Lesson 10

123K 2.8K 83
                                    


"Tangna ang jologs mo talaga, tabi nga!"

"Pucha. 'Yan ba uso ngayon? Hahaha!"


Bigla namang kumulo yung dugo ko habang naglalakad ako papunta sa room. Sa tapat kasi ng room namin ay may dalawang fourth year na lalaking mukhang mga paa ang nambubully na naman kay Roj. At ito namang Roj na 'to, bakit ba ayaw niyang labanan? Eh halos magkakasingtangkad lang naman sila? Di kaya duwag siya?


"Hey, stop that!" Lumapit ako sa kanila at humarang ako para nasa likuran ko si Roj. Pero parang nawala 'yung tapang ko nung nakita ko nang harap-harapan 'tong dalawang kumag. Ang laki nila!


"Oh, the famous Liann. Balita ko hindi ka na nililigawan ni Ivan. Ano, tayo na lang?" tapos ngumisi siya. Oh God, no way! Ang kapal din ng apog ng lalaking 'to ah!


Sasagot na sana ako pero nagulat ako nung hinawakan niya ako sa braso at hinila palapit sa kanya. Papalag na sana ako pero bigla ring napatigil sa paghila sa akin 'yung lalaki dahil pinigilan siya ni Roj habang nakahawak sa braso niya.


"Sorry pero kailangan na naming pumasok." Ikinagulat ko lalo nung seryoso ang mukha ni Roj at hinila niya ako papasok sa room. Mukhang hindi naman na kami sinundan nung dalawang lalaking 'yun kaya nakahinga ako nang maluwag.


"Sorry nadamay ka pa," he said while fixing his thick glasses. Hindi ko muna pinasuot yung contact lens kasi...basta. I have better plans.


"A-Ayos lang." Though nanginginig 'yung kamay ko dahil sa kaba kanina nung hinatak ako nung lalaki.


"You sure?"

"Yeah," sabay ngiti ko sa kanya.


Papunta na sana ako sa upuan ko kaso may isang epal na sumulpot sa harapan ko. Guess who?


"Wow, mukhang nagkakamabutihan na kayo ng nerd in shining glasses mo ah? Sabagay, you two are perfect for each other," sabay smirk niya sa akin.

Kung pwede lang sabunutan ang Raya na 'to dito ay kanina ko pa ginawa. Pasalamat siya at nasa honor roll ako at bawal kaming magpakita ng foul behavior. Ano bang problema niya at inaaway niya pa rin ako? Napapaisip tuloy ako kung anong nagustuhan ni Ivan sa kanya. Sinamaan ko nalang siya ng tingin. Ayokong magsalita, baka madala ako at madala ko kaagad siya sa hukay.


"Loser alert. Hey, Mr. Nerd, bakit kaya 'di mo ligawan 'tong si Liann? Malay mo sagutin ka. Tapos kayo na ang Nerdy Couple. Top 1 and Top 2. That would be hilarious!"


Nagtawanan din 'yung ibang classmates namin. Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang galit at iyak ko. Sa mga ganitong pagkakataon ay laging nasa tabi ko si Zie pero ngayon ay wala siya. I'm alone right now.


Nagulat ako nung biglang may nanghatak sa akin palabas ng room. Pagtingin ko, si Roj pala. Narinig ko pa ang malakas na pagtawa ni Raya dahil doon. Yumuko nalang ako habang naglalakad kami kasi nahihiya ako.


Ang alam ko na lang ay nasa cafeteria na kami.


Love Tutorial (Kingdom University, spinoff)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon