Nataranta si Becky sa titig ng kanyang tatay kaya dali-dali niyang inakbayan si Jelai.

"Tay...... Na realize ko kasi na mas mahal ko si Jelai at wala talaga akong nararamdaman kay Mary." Utal nito na ikinagalit ni ninong.

"Ano bang pinagsasabi mo bak--" Agad syang hinalikan ni Becky sa labi kaya literal na nagulat si Jelai. Ang dalawang kaibigan nito ay tila naka nganga sa gulat.

"Yan ang anak ko," Hampas ni Ninong kay Becky saka ito humatak ng tawa. Panay hagik-ik ko sa nakitang eksena habang halos hindi makagalaw si Jelai sa kinatatayuan niya. Ngumiyak-ngiyak si Jelai habang niyayakap ang kanyang dalawang kaibigan. "Okay lang sakin Beck. Maganda naman si Jelai kaya mabibigyan nyo ako ng maganda at gwapong apo." Mas lalong umiyak si Jelai kaya nagtawanan kaming lahat. "Oh inaanak? Sino nga ba itong boyfriend mo?" baling niya samin.

"I'm Matteo Edelbario, Sir. Nice to meet you po." Inabot ni Matteo ang kamay ni ninong saka ito nag mano. Nagulat ako sa ginawa niya, buong akala ko ay hindi nagmamano ang isang Edelbario.

"Aduy..... Nosebleed tayo pre." Tapik ni dodong sa balikat ni Nard. Sumulyap ako sa kanya saka ito nag-iwas ng tingin sakin.

"Kaawan ka ng Diyos hijo. Mukhang mabait ka namang tao. Siguradohin mo lang na hindi mo sasaktan itong inaanak ko huh?" Hamon ni ninong kaya naramdaman ko ang kamay ni Matteo sa bewang ko. Ramdam ko ang higpit ng pagkakahawak niya saking bewang. Tila ayaw akong mawala.

 The Virgin Mary [Edelbario Series#1]Where stories live. Discover now