Chapter 24

24.4K 617 28
                                    


Ang sarap ng tulog ko..Ang ganda ng gising ko.Ahhhh ang sarap mag inat.

"Ayyyyy Impakto."Napahiyaw nalang ako ng nakita kong nakapaikot sa kama sila Carla at yung kambal.

"Nakita mo lang ako impakto agad ha hindi pwedeng dyosa naman."Diyos ko ka aga aga puro foundation ang mukha.

"Eh bakit ba kasi kayo nakaikot dyan ."Hay nauntol tuloy yung pag hikab ko.

"Pinagising ka ng Mama mo kalahating oras na kaya kami nakatayo dito ang weird mo nga eh.Si Kylie

"Hindi weird ang tawag don no kalandian."

"Ay grabe sya oh.Sabi ko sa kanya pero hindi parin ako tumatayo.

"Ano na ba yung tawag mo sa kanina pa nakahawak sa labi tapos yung nguso mo gasgas na gasgas na sa unan kaka torid mo."Tawanan silang tatlo.Shit wala sana kong binanggit na pangalan.

"Bumangon ka na at sure masakit na masakit na yung puson mo."Tawanan ulit silang tatlo.

"Sissy naman eh"Tumayo na ko at inayos ko yung kama.

"Sino ba yung imaginary boylet na kasex mo ha aminin mo sino."Tawanan ulit sila.Hay ano ba yung nakita nila bakit ganon sila.Nakakainis.

"Kadiri ka Sissy".Iniwan ko silang tatlo sa kwarto.Pero sinundan agad ako.

(Si Carla Boses ni Gas Abelgas sa Soco)

Sino ang mahiwagang lalake sa panaginip ni Marvie kagabi.At ano ang motibo ng nasabing lalake sa kanya at ano ang ginagawa nila habang nakikipaghalikan si Marvie sa unan ng Mama niya.Tuklasin ang hiwaga na nakabalot sa kumot na lukot.SoCo..

"Sissy ang galing mo"Pumapalakpak si Kyla sa kalokohan ni Carla.Ako naman naiinis na.

"Sissy isa isa pa.Si Kylie naman.

"Hay tumigil na nga kayo please."Pero hindi parin sila tumigil lalo na si Carla .Umagang umaga bumibida na.Hindi ko nalang sila pinansin at nagluto nalang ako ng hotdog at ilog.Kaya nung kumakain kami nakaisip na naman ng kalohan si Gas este Carla.

(Si Carla Boses ni Gas Abelgas sa Soco)

Hotdog at itlog..itlog at hotdog.Ito na kaya ang sagot at laman ng panaginip ni Marvie kagabi ako si Gas na Gasgas na iiwan ang katanungang sino ang nagmamay ari ng hotdog at itlog kagabi?

Tawanan ulit silang tatlo.

"Guys tama na please.Shit wrong timing.

Calling... Bam

"uy may caller alas syiete ng umaga.Si kylie

Tumakbo si Carla para agawin kaya nilagay ko sa bra ko yung phone.

"Hoy kaaga aga niyong naghaharutan dyan."Thanks god Mama haii.Buti dumating siya at nagbehave na yung mga to.Pag uwi nila saka ko nabasa yung message ni Bam.

Salamat kagabi.Sorry hindi na ko nagpaalam ah.Baka kasi magising yung mga kaibigan mo abutan pa ko.Kaya nung bumaba yung Mama mo nagpaalam na kong umuwi.

Tulog naman siya non kaya hindi naman niya siguro alam yung nangyare.Hindi ko tuloy nasagot tawag niya hindi ko pa naman nariribig boses niya sa phone sayang.

··· ···

(Monday School)

"Good morning classmate.."Bati ko sa kanilang lahat.

"Naks Mukang happy ka na naman ah solve ka ba sa panaginip mo?Bulong sakin ni Carla.Hinampas ko siya ng dala kong book.

"Marvs inumin ulit natin yun ah ang sarap.Si kylie.

"Sige mag set ulit tayo.Sabi ko nalang minsan lang kasi ko uminom pag nandon lang si Mama o kaya nagpapaalam ako.Good girl kasi ko 😇
Parang sasabog yung puso ko sa bilis ng tibok ng puso ko ng makita ko kung sino yung paparating.Sana naman hindi niya alma na nakiss ko siya.iiihhh ramdam ko pa hanggang ngayon .Palakas ng palakas yung tibok ng puso ko tsug tsug tsug .Totoo nga yata yung sabi ni Nadine sa Till i Met You.Na may tsug tsug ano yun inlavey ako?

"Hi" Bati niya sakin todo ngiti siya sakin hindi kaya alam niya yung nangyare.Pero syiempre hindi ako nagpahalata.

"Hello"Yun lang sinabi ko at binawi ko na yung tingin ko.Naku patay na naman ako nito sa tatlo .

"Aba level up ha."Sabi na haisst.

"Dati pa smile smile lang ngayon may kasama ng hi at hello."

"Sissy marinig ka.Bawal ko sa kanya.

"Bukas saan na papunta yan ha."

"Baka goodnight at take care hahaha.Si Kyla.

"Tapos miss you love u.Si kylie

"Tapos mwahh mwaah tssuup tssuuup na ganern?Si Carla.

"Hay naku kung ano ano yung iniisip niyo no.!

"Huwag mo sabihing sya yung..Nagkatinginan silang tatlo at nagtawanan.

"Hoy hindi ah grabe kayo ang bad nyo na sakin.Ngumuso ako.

"Ikaw naman minimiro ka lang.Nangongo na naman to.Malapit na nga pala yung exam irereview ko nga pala si Bam mamaya ilang araw na akong hindi nakakapunta sa kanila.

Badboy Meets Playgirl (Completed) TBBC#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon