Chapter 28

24K 614 9
                                    

MARVIE'S POV

Akala ko nagbibiro lang si Bam na ipagpapaalam niya ko kay Mama.Ginawa nga niya nangako siya na ihahatid kami bago mag alas otso.Ako naman pinag paalam ko yung kambal at si Carla.Sa Tagaytay nalang kami natuloy para hindi na daw kami mag overnight ayaw din kasi ni Mama.

"Sissy ang ganda pala dito sa sky ranch."Patuloy si Carla sa pag linga linga.

"Oo nga,Saka ang lamig ngayon ber month kasi"

"Ang sarap siguro pag may kasama kang jowa hihi."

"Loko loko ka alam ko na yung nasa isip mo."Umandar na naman yung kaharutan niya haha.

"Ang galante pala ni papa Bam 'no unli rides hahaha."Loko talaga to.Si Bam kasi lahat nagbayad ng ticket ride all you can yung kinuha niya.Yung kambal iniwan na kami ni Carla at sumakay na sa viking.

"Sissy "Ngumuso si Carla sa papalapit na si Bam.

Halatang nahihiya siyang magsalita ng makalapit samin.

"Ah Marvie gusto mong mag zipline?"

"Ah eh. Walang kasama si Carla eh."

Biglang dumikit si Carla sa dalawang kasama ni Bam.

"Ok lang kasama ko naman yung dalawang papa dito oh.Turo niya kila Melvin at Jon jon.

"Sure ka sissy?

"Naman no.Saka siya kumapit sa dalawa."Go "Para kaming pinagtatabuyan sa sensyas niya na umalis na kami.Talagang pinamigay ako oh nakakita lang ng lalake bruhang 'to.Kaya sumama na ko kay Bam.

"Bam parang natatakot ako sumakay.

"Ano ka ba dalawa naman tayo eh.Ako bahala sayo."Nagulat ako ng bigla niyang hawakan yung kamay ko.Shit hindi pa ko nakakasakay pero para na kong babagsak.Syiempre hinayaan ko lang siya sa ginawa niya hihihi.

"One way po ba sir o two way ride?

"Two way.Sabi lang ni Bam.

Grabe tili ko ng nakasakay na kami si Bam naman tawa lang ng tawa.

"Mag smile ka naman papanget ka sa video niyan.Shit naka video pala kami.

"Bat 'di mo sinabi kakainis ka."

Tumatawa pa rin siya."Pa'no nakapikit ka kanina pa kaya hindi mo napansin na naiset ko yung video."Oo nga pala may dala siyang Gopro.Ang dinig ko kanina Hero 4 yun.Tumili ulit ako kaya napatawa na naman siya.Napatawa din ako kasi sumabay siya sakin sumigaw din siya."Basta idilat mo yung mata mo para ma enjoy mo yung view."Saka niya hinawakan yung kamay ko."Huwag kang bibitaw."Sabi niya sakin. Nakakadalawa ka na Bam ah isip isip.But i like it hahaha.

"I'm flying i'm flying"Sigaw ko.Feeling ako si Lois Lane at siya si Superman hahahahaha.Brown pala yung mata niya tapos ang haba ng pilik mata niya lalong bumagay sa kapal ng kilay niya lalakeng lalake.Hay ano ba 'tong nasa isip ko kung kailan nasa ere kami kung ano ano yung pumapasok sa isip ko.Abot kasi tingin niya sakin eh kaya kasalanan niya yon hahaha.Pagtapos namin mag zipline sumakay naman kami sa drop tower.Mamatay yata ako dito mas nakakalula dapat sa carousel nalang kami mas okey pa.Pero ok lang din magkatabi naman kami hihi.Pakiramdam ko tuloy date namin to hahaha.Nasaan na kaya yung mga kaibigan ko.Pag baba namin hinanap agad namin sila.

"Ehem"Bati samin ni Carla na nakatingin sa kamay namin.Shit magkahawak parin pala kami ng kamay ."Ano meron dyan?"Nguso niya sa kamay namin.Bigla ko tuloy inalis yung pagkakahawak namin ng kamay.

"Ano girls nag enjoy ba kayo.Biglang umakbay si Melvin sa kambal.

"Oh bakit sila lang inakbayan mo .Bati ni Carla kay Melvin."Hmmp dito nalang ako kay Jon jon solo ko pa."Saka siya kumapit jay Jon jon.Kaya nagtawanan kaming lahat.Mula non sama sama na kami sumakay sa mga rides.Pagkatapos nag aya silang kumain.

Lumingon si Melvin samin ."Saan niyo gustong kumain?"

"Wala naman kaming alam kung saan yung masarap dito surprise me."Saka kinurap kurap ni Carla yung mata niya.

"Ah alam ko na bro dun tayo sa dati masarap don."Kausap niya si Melvin.Dinala niya kami sa may Celina's Cafe and Restaurant eat all you can saka sila nag advance order ng dalawang special lobster.Grabe ang laki nakakatakot pero ang sarap sobra.Pagkatapos namin kumain lumabas ako para mag selfie ang ganda kasi ng Taal kitang kita dito sa labas.

"Nag eenjoy ka ba sa view?"Nagulat ako hindi ko napansin na nakalapit na pala si Bam sakin.

"Oo naman.Ikaw?

"Oo sobra." Pero nakatitig lang siya sakin.Lumakas tuloy yung tibok ng puso ko hindi ko alam kung anong view yung sinasabi niya ako ba o yung Taal.Sinaway ko yung sarili ko.Hay wag ka ngang assuming Marvie.Hays kasi naman siya nakakapang lambot ng tuhod yung tingin sakin.

"Picture tayo.Sabi ko sa kanya.Pumayag naman siya."Ang ganda talaga dito no?

"Oo nga gusto mo sa susunod sa Taal tayo.?"Aba may kasunod pa pala isip isip ko.

"Masarap don sasakay tayo sa bangka."Nagsindi sya ng yosi.

"Matagal ka na bang nag yoyosi?"

"3 years na siguro."

"Ah .Yun lang nasabi ko baka sabihin kung ano ano yung napapansin ko.

"Ayaw mo ng nagyoyosi?"Teka bakit ako yung tinatanong niya.

"Mabaho kasi saka nakakaitim ng lips yan sayang yung lips mo ang pula pa naman."Huli na ng marealized ko yung nasabi ko kaya hindi ko na nabawi.Hay Marvie anong kalandian yung sinabi mo.Binaling ko sa Taal volcano yung tingin konl.Nakita ko kasi na bigla siyang namula.Naalala ko tuloy ulit yung nangyare nung madaling araw.

Badboy Meets Playgirl (Completed) TBBC#1Where stories live. Discover now