KABANATA 2

12.1K 273 6
                                    

Sumunod ako kay Ma'am Shelo at inilibot niya ako sa buong bar.

"Pwede kang mag stay in dito. Ngunit every month babawasan ang sahod mo ng 500". Nagulat ako sa sinabi niya. Kahit isang libo pa iyan ay okay na okay basta't may matutuluyan lang ako.

"Talaga po?" Nakangisi kong sambit.

"Oo. May mga kasamahan karing waitress dito na kasing edad mo. Ilang taon ka na ba?" Huminto sya sa paglalakad at at humarap sakin.

"22 na po ako, Ma'am."sagot ko.

"Bata pa at mukhang hindi halata sa tindig mo Mary. Mukha kang matured tignan." Taas kilay nito.

Hindi ko na sya muling sinagot pa dahil tinalikuran niya ako agad. Sinundan ko sya papasok sa mga iilang silid. Dumaan rin kami sa isang malawak na corridor.

Itinuro niya ang unang silid na nadaanan namin.

"Kwarto iyan ng limang bouncer namin dito. At dito naman ay kwarto ng tatlo naming bartender. Wala kaming lalaking waiter dito, dahil gusto ng amo natin ay magaganda't, sexy ang nag seserve sa mga costumer." Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Pano kong may mambabastos? "At? Huwag kang mag-alala walang mambabastos  dahil secure ng limang bouncer ang buong paligid."

Binuksan niya ang huling silid at bumungad sakin ang sampung puting kama. May mga kagamitan din sa loob tulad ng napakalaking closet na may malaking salamin sa gitna. Sofa at Tv at iba pa.

"Ito ang kwarto ng mga kasamahan mo. Wala ng extrang kama kaya kumausap ka isa sa kanila nang sa ganon ay makatabi ka sa kama," wika nito ulit. Iginala ko ang aking paningin.

"Nasan po sila Ma'am?" Wala na kasi akong ibang nakitang tao dito maliban saming dalawa at kay Clifford at Robi.

"Sa bar na ito talagang magmumukha kang aswang." Nabigla ako sa sinabi niya. "Trabaho sa gabi gala sa umaga." Nakangiti niyang sambit.

"Ganoon po ba??" Ngiti ko ring pabalik. Kinabahan ako tuloy sa salitang aswang.

"Maraming nag kakandarapang magtrabaho dito dahil sa tatlong magpinsan." ani niya na parang kinikilig pa. "Ang swerte mo dahil ikaw pa ang nahawakan ng amo natin." Ngayon ay tinaasan nya ako ng kilay. "Kahit na nga ako ay hindi pa nahahawakan kahit kamay lang, kaya maswerte ka."

 The Virgin Mary [Edelbario Series#1]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora