KABANATA 30

12.5K 241 42
                                    


(A/N) RATED SPG:

Maging sa byahe ay panay ang ngiti ni Matteo habang nagmamaneho. Halo-halo ang nararamdaman ko at iyon ay sobrang nakakagaan. Ang sarap sa pakiramdam at ang sarap damdamin ng paulit-ulit. Kanina pa ako kagat ng kagat sa labi ko dahil sa nangyari kanina. Pinaglalaruan ko ang dulo ng aking mga kamay sa kaba. Siguro ay tuluyan na akong nahulog sa kanya. Kong isa ito sa mga laro ni Matteo ay sana mali ang iniisip ko. Kong nilalaro niya man ako ay handa akong makipaglaro sa kanya para sa nararamdaman ko ngayon.

Bumukas ang malaking gate at nakita ko ulit si manong guard na mag-isa. Ganon parin ay bumati sya samin tska niya ako bahagyang nginitian. Siguro ay kilala na niya ako dahil pangalawang beses ko na dito sa bahay ni Matteo. Pinark niya ang kotse sa parking area ng bahay bago sya lumingon sakin.

"I need to cooked, I think your hungry." Tumango ako bilang sagot. Dahil sa totoo lang ay nagugutom narin ako. Bumaba sya ng tuluyan sa kotse. Ganon parin ay pinagbuksan niya ako ng pinto. Inalalayan niya rin akong bumaba.

Sabay kaming pumasok sa bahay niya. Sobrang laki nito kaya maliligaw ka nalang. Binuksan niya ang ilaw mula sa gilid ng pinto at isa-isang bumukas ang iilang naglalakihang ilaw at ang malaking chandelier mula sa gitna ng sala's. Hinila niya ako sa sofa tska pinaupo ng marahan.

"You want to change your clothes?" Saad niya tsaka ako umiling.

"Mamaya nalang, pagkatapos mong magluto." Sagot ko. Nagulat nalang ako dahil dahan-dahan syang lumuhod sa harap ko tsaka niya tinanggal ang kaltas na suot kong heel. Nakikiliti ako mula sa pagkahawak niya dun, kaya pilit kong kinakalma ang sarili ko.

"Masakit ba?" Hinilot-hilot niya ang dulo ng paa ko kaya napapikit ako sa sarap.

"Medyo," Mahina kong sagot kaya patuloy parin ang hilot niya sa paa ko. Nanga-ngawit na din ito kanina pa dahil sa kakatayo sa party.

"I massage you, after dinner.." Tumango ako bilang sagot. Dahan-dahan niyang ibinaba ang paa ko kaya ramdam ko ang malamig na sahig. Dahan-dahan syang lumapit sakin tska ako hinalikan sa labi. Napapikit ako sa ginawa niya kaya pinulupot ko ang kamay ko sa batok niya. Mas binigay ko pa ang halik na gusto niya kaya bigla syang tumigil sa halikan namin.

"Not now, Mary. We have to eat first." Nakangiti niyang sabi kaya yumuko ako sa kahihiyan. Dahan-dahan syang tumayo tsaka tinanggal ang kanyang neck'tie mula sa leeg.

"Just wait me here, I need change my clothes for a while." Tumango ulit ako bilang sagot tsaka sya tuluyang umakyat sa itaas. Pinapanunuod ko sya mula sa kinauupoan ko. Gustong-gusto ko na talaga si Matteo. Kong ano man ang kahahantungan ng mangyayari ay wala akong pinagsisihan.

Ilang sandali lang ay bumalik syang naka black shirt  at puting short. Ang kanyang muscle na umumbok sa bawat galaw niya. Ang kanyang perpektong katawan na umaalindog ay mapapatingin ka. Lumapit sya sakin kaya agad akong umiwas ng tingin. Bakit ko nga ba sya pinapantasyahan?

"I already prepared your clothes upstair. Pwede ka ng magbihis, magluluto lang ako saglit." Agad akong tumayo tska pinulot ang heel mula sa sahig.

"Sige, magbibihis muna ako." Nilagpasan ko sya saka umakyat sa hagdanan na gawa sa salamin. Nanginig ang paa ko dahil sa takot na baka mabasag ang hagdanan. Natawa ako sa imahinasayon ko.

Dumungaw ako mula sa ibaba at nahuli ko syang nakatayo mula run at nakatitig sakin. Tinaasan ko sya ng kilay kaya nagsimula na syang pumasok sa kitchen. Napangiti ako sa reaksyon niya, buong akala ko ay nasa kitchen na sya.

Pinihit ko ang pintoan ng kwarto niya at unang bumungad sakin ay ang isang towalya at puting sleeveless kasama ang maitim na boxer nito. Hinubad ko lahat ng damit ko para sa pagligo. Hindi naman siguro papasok si Matteo dito dahil nagluluto sya sa ibaba. Hubot hubad akong pumasok sa banyo niya. Ang bawat patak ng tubig sa katawan ko ay nagbibigay sakin ng magaang pakiramdam. Ang mainit na tubig ay nag papainit sa balat ko sa buong katawan.

 The Virgin Mary [Edelbario Series#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon