KABANATA 15

10K 225 5
                                    

"Manang isali nyo narin itong tortang talong, pati 'yong kare-kare at ginisang itlog. Pati narin yong pancit, sinabawang baka at anim na kanin." Bulyaw ni Jessica kaya tawang-tawa kami. Ang dami niya kasing inorder.

Dito kami laging kumakain at malapit lang din ito sa bar. Ang kalenderya ni Manang kutseng. Kahit medyo mainit sa kalenderya ni Manang ay nadadala naman ito sa masasarap niyang luto.

Kasama ko ang apat, at kasali nadon si Erika.

"Manang maglagay ka nalang kaya ng aircon sa kalenderya mo." Pagmamaktol ni Grace kaya tinignan sya ng masama ni Manang. Nagtawanan kami ni Jessica at Ivony habang tahimik na kumakain si Erika.

"Maluluge ako niyan hija. Kong ganon ang mangyayari ay kulang ang binabayad ng mga kumakain dito para pambayad ng kuryente." Sagot ni Manang kaya kinati ni Grace ang kanyang batok..

"Joke lang manang. Eh kong araw-araw libre ang ginataang manok nyo, kaya naming mag tiis sa init." Dugtong ni Grace kaya nagtawanan kami ulit. Tawang-tawa si manang sa kakulitan niGrace.

"Oh mga pare, nandito ang mga magagandang waitress ng sweet bar," Sabay kaming napalingon sa iilang grupo ng kalalakihan na kararating lang. Umupo sila sa kabilang mesa na nagtatawanan.

"Naka table ko ang isa sa mga yan." saad nong isa.

"Ako nga eh.... naka one night Stand ko ang isa sa mga yan." natatawang sambit din nong isa. Lahat kami ay nagalit sa buka ng kanilang bibig. Pareho-pareho kaming nanlaki ang mga mata. Halos nasa amin ang tingin ng iba

Anong akala nila samin? Naikuyom ko ang kamao ko sa galit. Pilit ring kumakalma ang mga kaibigan ko.

"Wetwew hita palang ay ulam na mga pare," Wika nong isang lalaki kaya napatayo si Grace at agad syang hinila ni Ivony paupo pabalik.

Nakaramdam ako ng init sa katawan dahil sa galit. Hindi namin sila kilala at bawat buka ng kanilang bibig ay walang katotohanan. Walang Katuturan at lalong nakakabastos sa pandinig.

"Ang mga babastos eh. Bakit mo ako pinigilan?" Iritang saad ni Grace tsaka ito padabog umayos ng upo.

"Kalma Grace, nasa kalenderya tayo ni manang. Ayaw ko ng gulo." sagot ni Ivony na ikinangiwi ni Grace.

"Hayaan muna Grace, hindi sila nakakaganda. Ang papanget naman ng mga mukha." Taas kilay ni Jessica kaya dahan-dahang kumalma si Grace.

Siya yung tipong malakas magpatawa ngunit ang daling mairita.

"Nakakaasar lang kasi girls. Sisipolan pa tayo dun pa talaga sa mga panget. Nakaka high in low!" Pasigaw na sabi ni Grace rason kong bakit narinig ng apat na lalaki. Nagulat din kami sa ginawa niyang pag-sigaw.

Nakaramdam ako ng takot ng tumayo ang apat na lalaki at kita mula sa mukha nila ang galit. Lumapit sila samin na sobrang galit.

"Anong sinabi mo?" Hinampas ng lalaki ang mesa tsaka ito tinulak at natapon lahat ng pagkain namin.

Sabay kaming napatayo sa takot.

"Ang sabi ko ang panget nyo!" Bulyaw ni Grace kaya hinawakan sya ng lalaki sa may braso.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko kaya lumapit ako sa lalaki tsaka sya itinulak. Masyadong syang malaki kaya hindi ko magawang itulak.

"Bitawan mo ang kaibigan ko. Kasalanan nyo rin naman dahil nambabastos kayo." Bulyaw ko kaya inilipat ng lalaki ang tingin sakin.bBinitawan niya si Grace at agad akong hinawakan sa braso nito.

 The Virgin Mary [Edelbario Series#1]Where stories live. Discover now