KABANATA 3

11.8K 249 20
                                    

"Maey, ihatid mo ito sa number five." tawag sakin ni Jessica.

Agad akong lumapit sa kanya at kinuha ang iilang bote ng alak mula sa counter.

Sinanay nila na tawagin ako sa pangalang Maey. Si Ivony ang unang  tumawag sakin niyan kaya ginaya narin ni Jessica at Grace. Ewan ko lang kay Erika, dahil hindi ko pa sya naririnig na tawagin ako, maging sa pangalan ko.

Tinuruan na rin ako ni Ivony kong pano gumalaw at rumi'presenta sa mga costumer. Maging sa pa sikot-sikot sa loob ng bar ay kailangan kong tandaan.

"Good evening Sir this is your order." dahan-dahang inangat ng lalaki ang kanyang ulo. Bahagya syang  ngumiti bago ako ngumiti pabalik sa kanya.

"Thank you beautiful," kindat nito bago ako nag bow sa harap niya.

Dali-dali akong bumalik sa counter.

"Maey, pakihatid sa number one." bulyaw ni Erika kaya agad kong tinanggap ang mga bote ng alak.

Nabigla ako sa pagtawag niya saking pangalan. Nasisiyahan ako sa narinig habang naglalakad patungo sa gitna ng bar!

May iilang costumer na panay ang tingin sakin. Sa totoo lang ay hindi ako komportable sa suot ko. Napaka iksi at di umano'y halos kita ang pwetan ko.

Bakit kailangan pa ganito ang susuotin? Siguro ay kailangan kong maging komportable.

"Good evening Sir," sabay napatingin sakin ang apat na kalalakihan. Ngumiti din ako at ganoon din sila.

Nilapag ko 'yong iilang bote ng alak sa mesa. Alam kong nasa akin lang ang titig nila at kailangan kong kumalma.

"Enjoy your drink po Sir," nag bow ako agad sa apat na lalaki bago sila tinalikuran.

Natatakot ako dahil medyo lasing narin sila. Kahit nag mumukha akong walang modo sa inasta kanina ay agad akong umiwas.

Natatakot akong mabastos at sana hindi mangyari iyon sakin dito.

"Hoy. Bakit ang tagal mo huh!?" Nakapamewang na bulyaw sakin ni Erika. Hindi ako sumagot at yumuko nalang. "Ito pa,"  lapag niya sa tatlong bote ng alak. "Hatid mo sa number eight. Bilis!" umirap sya bago ako tinalikuran.

Minsan ay naiisip ko kong ano kayang problema niya sakin? Naging mabait naman ako. Naging masunurin naman ako sa trabaho. Tila bakit ayaw niya parin sakin?

Napasinghap ako bago tumuloy sa paglalakad. Hinatid ko ang alak sa numerong sinabi niya.

Nakakapagod ang trabaho na ito ngunit mas mabuti na 'to kaysa wala.

Bumalik ako sa counter na nakangiti. Hawak-hawak ang dala kong tray ay naaninag ko ang paglapit sakin ni Ivony. Sobrang lapad ng ngiti niya kaya kumunot ang noo ko. Anong meron?

"K-Kanina pa kita hinahanap." kapit niya sa braso ko. Sumabay sya saking paglalakad. "Pinapunta ka ni Sir sa office niya." kilig nito kaya mas kalong kumunot ang aking noo.

Kinabahan tuloy ako sa sinabi ni Ivony. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Bakit raw?" tanong ko na may kaba.

"I dont know, Maey. Pero ang swerte mo huh. Sige na at pumunta kana sa opisina ni Sir," nagulat ako sa ginawang pag tapik niya sa puwet ko. Napausog ako na may ngiti.

Umalis akong may ngiti sa labi. Hindi ko alam kong bakit sobrang hilig ni Ivony na tapikin ang pwet ko. Buti nalang talaga at kaibigan ko sya.

Kinakabahan ako habang naglalakad dito sa corridor. Pagdating ko sa may silid ay nag dadalawang isip pa akong buksan ang pinto ng opisina ni Clifford. Malalim akong bumuntong hininga bago dahan-dahang pinihit ang pintoan.

 The Virgin Mary [Edelbario Series#1]Where stories live. Discover now