Chapter 14

25.9K 653 9
                                    

Pagkatapos ng dramarama namin bumalik na kami sa room.Nung malapit ng matapos
ang klase namin kay ma'am Pascual ang sabi niya maiwan daw ako.Kaya kinakabahan ako.Ano ba tong mga kamalasan nato sunod sunod.

"Ma'am bakit po?"Sabi ko sa kanya nung dalawa nalang kami.

"Tatapatin kita miss Santiago.Dalawang Subject ang hawak ko sayo parehas pang major subject.Sa tingin ko mahihirapan kang maka graduate kung hindi mo ipapasa yung Subject ko."NAKUPO naman nasabi ko nalang sa sarili ko.

"Ma'am nag aaral naman po akong mabuti kaso nga lang ---."Napakamot ako ng ulo.

"Dalawang beses mo na binabalikan yung subject ko di'ba.?Napa tango nalang ako.

"Hindi mo nga maipasa yung 1st semester mo sakin sa 2nd semester pa kaya?"Torture ba 'to!Ano kaya yung plano ni ma'am siguro magpapabayad 'to.Isip isip ko.

"Ano po ba yung magandang gawin."sabi ko nalang.Sigurado pera pera lang ang labanan dito.

"Ok may proposition ako sayo."

"Hah?ano po?".Parang kinakabahan yata ako dito ah.Yung pawis ko sobrang lamig na.

"May pamangkin ako dito.Nahihirapan din niyang ipasa yung ilang subjects.Dati pa niyang pinapasukan yun sa dati n'yang eskwelahan.At nakita ko sa records mo na matataas ang grades mo don."

"Eh sa inyo lang naman po ako nahihirapan eh"Sabi ko sa kanya.

"Tulungan mo yung pamangkin ko at ipapasa kita."Wow naman amg kundisyones ni ma'am!

"Ano naman pong tulong ma'am?"Pagtataka ko.
"Ma'am hindi po ba pang bblackmail yan?"Pahabol ko pa.

"Siguro nga at alam kong bawal to pero yun lang ang nakikita kong paraan."Saglit siyang huminto sa pag sasalita . "Gusto kong makatapos ang pamangkin ko katulad ng pangarap ng Mama niya.Sure naman ako na yan din ang pangarap ng Nanay mo.

"eh ano po ba ga---- naputol ang sasabihin ko ng may pumasok .

"Tita Ba---napatigil din yung nagsasalita ng magkatinginan kami.

"Hintayin mo nalang ako sa labas."Tumango lang yung lalakeng nasa labas.

"Si Bam po yung pamangkin n'yo?"Napalakas yung pagkasabi ko.Pero nakaalis naman na si Bam.

"Oo bakit"Natawa s'ya sa reaksyon ng mukha ko.

"Eh Ma'am papayag na sana ko kanina parang nagbago po.Bwisit bat yun pa sa daming estudyante dito.

"Marvie pinahanga mo ko nung sinabi mo na hindi si Bam yung nagsimula ng away dahil nanindigan ka.Kahit alam mong mga bully yung mga kaaway ni Aaron At isa pa mukha namang ok kayo ng pamangkin ko diba?"Ok daw kami?Ha? yan ang mga tanong sa isip ko pa'no kaming magiging ok eh kung ano ano yung sinabi ng pamangkin niya kanina sa'kin!Tapos ngayon tutulungan ko siya Wow.Pero hindi yun ang sinabi ko.hehe

"Eh Ma'am hindi po kami close ni Bam at isa pa po wala namang ibang kaclose yun at hindi nakikipag usap.

"Oo pero ikaw nakakausap mo siya diba?"

"Eh Maam ano kasi ."Hindi ko alam yung sasabihin ko bwisit pano ba to.

"Magkasama kayo kanina hindi ba..?Hay ano ba to.Hindi ko alam kung maiihi ako o mauutot sa kinauupuan ko.

"Nagpasalamat lang po ako ma'am."Mahina kong sabi.

"So close kayo."Nakangiti siya.

"Dinala ka pa nga n'ya kahapon sa bahay nung natutulog ka."Pahabol niya.Naku po bakit dinala niya ko sa bahay niya kaasar naman eh.

"po?" Nasa inyo ko kahapon?

"Oo.Hindi lang niya sinabi kung bakit.Pero kilala ko yun mabait na bata yun.At hindi sya basta basta nag uuwi ng ibang tao don.Nagluko lang yun mula ng mawala yung Mama niya."

"Ma'am Bakit hindi nalang po kayo humanap ng tutor niya.?"

"Ginawa ko na yun wala ding nangyare.Kaya nga nakikiusap ako sayo na ikaw nalang yung tumulong sa kanya.Hay naku Maam kung alam mo lang yung pinag sasabi.Isip isip ko.

"Don't worry Marvie magbabayad naman ako sa'yo sa pagtulong mo sa kanya.Isa pa kailangan mo rin yun."pahabol niya.Hay ipinasok na naman niya yung grades ko.

"Eh pa'no po kung tulungan ko siya Tapos hindi po s'ya nakapasa?"Tanong ko sa kanya pero ngumiti lang sya.Nakupo naman bakit ako pa bakit?Wala na'kong nagawa pumayag na din ako. Tutal naman kailangan ko ding pumasa.Saka ihahatid naman daw ako sa pag uwi.

"And niss Santiago.Napatingin ako sa kanya.

"Kung pwede sa atin lang 'tong dalawa ha.Tumango lang ako.

"Baka isipin mo teacher ako pero hindi ko siya magawang turuan.Ayoko lang yung magalit siya sakin o lumayo yung loob niya.Naglayas na kasi yun minsan kaya sana maintindihan mo."

"Yes ma'am."Sagot ko naman sa kanya.

"Sa tingin ko kasi mas okey kung halos kasing edad niya yung magtuturo at tutulong sa kanya.Alam mo namang matandang dalaga ko at hindi ko naiintindahan yung mga ganyang edad."Balita kasi hindi raw nakapag asawa ng tuluyan si ma'am dahil siya yung nag alaga sa tatay niya nung magkasakit.At kahit nung magkasit daw yung Ate niya siya yung nag alaga.Yun siguro yung mama ni Bam.Kaya pag kagaling daw ng school nag aalaga naman.

Pagtapos non nagpaalam na ko kay ma'am Pascual.Sa totoo lang ayoko pero may bahagi ng puso ko na nagsasabi na pumayag.Siguro dahil naaawa ako kay ma'am.

Pagdating ko ng bahay balak ko sanang ipaalam kay mama kaso nakita ko'ng natutulog na siya.Hay bukas na nga lang sigurado naman akong papayag 'yun.

Badboy Meets Playgirl (Completed) TBBC#1Where stories live. Discover now