Lesson 17

109K 2.5K 58
                                    

VENICE'S POV

To: Roj Morales

Ngayon na ba talaga? As in ngayon na?

After kong i-send 'yun ay napabuntung-hininga ako. Kinakabahan ako sa mangyayari. Nandito ako ngayon sa corridor sa 3rd floor at naghihintay na dumating siya. Grabe naman kasi 'yung taong yun! Ngayon niya pala planong gawin 'yun, di man lang agad ininform sa akin!

From: Roj Morales

Yeah. Papunta na ako.

Pagkabasa ko ng text niya, lalo akong kinabahan. Gulay naman oh! Hala ka, ako talaga ang kinakabahan para sa kanya! Paano kung fail pala? Hindi naman sa hindi ako nagtitiwala sa kaya niyang gawin pero...hindi niya pa naman gamay 'yun eh! Naku naman 'yang taong 'yan oh! Naman Roj!

Iniintay ko siya ngayong dumating. Alam niyo kung bakit? Kasi ngayon daw siya magpapakita bilang ibang tao. I mean, 'yung hindi nerd, 'yung hindi geek, 'yung hindi baduy. Syempre nagpanic ako nun kasi di pa naman niya gamay 'yung pag-aayos right? Pero sana maging maayos. Baka mamaya, may mang-away na naman sa kanya. Baka i-bully na naman siya. At habang tumatagal ako sa corridor, mas lalo akong kinakabahan dahil alam kong malapit na siya. Ano ba 'yan! 6:50 AM na at 10 minutes na lang magsstart na 'yung klase, asan na ba siya?!

Nilabas ko yung phone ko at tatawagan ko na sana siya kaso may narinig akong ingay mula sa baba kaya napatingin ako at...

"OMG! Sino siya?"

"Transferee ba siya? Ang gwapo niya!"

"Baka may dinadalaw lang dito sa school?"

"Grabe naman! Umaga palang may dinadalaw agad?"

"So handsome!"

"Teka parang may kamuha siya eh. Pero ang gwapo niya talaga!"

May isang kumpol ng kababaihan na nagbubulungan, or should I said nagsisigawan since rinig hanggang dito sa 3rd floor, tungkol dun sa guy na dumaan...

Nakacivilian siya. Simple shirt, jeans and rubber shoes pero ang appeal ng look niya. Nakataas yung buhok then kita naman na nakacontact lens siya ng brown. He's...attractive...or rather, cute? No, he's really...handsome.

Naglalakad siya sa gitna ng quadrangle at alam kong pinagtitinginan siya ng mga estudyante. Sino ba naming hindi mapapatingin eh hindi siya nakauniform tapos ang gwapo pa niya tignan. At alam ko na tuwing lalagpasan niya ang mga grupo ng estudyante ay nagsisimula na silang magbulungan kung sino ang lalaking 'yun.

Lumiko na siya sa kanan which means umakyat na siya sa hagdan. Petrified pa rin ako dito. Hindi ko akalain...hindi ko ineexpect na magiging ganun 'yung outcome. Mas maganda pa sa ineexpect ko. Ewan ko pero napangiti ako. I'm proud of myself dahil nakatulong ako sa kanya.

'Yung mga katabi ko sa corridor ay nag-uusap na rin tungkol sa kanya. I know, ginulat niya 'yung mga nakakakilala sa kanya. Talagang ginusto niya 'to, ha? Pero tama lang naman 'yun eh. Pinakita niya sa buong school na hindi na siya 'yung taong laging binabalewala at dinadaan-daanan lang.

Love Tutorial (Kingdom University, spinoff)Where stories live. Discover now