Lesson 9

123K 2.9K 34
                                    


"Oh ano, okay ka na?"


Nahimasmasan naman na ako pagkatapos kong makainom ng tubig sa canteen. Buti talaga nahila ako kaagad ni Ziela kung hindi, umiyak na ako sa harapan nilang dalawa. Kasi naman eh. Bakit sa lahat ng pwedeng gawin ay maghalikan pa sa harapan ko? Bastusan? Ako dapat yun eh. Ako dapat 'yung kasama niya ngayon. Ako dapat 'yung masaya ngayon. Ako dapat 'yung mahal niya ngayon. Pero hindi. Minsan talaga, hindi nangyayari 'yung mga inaakala mong dapat nangyayari.


Buong araw lang akong sinamahan ni Ziela. Baka daw kasi may gawin na namang kamalditahan sa akin si Raya kaya dapat magkasama daw kami lagi. Isa pa 'yun na hindi ko maintindihan. Ano bang gustong mangyari ni Raya? Nasa kanya na nga si Ivan eh. Bakit niya pa ako ginaganito?


Nung uwian na, nauna na sa akin si Zie dahil may gagawin pa raw siyang importante, kaya tumambay muna ako sa garden.


"Okay ka na ba?"


Napasigaw ako at halos yumakap na ako sa katabi kong puno dahil sa sobrang gulat. Bigla ba namang may nagsalita galing sa likod ko! Akala ko tuloy nagsasalita na 'yung halaman sa tabi ko! Pagtingin ko kung sino yun, si Roj pala.


"Ikaw lang pala, Roj! Akala ko kung sino na!"


Bigla naman siyang umupo sa tabi ko. "Sorry, di ko sinasadya."


Ngayon na nga pala 'yung simula nung make-over niya, muntik ko pang makalimutan. Tama, mas magandang dito nalang ako magfocus kaysa kay Ivan. Ayoko na muna siyang maging topic. Kahit for a week lang. Ngayon ko lang kasi narealize na may feelings talaga ako for him na taliwas sa sinabi ni Zie na infatuation lang daw 'to.


"Sa bahay nalang namin ha? Nandun kasi 'yung mga binili natin kahapon eh," sabi ko sa kanya.

"Okay. Pero kailangan ba talaga? I mean, do I really need to change?" Teka bakit parang nag-iba ang ihip ng hangin? Mukhang aayaw na siya ah? 'Di ba siya pa nga ang nagsabing gusto niyang magbago?

"I think so. 'Yung style lang naman."


Bago pa magbago yung isip niya ay hinila ko na siya papasok sa sasakyan. Sinabihan ko si Kuya Ronald na bilisan 'yung pagdadrive kaya wala pang 10 minutes ay nasa bahay na kami. Kaso ang problema, si Ate at si Daddy...hindi ko nasabi sa kanila!


Nakalimutan ko palang magpaalam! Hala paano 'yan? Pero nandito na kami sa labas eh. Hala talaga! Baka kung anong isipin nung dalawang 'yun!


"Boyfriend mo, Ven?" Biglang lumabas si Ate at sabi na nga ba kung anu-ano na namang pinag-iisip nito eh.

"No! He's just a friend. May project kaming gagawin eh. By the way, Ate, this is Roj. Roj, this is my sister, ate Steff." Hala saan ko nakuha yung project? Naku nagiging imbentor na ako.

"Good afternoon po," tapos nagnod siya kay Ate.

"Ahh. Hello, good afternoon din. Sige pasok na kayo." Tinignan pa ulit ako ni Ate na parang may kakaibang meaning pero 'di ko na lang siya pinansin.


Buti wala pa si Daddy at si Ate lang 'yung nasa bahay. Umakyat kami ni Roj sa second floor at dumiretso kami sa kwarto ko.


"Nice room."

"Thanks."


Nilibot niya muna 'yung kwarto ko habang nagpapalit ako ng damit sa CR. After nun, umupo na kami sa sofa.


"By the way Roj, this is not just a make-over but also a tutorial. I think one month will be enough."

"What?" Napatingin naman ako sa kanya at talagang halos tumigil 'yung mundo niya. Napatulala kasi siya sa sinabi ko eh.


Gusto kong tulungan siyang i-boost 'yung confidence niya para naman hindi siya nabubully nang ganyan. At syempre magbebenefit din ako doon. Gusto kong makaganti man lang sa ginawa sa akin ni Ivan. Ayokong ako na lang lagi yung nasasaktan. I'll use Roj for my revenge. Pareho lang naman kaming magbebenefit dito, right?


"Yup. I'll make sure that you'll be a perfect guy, every girl's dream. Okay? Just trust me," then I flashed my sweetest smile.

"Okay," sabi niya habang nakahawak sa kwintas na suot niya. Kinakabahan ba siya?

"Okay then, let's start."


Tinabi ko na 'yung mga gamit namin then nilabas ko lahat ng pwede kong magamit para kay Roj. Actually, feeling ko hindi naman ganun kahirap baguhin 'yung style niya. Konting ayos lang, okay na 'to. May itsura naman kasi siya at hindi niya lang talaga alam kung paano mag-ayos.


Sinumulan ko sa contact lens. Pinatanggal ko 'yung salamin niya then sinuotan ko siya ng contacts. Ang hirap ngang ilagay dahil pikit siya nang pikit.


"Roj, 'wag kang pumikit. Hindi ko malagay." Lumapit ako sa mukha niya para at hinawakan ko 'yung taas at babang part ng mata niya para masteady siya. Hindi ko namalayan na sobrang lapit ko na pala dahil nararamdaman ko 'yung paghinga niya at tumatama 'yung hangin sa labi ko. Nung mailagay ko na ay lumayo na ako.


Tinuruan ko rin siya kung paano 'yun ilagay. Mas mahirap pa nung siya na ang naglagay. Paano, ilang iches pa nga ang layo sa mata niya ay pumipikit na kaagad siya. Tumagal ata kami ng isang oras dahil doon. At ngayon ko lang napansin na ang ganda pala ng mata niya.


"Wait. Pwedeng hanggang dito na lang muna?"

"Okay. Gabi na rin naman."


Di ko namalayan na 8:00 PM na pala. Grabe, nasa contact lens palang kami ha. Sabi na nga ba matatagalan 'to eh. Pero at least marunong na siyang maglagay ng contacts.


I guess this is the start. Sana lang, hindi ko pagsisihan 'tong gagawin ko.


***

Love Tutorial (Kingdom University, spinoff)Where stories live. Discover now