Lesson 23

103K 2.4K 52
                                    

"Venice, pwede ba tayong mag-usap?"

Sasagot na sana ako ng 'Busy ako eh, next time na lang', kaso bigla akong inunahan ng bruhang 'to.

"Wala kang magagawa, ako batas. Kaya mag-usap tayo."

'Di ko alam kung matatawa ako o matatawa ng mas malala sa sinabi niya. Kaya wala nga akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Nagpaalam na lang ako dun sa coordinators.

Naglalakad lang kami sa corridor at siya ang nauuna kaya sumusunod lang ako. Maya-maya ay nasa garden na kami. Umupo siya sa damuhan habang ako ay nakatayo pa rin.

"Sorry." Pagkasabi niya nun, bigla siyang umiyak. "Sorry kung ang dami kong tinago sayo. Sorry kasi hindi ko agad sinabi sayo. Sorry dahil nasaktan ka na naman ng dahil sakin. Sorry, b-best friend. Hindi ko naman sinasadya eh. Gusto ko lang namang mabawasan 'yung problema mo kaya 'di ko sinabi. But, I'm wrong. Sorry kung nadagdagan pa lalo dahil sa kagagawan ko."

Di ko napansin na umiiyak na rin pala ako. Bakit ba ang babaw ng luha ko? Simpleng ganito lang ay umiiyak na agad ako.

"Ano ka ba, matagal ko nang natanggap yang sorry mo. Gusto ko lang naman na kausapin mo ako eh. Sorry rin kung masyadong mataas yung pride ko. Sorry." Napayuko nalang ako. Ngayon ko lang narealize na sobrang taas ng pride ko pagdating sa mga ganitong bagay.

Maya-maya ay naramdaman kong may yumakap sa akin nang mahigpit. 'Yung yakap ng isang totoong kaibigan. Grabe, namiss ko 'to. Sobra.

"Bruha ka talaga, Zie. Pinaiyak mo ko!"

"Ikaw rin naman ah! Ang sama mo, pinaiyak mo ako ng ganito."

Ewan ko kung baliw lang talaga kami or what na tumatawa habang umiiyak. Siguro tears of joy. Pero sobrang saya ko talaga ngayon. Sobra-sobra.

Kasi bumalik na sa akin yung bes tfriend ko.

Bati na kami ni Ziela.

Tumambay muna kami doon sa garden for ten minutes para hindi mahalata 'yung mugto naming mga mata. Ngayon ko lang rin nalaman na magkasunod pala 'yung Pageant tsaka 'yung JS. Grabe lang, di ba sila naaawa sa mga estudyante?!

At bukas na yung pageant.

"Ven bukas na talaga 'yun eh! Kinakabahan ako! Bwisit naman kasing Ivan 'yun ang sarap ibaon sa baul habangbuhay! Oh shiz, sorry!" Natawa n alang ako sa kanya. Hindi ko rin alam kung bakit ako natawa samantalang binanggit niya si Ivan. Dapat malungkot ako pag binabanggit siya eh. Pero after nung confrontation namin sa vacant room ay parang nawala na lahat ng sakit at lungkot ko para kay Ivan.

"Ano ka ba, okay na kami. Nakapag-usap na kami. And isa pa, konti na lang talaga Zie. Konti nalang, mawawala na yung feelings ko para sa kanya."

Ewan ko ba. Nafifeel ko kasi na unti-unti nang nawawala eh. Pero syempre meron pa ring something. Hindi na ako masyadong affected pag naririnig ko 'yung pangalan niya at nakikita siya. And I think maganda 'yun para sa akin.

Nag-usap lang kami ng kung anu-ano. Nakakamiss nga eh. Grabe lang. Ilang weeks din kaming hindi nagpansinan. Sobrang saya talaga kapag kadaldalan mo ang best friend mo.

Kwento lang siya nang kwento sa pagpapractice niya para sa pageant. Kesyo muntik na daw siyang ma-out of balance dahil sa killer heels niya. Kesyo ang bigat-bigat daw ng gown niya na parang mas mabigat pa sa kanya.

"Tapos alam mo ba, ang gwapo gwapo na ni Roj! Ang dami-daming babae dun sa practice area pag siya na yung rumarampa—"

Napayuko ako bigla. Bigla ring bumigat 'yung pakiramdam ko. Si Roj. Parang ang layo na namin sa isa't isa. Sobrang layo.

"Bakit Ven? May problema ba kayo ni Roj?" narinig kong sabi ni Zie. Tumango na lang ako. Ayokong tumingin kay Zie. Baka maiyak lang ako.

"P-para kasing hindi na namin kilala ang isa't isa. At saka..."

Roj, alam mo tama na. Tapos na naman ako sayo eh. Nagamit na kita. Bumagsak na sa spotlight si Ivan. Tapos na. Kaya pwede ba, layuan mo muna ako.

 

Welcome. Alam ko namang ginamit mo lang ako. Salamat na rin pala sa pagbago sa akin. Nakinabang rin naman ako sayo eh. Sige.

Lumunok ako para mapigilan ko 'yung lalabas na luha sa mata ko. Naalala ko na naman 'yung conversation namin. Kapag naaalala ko 'yun, parang lumulubog 'yung puso ko.

Oo, kasalanan ko. Alam kong kasalanan ko.

"At saka?"

Napaangat 'yung ulo ko dahil nagulat ako kay Zie na biglang nagsalita. At napatakip siya sa bibig niya nung nakita niyang umiiyak na naman ako. Hindi ko kayang pigilan. Ang sakit kasi nung mga sinabi ko. Ang tanga-tanga ko kasi.

"Zie...kasalanan ko kasi eh. Ako na naman. L-lagi nalang akong...nakakasakit..."

Bigla siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Dahil dun, lalo akong napaiyak. Bakit ganun? Kapag kinocomfort ka, mas lalo kang naiiyak?

"Alam mo feeling ko, hindi naman galit si Roj eh. Hindi nun magagawang magalit sayo." Napailing nalang ako bigla.

"H-hindi Zie. G-galit na siya sa akin. Kasi kung anu-anong sinabi ko sa kanya...g-galit siya."

"Hmm. Let's see."

  

Siguro mga ten minutes ulit kaming tumambay at saka kami bumalik sa Event Hall. Nagpaalam na siya sa akin dahil practice na daw nila para sa pageant at ako naman ay gagawin ko na 'yung punishment ko.

Sana nga, hindi siya galit, Zie.


***

Love Tutorial (Kingdom University, spinoff)Where stories live. Discover now