Lesson 11

125K 3K 96
                                    


Anong nangyari? Paanong...


"Sorry, ako pa ang naging partner mo," sabi ni Roj sa akin habang inaayos na naman niya 'yung sobrang kapal niyang salamin.

"A-Ayos lang. Teka ano bang nangyari? Bakit kayo nagkapalit?"


Bigla naman siyang napabuntung-hininga. Now what's the meaning of that? Dapat na ba akong kabahan? Matakot? Matuwa?


"We have to do a skit."


Natulala lang ako sa sinabi niya at hindi ko alam kung nantitrip ba siya o mali lang ang rinig ko. Pero nung inulit niya pa ng isang beses ay bumalik sa paggana ang brain cells ko.


"What?!" napatakip agad ako sa bibig ko dahil napalakas 'yung boses ko. Napatingin tuloy sa amin si Ma'am pati na rin 'yung classmates namin kaya ngumiti na lang ako.


Naman kasi eh! Ano raw? Skit? For what?


"Anong skit? Teka 'di ba reporting lang naman tayo?" Ang gulo talaga eh. Para saan naman 'yang skit na 'yan? Eh hindi nga ako marunong umarte.


"Sabi ni Ma'am, what if 'yung top two students ay gumawa na lang ng skit ng favorite scenes ng buong klase. Pero tayo ang pinakalast na magrereport. Bale tayo ang skit tapos summary and importance ng buong novel."


Pagkatapos niyang iexplain yun ay napanganga na lang ako. Like what the eff? Ako? Skit? Pinagsama sa isang sentence? No way! Pwede bang magmodel na lang ako ng Maria Clara? Naman hindi kaya ako marunong umarte! At anong pakulo naman 'to, napakaadik ng teacher namin!


Buong araw ata akong wala sa sarili dahil sa skit na 'yan. Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa kanila kapag nakita nila ang lame kong pag-arte? Simula nung pre-school ako ay hindi ako nag-acting sa kahit anong skit tapos ngayong high school biglang ganito?


"Ano ba 'yang itsura mo babae para kang constipated na nakakita ng multo." Sana nga ganun na lang ang mangyari eh.

"Ziiieeee ayokong mag-act!" Bigla naman niya akong tinawanan tapos kumunot ang noo.

"Ano ka ba buti nga ikaw mag-aact lang eh! Kita mo nga ako may alaga pa akong hayop na partner. Bwisit." This time, ako naman ang tumawa sa kanya at pareho kaming napabuntung-hininga after that.


Mag-best friend nga kami. Bakit pareho kaming malas sa Noli Me Tangere?


***


"Kanina ka pa?" tanong ko kaagad kay Roj nung nakita ko siya sa may gate.

"Nope."

"Okay, let's go."


Hinintay ako ni Roj at pumunta na kami sa bahay. Well, blessing in disguise rin pala na naging magkapartner kami. At least may idadahilan na ako kung bakit ko siya dinadala sa bahay. Alangan naman kasing sabihin ko kay Daddy na, "Dad gusto ko kasi siyang imake-over para makaganti ako blah blah". Aba naman lagot ako kay Daddy pag ganun.

Love Tutorial (Kingdom University, spinoff)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon