Lesson 28

116K 2.7K 90
  • Dedicated to forgot who >_<
                                    

Ayokong umiyak dito kaya tumayo ako at tumakbo papalayo sa stage. Palayo sa mga tao. Palayo sa kanila. Tumakbo ako hanggang sa gate at hanggang makalabas ako.


"VENICE!" Narinig ko si Ziela na tinatawag ako pero hindi ko siya nilingon. Ang alam ko lang ngayon, kelangan kong lumayo dito kasi nasasaktan na ako. Sobrang nasasaktan ako.


Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa sumakit ang paa ko. Ang alam ko lang ay nasa playground ako ngayon sa park na malapit sa school. Walang katao-tao rito dahil gabi na.

Umupo ako sa swing at tinanggal ang sapatos ko. Ano na kayang nangyayari doon ngayon? Siguro pinag-uusapan na ako doon. Siguro sinasabihang maarte dahil nagwalkout mula sa pagpapasa ng korona.

Mag-isa lang ako rito. Madilim at sobrang lamig ng paligid pero parang hindi ko masyadong maramdaman lahat 'yun dahil isa lang ang nararamdaman ko ngayon—nasasaktan ako.

Siguro nga kasalanan ko rin. Ako naman ang laging may kasalanan eh. Hindi ko kasi ginagamit nang maayos ang isip ko kapag nagdedesisyon.

Bakit kung kailan ko narealize lahat, at saka nagkaganito? Bakit kung kailan handa na akong tanggapin lahat, at saka pa ako nasasaktan ng sobra?

Ang sakit na ng mata ko sa kakaiyak. Pero at least dito, okay lang na humagulgol at magwala dahil wala namang makakakita sa akin.


"Venice!" Napatingin ako sa kaliwa at nakita ko sina Ziela at Ivan na tumatakbo papalapit sa akin.

"Go away!" Isinigaw ko nang malakas sa kanila. Ayoko ng kasama. Gusto ko munang mapag-isa. Pero nakita kong pinaalis ni Ziela si Ivan at lumapit siya sa akin.

"I said go away, Zie!"

"No Venice! Hindi kita iiwan ditong mag-isa! Alam mo 'yan! Hindi ko hahayaan na ikaw lang mag-isa yung umiiyak!" then bigla niya akong niyakap. Pati siya umiiyak na rin.


Hindi ko na napigilan yung sarili ko. Ang sakit talaga.


"Ziela, ang sakit sakit eh...Nasasaktan ako sa mga nakikita ko. Bakit ba kasi nito ko lang narealize? Bakit ba kasi nagbulag-bulagan ako?"

"Sa tingin mo bakit ka nasasaktan?" tanong niya sa akin habang hinahagod ang likuran ko at patuloy pa rin siyang nakikisabay sa pag-iyak ko.

"Kasi kaibigan—" bigla niyang pinutol yung sasabihin ko.

"Hindi ka nasasaktan dahil kaibigan mo siya. Nasasaktan ka dahil mahal mo siya Venice. Mahal mo si Roj."

"Mahal ko siya. Pero iba mahal niya." Nasabi ko bigla. Naalala ko nung bigla siyang hinalikan ni Raya kanina. Sa harap ng madaming tao. Sa harapan ko.

"Si Raya? Isa pa 'yung babaeng 'yun eh. Pagkatapos kasing magsagot ni Roj kanina sa Q&A, bigla siyang sumigaw ng 'don't let me go' dahilan para pansinin siya ng mga tao. Akala nila, si Raya 'yung tinutukoy ni Roj sa sagot niya."

"Eh sino nga ba?"

"Itanong mo sa sarili mo, Venice."


Pagkatapos niyang sabihin yun ay bigla niya akong binitawan at tumayo. "Pagbibigyan kita ngayon Venice. Aalis muna ako, kung gusto mong mapag-isa."

Nung umalis siya, mas lalo akong naiyak. Oo mahal ko siya. Dati pa. Pinipigilan ko lang na aminin sa sarili ko. Nung mga oras na nagmomove-on ako kay Ivan, siya 'yung nasa tabi ko. Siya 'yung nagpapasaya sa akin. Siya 'yung laging nandyan para sa akin. Kapag kasama ko siya, parang wala akong problema. Lagi lang akong nakangiti at nag-eenjoy sa company niya.

Love Tutorial (Kingdom University, spinoff)Where stories live. Discover now