Lesson 5

138K 3.2K 133
                                    

 "Sige, una na ako," tapos tumayo na ako at tumakbo ulit.


Nakarating ako sa CR at nagtuluy-tuloy ang luha ko. Ang sakit kasi na makita 'yung taong pinagkatiwalaan mo na niloko ka lang pala. Ginawa pa akong reserba. Bwisit talaga. Basang-basang tuloy 'yung panyo ko kakaiyak. Nakailang tawag at text na rin si Zie pero di ko sinasagot.

Akala ko, si Ivan na. Akala ko talaga, siya na. Hindi pa rin pala.

Lahat na lang. Una, si Richard. Ngayon, si Ivan. Lahat sila manloloko. Ganun ba talaga kapag sikat? Kapag pinag-aagawan ng mga babae? Kapag gwapo? Mga manloloko. Bakit ba lahat ng lalaking nagugustuhan ko ay sinasaktan ako? Mabait naman ako ahh? Wala naman akong ginagawang ikagagalit nila. Pero bakit ang malas-malas ko pagdating sa love life?

Siguro thirty minutes akong nagstay sa banyo bago ako tumahan. Mugto na nga 'yung mata ko eh. Dumaan na lang ako sa backdoor para walang makakita sa akin. Hinintay ko doon si Kuya Ronald, 'yung driver namin. Tinext ko na lang si Zie nung nakasakay na ako sa kotse. Sabi ko uuwi na ako at ibalita na lang sa akin kung ano mang nangyari sa meeting.

Nagtuluy-tuloy lang ako sa kwarto ko. Ni hindi ko inimik sina Daddy at Ate. Wala ako sa mood. Pansin din naman siguro nila 'yun kaya hinayaan na lang nila ako. Grabe talaga, hindi na ako makapag-isip ng matino dahil sa mga nangyari. Pag naaalala ko yung nangyari kanina sa vacant room, nanlalambot 'yung tuhod ko at nakakaramdam ako ng inis.


"I promise, I won't be hurt by another guy, again." Sinabi ko 'yun sa sarili ko at nakatulog na ako sa sobrang pagod ng mata ko.


***

"Ven dalian mo baka nagstart na 'yun!" Sabay kaming tumatakbo ngayon ni Zie papuntang auditorium. Nalate kasi kami sa pagpasok.

"Oh my, sana 'di pa ako late!" sigaw ko at binilisan pa namin 'yung takbo namin. Sana talaga hindi pa nagsisimula!

"Okay, students. We will now start the quiz bee."


Pagkasabing-pagkasabi ni Mrs. Santiago nun ay saktong nakarating na ako sa table ng section namin. Whoo! I made it!


"B-buti na lang dumating ka," sabi ng katabi ko. Teka, ano nga ulit ang pangalan niya?

"O-oo nga eh. T-teka...hihinga muna...ako," tapos nag-inhale exhale ako doon habang 'di pa tinatanong 'yung first question.

"Uy, partner...teka ano nga ulit pangalan mo? Nakalimutan ko eh," sabay ngiti at kamot ko sa ulo. Nakakahiya naman. Siya pa man din 'yung nakabangga ko kagabi.

"Roj. Lagi mo na lang nakakalimutan," sabi niya sa akin. Teka mukhang kinakabahan pa siya ah.

"Ahh! Okay, Roj nga pala. Sorry! Liann nga pala." Nakipagshake-hands ako sa kanya.


Napatingin naman ako sa porma niya at bumalik na naman 'yun sa dati. Grabe, ang sakit sa mata!


"Kilala na kita. Ikaw ang batch first honor eh." Ay kilala na niya pala ako. Pero at least, nakapagkilalanan na kami sa isa't isa. Ni hindi ko nga alam dati na siya ang second honor ng batch.

"Sino ang huling dakilang emperador ng Roma na humati sa kanilang bansa sa kanluran at silangan? Go!"

"Tsk, nakalimutan ko yung pangalan," bulong niya.

Love Tutorial (Kingdom University, spinoff)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon