Lesson 8

125K 2.9K 109
                                    


"Bye Ate, bye Dad," then kiniss ko sila sa cheeks. Pagkaalis nila ay umakyat agad ako at pumasok sa room. Buti na lang wala kaming assignments ngayon. Nakatulog kasi ako kaagad pagkauwi kagabi eh, sobrang napagod ako.


"Ven!" Nakita ko kaagad si Ziela at kumaway ako tapos umupo sa tabi niya.

"Oh ano? Kamusta family gathering niyo?" tanong ko dahil hindi ko na siya naitext kagabi.

"Ayos naman, medyo BV nga lang."

"Bakit? What happened ba?"

"Naku saka ko na lang ikukwento, long story eh."

"Okay. Nga pala, punta tayong SM sa friday ha? Sale kasi eh. Shopping to the max tayo!"

"OMG really?! Sure, sure!"


At ayan nag-usap na naman kami tungkol sa shopping. Dumating rin naman agad yung homeroom teacher namin kaya nagsibalikan na rin sa mga upuan 'yung iba kong classmates.


"Okay class, itago niyo yung notebooks and books niyo. We'll have a recitation. Surprise," sabay grin ni Ma'am sa amin. At oo, nasurprise kaming lahat!


Nagkagulo tuloy sa room. Nagsilapitan kasi lahat ng mga walang notes doon sa meron. Buti na lang at nagsusulat ako lagi.


"Grabe naman si Ma'am, walang patawad!" bulong ni Zie habang nagsscan ng notes niya.


Nagreview na lang kaming dalawa ng Chemistry. Balancing equations lang naman ang recitation. Kaso medyo mahirap 'yun kapag sobrang complicated na ng reaction. Sana 'di mahirap yung makuha ko. Kinabahan tuloy ako bigla.


"Casimiro, Raya."


Tumayo naman siya sa upuan niya at ang ikinagulat ko ay tumingin siya sa direksyon ko tapos, bigla niya akong inarapan. Now what was the meaning of that? Malinaw naman ang mata ko at 'di ako pwedeng magkamali na inirapan niya talaga ako. Oh baka si Ziela inirapan niya?


"Zie, nakita mo 'yun?"

"Ang alin? Si impaktitang babaitang malditang impokritang Raya?" Pfft. Natawa ako bigla sa sinabi ni Ziela. Ayos makadagdag ng adjectives ah?

"Oo. Umirap ba siya?"

"Oo, sarap ngang dukutin ng mata eh. Feeling ko tayong dalawa 'yung inirapan nun."

"Tayong dalawa?" Teka may atraso rin ba si Zie dun sa Raya na 'yun?

"Oo kasi nga invited si Ivan doon sa gathering kagabi. Ayan, tinatarget na rin yata ako. Asa naman siyang papatulan ko 'yung Ivan niya no. In his dreams!"


Ah kaya pala BV raw 'yung gathering nila kagabi. Naku, panghatid-BV talaga 'yang Raya na yan eh. Naaalala ko tuloy ulit 'yung mga panahong dapat ay sasagutin ko na si Ivan pero nawala na lang ang lahat na parang bula.


"Hoy ano ka ba, chemistry subject 'to hindi crying subject. Tsaka akala ko ba hindi mo na siya iiyakan?"


Hindi ko naman napansin agad na namumuo na pala 'yung mga luha sa mata ko. Bago pa 'yun pumatak ay pinunasan ko na kaagad. Tama, hindi ko dapat siya iniiyakan. Kung iiyak man ako dahil sa kanya, sisiguraduhin kong dahil 'yun sa masaya akong nakapagmove-on na sa kanya. He's not worth it for my tears, after all.

Love Tutorial (Kingdom University, spinoff)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon