Chapter 29

22.8K 583 11
                                    

Pagkatapos namin kumain sa nagpunta naman kami sa People's park.Gusto daw kasi nila na maglakad lakad.

"Aw Nangangawit na yung binti ko ang sakit."reklamo ni Carla.

"O diba idea mo to."Si Kyla.

"Ay lumpia oh bili tayo."'si Carla.

"Sa lahat naman ng taong may masakit ikaw lang yung matakaw"Sabi ko sa kanya.

"Binti lang naman yung masakit sakin no! hindi panga "Saka siya umirap sakin."Kayo ngang dalawa hindi nagkakangawitan ng kamay kanina pa eh."Banat pa niya .

"Inaalalayan lang niya ko malisyosa ka talaga."Depensa ko naman.

"Lumpo ba at kailangan pang alalayan" bambabara pa niya sakin.Kaasar talaga 'to pinansin pa yun.Nakakangawit naman talaga maglakad pataas kasi.

"Hay ewan ko sayo!Saka ako lumingon sa nagtitinda."Manang lumpia nga po.Pagkatapos namin bumili nagpatuloy na kami sa paglalakad.

"Ayyy umuulan "sigaw ni Carla.Kaya tumakbo kaming lahat.Nakasikat naman yung araw pero biglang umulan.Pag dating namin ng taas humanap nag paalam si Bam na bibili daw siya ng damit para makapagpalit.Lahat kasi kami nabasa ng ulan saglit lang naman umulan pero malakas.Kaya nagpalit muna kami ng damit sa cr.Nagkagulatan pa kami ni Bam nung sabay kami palabas kaya nagsabay na kaming maglakad.

"OMG now it's official"Sabi ni Carla.

"CONFIRMED" .Sabi naman ng kambal.Ano ba yung pinagsasabi nila.Nagkatinginan kami ni Bam na parang nagtataka.

"Bro totohanan na ba yan"Si Jon jon.

"Alin?"Si Bam

Nagtatawanan silang lahat maliban samin ni Bam.Hindi ko mainitindihan yung mga 'to o baka naman pinagttripan lang kaming dalawa.

"Ayan oh tinuro niya yung damit namin." Sabay kami napatingin. Ang design ng damit ko Soul tapos my half na heart at may tagaytay logo kaya tiningnan ko yung kay bam Mate naman yung kanya.Shit couple shirt.Nagkatawanan lang kami ni Bam.

"Bro hindi ko alam na sweet ka pala.Si Melvin

"Bro hindi naman ako namili ng design eh.Napakamot ng ulo si Bam

"Weehhh."Sabay sabay silang lima.Nagkahiyaan tuloy kami ni Bam.

"Gusto mo bang palitan sabi niya sakin."

Bigla namang nagsalita si Carla"Wag na nandyan na yan eh pangatawanan niyo na.Saka sila nagtawanan.Kaya hindi na namin pinalitan.Mag aalas 5 na ng umalis kami ng Tagaytay.Si Melvin na yung nagdrive kanina kasi si Jon jon.Sa buong byahe namin hindi man lang ako naboring.

"Ma nandito na ko."Nasa gate palang tumatawag na ko.

"Oh 7:30 palang ah.Busy siya kakanood ng tv.

"Ah Ma oh pasalubong.Inabot ko sa kanya yung plastic.

"Sino bumili?"

"Si Bam po.

"Hmmm"Yun lang sabi niya haha.Si Bam kasi nagpumilit na siya nalang daw bibili nangako daw siya na ibibili niya si Mama ng pasalubong.Nagpahinga muna ko sa itaas bago mag shower.Kinuha ko yung phone saka dumapa ako sa kama.Wala pa siyang text nasa bahay na kaya siya.Si Carla lang ang may text.

"Hoy Babae umamin ka nga kayo hano?" Eto na naman si Carla.

"Hindi no hindi naman nanliligaw eh."

"Sus hindi na uso yun naghahawakan na nga kayo ng kamay eh"

"Sissy may aaminin ako sayo nung madaling araw nung bday ko nakiss ko siya pero hindi ko naman sinasadya n22log kc sya nilagyan ko lang ng unan ayun kikiss ko sna s pisngi tas bigla syang humarap.Ewan ko ba kung bakit ko nakwento kay Carla.

"what!So ikaw ang naunang naka score sa kanya haha.sa tingin mo alam niya?

"hindi siguro.sabi ko lang sa kanya.

"ah ngayon alam ko na kung bakit ka ganon nung umaga hahaha.im so happy 4 u sissy."

"hay ayan ka na naman sissy ngayon lang sakin to nangyare basta yung ganito"Buti wala siya sa mood mang asar.

"inlove k n girl dba sya lang yung nakasama mo matagal sa mga boys."Oo nga 'no Puro date lang ako puro entertain pero bakit kay Bam iba.Hindi na ko nakapag reply kay sissy nakatulog na din ako siguro sa pagod.Hindi tuloy ako nakapag shower.Pag gising ko ang dami palang text ni Carla pati ni Bam.Kaya nagtext ako sa kanilang dalawa na nakatulog ako.

Lumipas yung mga araw palagi na siyang sumasama samin kumain.Kung minsan siya pa yung nagyayaya na magpunta ng mall.Nagkkwento na rin siya hindi tulad noon na laging tahimik.

Badboy Meets Playgirl (Completed) TBBC#1Where stories live. Discover now