Lesson 4

151K 3.4K 205
                                    

Two months na rin ang nakakalipas simula nung manligaw si Ivan, and super sweet niya. As in. Araw-araw kasi, pagdating ko sa class ay merong chocolates and three roses sa upuan ko. Sino ba namang hindi kikiligin dun, right? Tapos pag magkakatinginan kami, lagi siyang kikindat. Grabe talaga. Kilig!


"Ahem, kelan mo ba balak sagutin 'yan?" Napatingin naman ako kay Ziela. Nahuli niya ata akong nakangiti habang nakatingin sa mga rose. This time, napangiti ulit ako.

"Zie, sasagutin ko na siya mamaya sa dinner."

"Whoa. Really? OMG. Nice one Ven. Excited na rin ako ah."


May dinner kasi 'yung buong section namin mamaya and sponsored by my prettiest best friend, Ziela. Parang meeting na rin kasi for our play sa Social Studies. Buti nga pinayagan ako ni Daddy eh. Kasi baka gabihin kami sa meeting. Sabi ko naman, pwede akong makisleep-over kila Ziela pag gabi na masyado.


Nakinig na lang ulit ako sa teacher namin.


"Okay class, you need two participants for the upcoming Social Studies Quizbee. "


Naku naman. Social Studies month kasi ngayon kaya ang daming activities. Ayan nga, may play tapos quiz bee, tapos may kung anu-ano pa.


"Si Liann po tsaka si Roj!" Halos unanimous na sigaw nila.

"Ms. Damian and Mr. Morales, kayo ang participants okay? Please sign here." Lumapit na lang ako kay Ma'am at pumirma dun sa sheet of paper. Pero teka, parang ngayon ko lang nakita yung Roj na 'yun ah? Baka ibang section siya dati?

"Zie, sino nga pala 'yang Roj na 'yan?" pabulong kong tanong kay Ziela.

"Ahh, 'yan 'yung top 1 ng kabilang section last year. So siya 'yung 2nd honor ng buong batch dahil ikaw ang first. Ang nerdy ng itsura niya 'no?"

"Ahh. Kaya pala hindi siya masyadong familiar."


Oo nga, ang baduy niya. Sobrang laking eyeglasses. Suspenders. Flat hair. May ballpen pang nakasuksok sa bulsa ng polo niya. My gosh! Where's the style?! Gusto ko siyang sugurin at ipamukhang ang baduy ng style niya! Nakukunsumi ang dugong fashionista ko!


Hay naku. Teka nga, bakit ko ba 'yan inaalala eh may dapat pa pala akong paghandaan mamaya. God, kinakabahan ako! Sana talaga maging ayos mamaya. Oh my gosh. Magiging boyfriend ko na si Ivan Vorch!


Pinatawag lang ako and si Roj sandali ni Ma'am then break na. Buti naman dahil gutom na ako.


"Zie, halika na kain na tayo."

"Wait lang, 'di ko makita 'yung wallet ko eh."


Nilapitan ko naman siya. Ang tagal kasi eh. Actually kami na lang ang naiwan sa room.


"Ayun! Found it!" sabay taas pa niya ng color red niyang wallet.


Pababa na sana kami kaso may narinig kaming nag-uusap dun sa may bakanteng room. At dahil may dugong chismosa rin kami, sumilip kami doon sa bintana nang patago. And to my surprise...


Si Ivan at si Raya pala yung nag-uusap. At kailan pa sila naging close?


Love Tutorial (Kingdom University, spinoff)Where stories live. Discover now