Lesson 18

110K 2.6K 125
                                    

"Ate! Meron ka bang pang-scapbook materials dyan?" Sumigaw ako sa loob ng kwarto ko dahil katabi ko lang naman 'yung kwato ni ate Steff.

"Wala eh!" Narinig ko 'yung sigaw niya sa kabilang kwarto.

Ang ganda ng communication namin no? Wall to wall. Spell tamad tumayo? V-E-N-I-C-E. Pero dahil mukhang kailangan ko na talagang tumayo ay ginawa ko na rin. Pumasok ako sa kwarto ni ate.

"Ate, samahan mo ako sa National Bookstore. Sige na! Please! Please? Please?" Nagplead na ako dahil mahirap pakiusapan ang ate ko. Dapat laging may kapalit. Tsk.

"Ay magpapasama nga rin sana ako sayo eh. May bibilhin rin ako."

WHOA! OMG! Totoo ba 'to? Hindi niya ako tinanggihan? Anong nakain ng ate ko at parang bumait siya ng kaunti?

"Ate anong nakain mo?"

"Strawberry." Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Hala ka, kinain mo na naman 'yung strawberries sa ref? Lagot ka kay Daddy, gagawin nga daw 'yung desserts eh." Napakaadik talaga ng ate ko sa strawberries. 

"Tatlo lang naman eh." Tinaasan ko siya ng kilay. "Ah...apat pala." Nakapamaywang na rin ako. "Hindi...lima ata?" Tumingin siya sa taas at lumapit ako sa kanya. "O sige na, sige na pito 'yung kinain ko!" Pumikit siya at yumuko habang ako ay napahawak sa noo ko.

Pupunta pa naman dito mamaya 'yung mga tita at tito namin dahil may reunion sila nina Daddy. Ang adik talaga ni Ate!

Pinagbihis ko na siya para madali na agad kami. Tinext ko na rin si Daddy na bumili ulit ng strawberries dahil kinain ni Ate. Parang tuloy ako ang panganay. Well, sabi rin nila. Eh kasi naman, ewan ko rin kung bakit. Medyo immature 'tong si Ate eh.

"Teka nga pala, paano tayo pupuntang National eh gamit ni Daddy 'yung car?" biglang sabi ni Ate habang pumunta kami sa garahe. Oo nga no?

"Uhm, T-taxi?" sabi ko kahit may phobia na kami ni Ate sa pagsakay sa taxi.

"Taxi ka dyan?! No way Ven! Mag-jeep na lang tayo! Tara!" Hinila niya ako palabas ng bahay at naglakad kami palabas ng subdivision tapos naghintay ng jeep. At in fairness, ang init.

 Nakasakay naman agad kami ng jeep. Tapos may naalala ako bigla.

'Yung araw na 'yun. 'Yung oras na magkasama kami. Sa jeep din yun eh. Nakakatawa talaga ang nangyari nun. And at the same time ay nakakahiya talaga. Buti na lang at hindi talaga tumayo si Roj nun para magbayad.

  

"Hoy, bakit ka nakangiti dyan? Para kang baliw." Sinamaan ko nga ng tingin 'tong ate ko. Panira ng moment.

"Masama bang ngumiti? Alam mo Ate, panira ka ng moment eh. Eto na 'yun oh. Mumomoment na ako eh." Nagulat naman ako nung binatukan niya ako bigla. "Aray ko naman! Makabatok wagas!"

"Emoterang babae ka!" tapos tinawanan niya ako.

  

At ayun, parang baliw lang kami sa loob ng jeep. Buti nga konti lang ang nakasakay dahil tanghaling tapat. Kung hindi ay mapagkakamalan talaga kaming baliw dito. Actually, muntik na nga naming makalimutang magbayad eh. Nagmamarunong kasi 'tong Ate ko eh hindi rin pala marunong magbayad sa jeep. Buti pa ako, marunong na. Hah!

Love Tutorial (Kingdom University, spinoff)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon