Lesson 16

116K 2.6K 34
                                    

 ZIELA'S POV

 

"Pwede ba tayong mag-usap?" Nung tinanong niya 'yun ay tinitigan ko lang siya. Siguro nga dapat kaming mag-usap ng tungkol sa amin para maging malinaw ang lahat.

Tumango ako sa kanya at tumayo ako. Inoffer niya ang kamay niya pero hindi ko tinanggap. Naglakad-lakad kami palabas ng school.

"Pwede bang pakisabi kay Liann, sorry? Sorry sa mga nagawa ko sa kanya? Sobra kasi akong naguiguilty. Hindi ko naman sinasadyang saktan siya."

"You know that I can't do that. I think dapat ikaw mismo ang magsorry sa kanya. That sorry would be more sincere if you say it in person."

Narinig ko naman na nagbuntung-hininga siya. Mabagal lang kami na naglalakad at buti na lang ay 9AM pa lang kaya hindi pa masyadong mainit.

"Y-yung tungkol sa engagement..." Napatingin agad ako sa kanya. Tama. Dapat talaga naming pag-usapan 'to. Ayokong magkaroon ng malaking problema dahil lang sa engagement na 'to.

"I think we should cancel it. Sinubukan ko ng kausapin 'yung Dad ko kanina pero mukhang malabo raw eh. Ano sa tingin mo?" Naalala ko tuloy 'yung pagsagot ko kanina kay Daddy.

"Yeah, I think so."

Bigla naman akong may naalala na ikinainis ko dati kaya nagbago ang expression ko.

"Eh anong ibig mong sabihin dati na gusto mo pa ring ituloy 'tong engagement kahit may girlfriend ka that time? Tapos sabi mo pa ay titigilan mo lang ako pag napanalo ko yung contest?" 'Di ko na mapigilang magtanong dahil naguguluhan ako sa takbo ng utak niya.

"Ahh that. Actually, that was just a joke. Nakita ko kasing sumisilip nun si Raya kaya sinabi ko 'yun. I thought she would be jealous of she hears us..." He suddenly sighed.

"Then?" Gusto kong malaman 'yung nangyari.

"Yun pa ang ginamit niya na isa sa mga dahilan kung bakit siya nakipagbreak kanina. Akala ko magseselos siya. Kasi kung magseselos siya, matutuwa ako. I would be assure that she really loves me. Pero hindi eh. Hindi naman ata niya talaga ako minahal kahit sa simula pa lang."

Bigla siyang tumingala at pumikit. I know, muntik na naman siyang umiyak. Walang hiyang Raya 'yun! Sana hinayaan niya nalang si Ivan kay Venice. Eh di sana, walang nasasaktan ngayon. Siya talaga ang may kasalanan ng lahat ng 'to eh.

I promise. Gagantihan ko siya isang araw. Nakakairita na siya. Humanda siya sa akin dahil sisiguraduhin kong ako ang karma niya.

"Oh." Sinuot ko sa kanya 'yung cap ko. "Hindi bagay sa isang lalaki ang umiiyak. Mahiya ka naman sa kasama mo." Sinuot ko sa kanya 'yun na tipong natatakpan ang mga mata niya. And I know, na pagkalagay na pagkalagay ko nun ay umiyak na siya. 'Di ko nalang siya tinignan at tumingin nalang ako sa nilalakaran namin.

Ilang minuto rin kaming tahimik lang na naglalakad. 'Yung mga hakbang lang namin ang maririnig at ang malakas na hangin.

Love Tutorial (Kingdom University, spinoff)Onde histórias criam vida. Descubra agora