KABANATA 22

8.8K 191 27
                                    

Kanina ko pa naririnig ang pagmura ni Rocky. Sobrang bilis ng pagtakbo ng kotse niya dahil sa iritasyon. Hawak-hawak ko ang pajama ko sa takot dahil ito ang kauna-unahang makita ko syang galit. Napapikit ako saglit bilang pawala ng takot. Naramdaman kong tinititigan niya ako kaya bahagya akong lumingon sa kanya.

"Im sorry," Una niyang salita kaya unti-unting nawala ang takot ko. Dahan-dahan naring bumagal ang takbo ng kotse niya kaya nagbuga ako ng iilang hininga.

"Nagagalit lang ako dahil nakita kitang sumasama sa kanya." Dugtong niya kaya nakagat ko ang labi ko.

"Im sorry Rocky." iyon lang ang tangi kong maisasagot dahil hindi ko rin alam kong anong isasagot. Pinaglalaruan ko ang kamay ko dahil sa wala rin naman akong masabi.

"Ginugulo ka ba ni Matteo?" Agad akong umiling sa tanong ni Rocky.

"Nag-uusap lang kami. Hindi niya ako ginugulo.." Direkto kong sagot kaya lumingon sya sakin ulit. Narinig ko ang buntong hininga niya tsaka sya nagpatuloy sa pag dadarive. Pinark niya ang kotse sa isang coffeeshop.

Hindi sya nagsalita tska lumabas ng kotse at umikot patungo sakin. Pinagbuksan niya ako ng walang imikan at tanging titigan lamang. Pumasok kami sa shop tsaka nagtungo sa counter.

"Goodevening maam / sir welcome to Nicz coffeshop."

Humalukip-kip ako sa gilid ni Rocky at hindi ko magawang tignan sya.

"Two chocolate shakey and one slice frost cake. Samahan mo narin ng water." Saad niya sa counter.

Nagsimula syang maglakad kaya sumunod ako sa kanya. Naghila sya ng isang upoan tsaka tumingin sakin. Dahan-dahan akong umupo dun na hindi nagsasalita. Hindi ko alam kong anong sasabihin kong kanina pa sya tahimik. Nag-simula na akong mailang. Umupo sya sa kabila ng hindi ako tinitignan. Alam kong marami syang katanongan pero hindi ko magawang masagot. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng kanyang mukha dahil blanko ito.

Nagseselos kaya sya? Iyon ang unang sumagip sa isip ko.

"Ayaw kong makita kang sumasama kay Matteo." Bagsak boses niya bago ako tignan. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil may usapan kami ni Matteo.

"Magkikita parin kami, dahil pumupunta sya sa bar." Sagot ko na ikinabuntong hininga niya.

Dumating na ang order namin kaya naputol ang usapan namin. Bawat kilos ko ay tinititigan niya. Kinakabahan ako sa mga susunod niyang tanong kaya tinapangan ko ang sarili ko.

"Hindi mo kilala si Matteo, Mary. Baka isang haplos niya lang ay bibitaw kana." Nagulat ako sa sinabi niya kaya agad akong napatingin sa kanya. Sobrang higpit ng hawak ko sa baso sabay ng malakas na pintig ng puso ko. Bakit niya nasabi sakin yan ngayon.

"Mag kaibigan lang kami Rocky." Baling ko kaya hindi niya parin wina'wala ang titig sakin. Alam kong binabasa niya ang kilos ko kong nagsasabi ba ako ng totoo.

"Sana ay mali ang kutob ko." Tipid niyang sagot bago ininom ang kape. Yumuko ako sa huli niyang sinabi. Pinagitnaan kami ng katahimikan kaya nilibang ko ang sarili ko sa kinakain kong cake. "Mary?" Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at nakita ko ulit ang Rocky na kilala ko noon. Naging maamo na parang pusa. "Im sorry for saying this. Nag-aalala lang ako sayo dahil ayaw kong masaktan ka."

Napangiti ako sa sinabi niya. Ayaw niya akong masaktan pero nasasaktan na ako noon pa. Matagal ko ng itinago ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Alam kong nag-aalala ka. Salamat Rocky dahil hindi mo parin ako pinapababayaan." Naramdaman ko ang kamay niya sa kamay ko kaya narinig ko ulit ang tibok ng puso ko.

 The Virgin Mary [Edelbario Series#1]Where stories live. Discover now