KABANATA 36

9K 204 24
                                    


Galit na galit si Matteo sa tawag kanina. Sinabi ko sa kanya ang totoo ngunit mas lalo lang itong nagalit. Tinatawanan ko sya pero lagi niya lang tinatawag ang pangalan ko ng paulit-ulit. Hindi ko rin alam kong anong sinumbong ng kanyang dalawang body guard. Pagkatapos naming mag-usap non ay bumalik na ako sa trabaho. Hindi pa ako nakakalapit sa counter ay rinig na rinig ko na ang boses ni Alyana kasama ang mga kaibigan nito. Dumaan ako sa harap nila sabay ng pagsalita niya na ikinahinto ko.

"Poor Mary, alam mo bang mag kasama si Maam Venus at sir Matteo kanina?" Sumulyap ako sa kanya at tinititigan ito mula ulo hanggang paa. "They dating actually, at nakita ko sa isang resto. Sobrang sweet at tila nag mamahalan ng totoo." Dugtong niya kaya mas lalo kong hinawakan ng mahigpit ang tray na dala ko.

"Assumera ka kasi, Mary. Pinagsabihan ka na namin pero ang lakas ng loob mong lumaban. Ano ngayon? Sinong nasaktan? Diba anf sakit? Masyado ka kasing feeling." Sambit ng kaibigan niya na sobrang pula ng labi. Sobrang sikip ng dibdib ko kaya pilit kong itong ikinakalma.

"Meron pa ba kayong sasabihin? Kong wala na ay maiwan ko muna kayo." Aakmang aalis na ako ng hinila ni Alyana ang braso ko. Napaatras ako sa ginawa niya kaya nag laban kami ng titig. Hindi ako naniniwala sa sinasabi nila dahil alam ko sa sarili ko na ako ang mahal ni Matteo.

"Ayaw mong maniwala?" Taas kilay niya. "Oh ayan siguro naman ay maniniwala kana?" Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa larawang pinakita niya sakin. Si Matteo at Venus na naghahalikan sa isang resto. Ang sakit sa dibdib at tila dinudurog ang puso ko ng paulit-ulit. Ayaw kong maniwala pero sa nakita ko ay dahan-dahan kong niluluko ang sarili ko sa paniniwalang mahal niya ako. "Ano? Bakit di ka makasagot? Gandang-ganda ka kasi sayong sarili, akala mo hindi ka niluluko ni Sir? In your dream Mary."

May namumuong luha sa magkabila kong mata kaya pinipigilan ko lang yon. Naramdaman ko nalang ang kamay ni Ivony sa balikat ko tska niya kinuha ang phone na hawak ni Alyana.

"Gosh!? Ano ito? bakit---'" literal na nagulat si Ivony tska binawi ni Alyana ang kanyang phone.

"Nakita ko si Sir matteo kanina sa isang resto kasama si Mam Venus." Sagot niya kay Ivony kaya tinulak siya ito sa balikat. Pumagitna ang dalawang kaibigan ni Alyana at tinulak rin pabalik si Ivony. Madalian kong hinila si Ivony.

"Sinisiraan molang ang kaibigan namin Alyana kaya tumigil ka na." Bulyaw ni Ivony kaya tumawa si Alyana ng malakas.

"Bakit naman ako maninira? Para saan pa? Ikakaganda ko ba yan lalo? Mag pasalamat ka nalang Mary dahil nahuli ko si sir Matteo. Kayo pa ang may ganang magalit sakin." Umirap si Alyana tsaka kami tuluyang tinalikuran kasama ang kaibigan nito.

Sobrang sikip ng dibdib ko. Napapikit ako sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Nakagat ko ang labi ko at pilit pinipigilan ang luhang gustong tumulo.

"Maey huwag kang maniwala sa bruhang iyon. Baka nga hinalungkat niya lang iyon sa google eh. Alam mo namang sikat si Matteo, kaya maraming social media ang naka palibot sa kanya." Hindi ko alam kong maniniwala ako kay Alyana. May bahid saking isip na isang playboy si Matteo at hindi iyon mawawala sa isang katulad niya, dahil ganon sya noon.

Pero sabi ng puso ko ay mahal niya ako at iyon ang pinang-hahawakan ko ngayon. Anh hirap maniwala kahit meron ng ebedensya.

Bumalik ako sa trabaho na bagsak ang mag kabilang balikat. Hindi ko magawang mag concentrate kong pumapasok sa isipan ko ang larawang iyon. Bawat hatid ko sa iilang bote sa iilang costumer ay pilit kong ngumingiti kahit alam kong sobrang bigat ng aking dibdib. Nakagat ko ang labi ko dahil sa luhang gusto ng pumatak. Panay ang iling ko para lang mawala ang luha sa gilid ng aking mata.

 The Virgin Mary [Edelbario Series#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon