Lesson 25

116K 2.7K 92
                                    

"Sorry. Nakalimutan kong sabay pala kami ni Roj na pupunta dun para makapagrehearse pa kahit kaunti." Napatingin kaming lahat kay Ziela na hanggang ngayon ay nakayuko pa rin.

Wow. What an awkward moment between the four of us. Ni walang nagsalita. Lahat nakikiramdam. Lahat tahimik. Pero biglang binasag ni Ivan yung katahimikan na 'yun.

"C'mon Ziela. I think they need some...space. And so are we."  Biglang hinila ni Ivan si Ziela palabas ng bahay at nakita kong may kotse palang dala si Ivan. Nakatingin lang sa akin si Ziela hanggang sa makapasok siya sa kotse ni Ivan at nagmouth siya sa akin ng isang 'Sorry'.

Habang kami ni Roj dito ay nakatayo lang. Hindi ko rin alam kung anong gagawin ko. Nahihiya ako sa kanya. Guilt is killing me right now. Sa lahat ng nagawa ko. Dahil ginamit ko siya. Pinagsalitaan ko siya ng masama. Tapos—

"C'mon. Baka malate tayo," tapos bigla niyang hinawakan 'yung wrist ko. Hindi ko alam pero naramdaman ko na naman 'yung kuryente na 'yun. Pag tuwing hahawakan niya ako o kahit madikit lang ako sa kanya.

Umupo ako doon sa likuram, habang siya...teka...

"Ikaw ang magdadrive?!" Halos napatayo ako sa loob ng kotse dahilan para mauntog ako. "Ouch!"

"Yeah. Marunong ako. Don't worry wala namang manghuhuli sa atin dito. Subdivision naman 'to. At isa pa, malapit lang naman ang school."

Ngayon ko nalang ulit siya narinig magsalita nang matagal. Napatingin lang ako sa mga mata niya at saka umiwas ng tingin. Nakakainis naman si Ivan eh! Sana sa kanya na lang ako sumabay! At least hindi ganito ka-awkward.

Sinimulan niyang paandarin 'yung kotse habang ako, nakaupo lang sa likod, nilalaro 'yung damit ko. Pero napatingin ako sa salamin sa harap ng kotse. Nakatingin lang ako dun at tinitgnan 'yung mukha niya sa pamamagitan nun. Napangiti ako. Hindi ko rin alam kung bakit. Nagpanic ako nung bigla siyang tumingin rin sa salamin. Hindi ko alam kung nakita ba niya na tinititigan ko siya o hindi. And I prefer the second one.

Hindi na ulit ako tumingin sa salamin at sa labas nalang ako tumingin...hinihintay na sana ay nasa school na kami. At wala pang five minutes, ay nakarating din kami. Nakita ko na hinihintay kami ni Ivan at Zie sa gate. Now I wonder, ano kayang pinag-usapan nila sa loob ng five minutes? Nanahimik lang rin ba sila tulad nung sa amin? Hay.

Bubuksan ko na sana 'yung pinto kaso biglang may nagbukas na para sa akin. Sino pa ba, eh di si Roj.

"T-thanks," sabi ko sa kanya at saka ako lumabas. Pero bago pa kami makalapit kila Zie ay nilakasan ko na ang loob ko para magsalita ulit.

"By the way, goodluck," tapos ngumiti ako ng kaunti. And ayun na nga, naghiwa-hiwalay na kami ng landas after pumasok sa gate.

Dumiretso ako sa back stage kung saan andun si ate Audrey, yung coordinator ng pageant.

"Ate Audrey." Tinawag ko 'yung attention niya at napatingin naman siya sa akin.

"Oh Venice buti andito ka na! And wow, you look...splendid."

Love Tutorial (Kingdom University, spinoff)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon