Chapter 2

58.2K 1.1K 14
                                    

QUEZON
RAMIREZ
RAMOS
RACAL
SANTIAGO...

"Maam present ".Agad agad kong sinabi habang nasa pintuan.Ang sama ng tingin ni Maam para kong kakainin ng buhay.

"Wow miss Santiago ..Right on time huh?"

Nakakatakot talaga tong prof namin na'to.Buti nakaabot ako hay.

"Sit down miss Santiago".

"Yes ma'am .."Sagot ko naman

Habang nag papamigay ng test paper bigla s'yang nag salita.

"Next time pag may exam ayoko ng may malelate ulit.Kung ano ano mga inuunang kaartehan.Akala mo mamamatay kung walang kolorete sa mukha."

Napatakip ako ng mukha ng makita kong nakatitig sakin si ma'am Pascual.Kainis bakit ba dito ko nalagay 'tong nabili ko.Nakatingin s'ya sa plastic na binaba ko sa armchair na may tatak na HBC Life is Beautiful.

"Life is beatiful nga naman no? Miss Santiago?"Sunod sunod ang pag lunok ko.

"Ma'am ano po kasi,pinabili ni lang ni mama yan."Palusot ko hay ginamit ko pa tuloy ang mama ko.

"Ok next time ayoko ng may malelate.Huwag puro kaartehan at lalake ang nasa isip niyo.Ang isipin niyo kung paano kayo papasa sa subject ko.'O gusto niyo pa'ko makasama next semester ha!"

Sunod sunod ang pag lunok ko.Alam kong di nagbibiro si ma'am Pascual at marami na siyang binagsak na estudyante.

Pawis na pawis ako habang nag eexam.Pakiramdam ko nga 'yung dalawang basong tubig na ininom ko kanina mailalabas ko rin ngayon.Naisip ko tuloy na 'di lang pala ang kamay ko ang nagiging pasmado pati pala kilikili ko rin hahahaha..

Ilang minuto pa ang nakalipas natapos ko din ang exam wew.

Biglang lumapit sa'kin ang classmate kong si Ryan.

"Marvs sama ka mamaya ha."

"Saan naman?"tanong ko.

"Malate o Timog magbar tayo kasama yung mga tropa ko sa Feu."Ang ganda ng ngiti niya.Uhmm gwapo naman 'tong si Ryan kaso hindi ko sya type hehehe.

"Sorry Ryan ha hindi ako pwede eh.Alam mo namang kailangan 'kong maghabol ngayonmababa kasi yung ilang grades ko diba?"palusot ko pero totoo naman na kailangan kong humabol.Pero hindi ko sya feel kasama.Saka napagbigyan ko na siya ng isang beses.Nanood kami ng sine ayun saka kami kumain.Tama na 'yun hehe.

"Pero kung magbago isip mo text ka lang.Basta tawagan kita mamaya at may pakikilala rin ako sayo."

"O sige pag iisipan ko."sabi ko nalang sa kanya.

Pagbalik ni Ryan sa upuan niya biglang lumapit sakin 'yung tsismosa kong kaibigan.

"Sissy ba't ka tumanggi sayang naman 'yun oh."Nakanguso s'ya sa gawi ni Ryan.

"Ano kaba Sissy nagdate na kami niyan remember?"Mahina kong sagot.

"So pag nakadate ng minsan 'di na pwedeng ulitin?Dapat ba isa lang hindi ba pwedeng dalawa?"

"Sissy hindi naman date 'yun gimik yun."

"Kainis ka naman kasi malay mo maraming Oms don".(Lalake ang sinasabi niya)"Sayang naman oh."nakangusong sabi ni Carlo este Carla pala.hehehe.

"Sissy naman hindi ko talaga s'ya type 'no!Kung gusto mo ikaw nalang yung sumama sa kanila."

"Hello!As if naman na isasama nila ko kapag wala ka.Hmmp!Saka kailan ka ba nag katype.Swerte nga sila kapag naka second date ka eh."

"Ganon talaga sissy kapag maganda ka dapat namimili ka 'no."Taas noo kong sabi.

Napataas ng kilay ang Sissy ko haha.

"Hiyang hiya naman ako sa sarili ko.Ano yun por'ke panget hindi na pwedeng mamili.Pag may nag aya ng date dapat sunggab agad ganern!"

"Ano kaba Carla maganda ka naman ah.Sino nagsabi sa'yo na panget ka ha at mapatumba."Mataray kong sabi.

"Wala,walang nagsasabi na panget ako."

"Yun naman pala eh o 'bat mo nasabi na panget ka."kunot noo kong sabi sa kanya.

"Kailangan pa bang itanong yan ha sister!"Inilagay pa niya yung kamay niya sa baba niya."Kitang kita ko naman ang ebidensya sa twing nag sasalamin ako..huhuhu.."

Bigla akong napatawa ng malakas.Ang dami ko talang tawa.Siraulo talaga 'tong kaibigan ko.

"Kita mo halatang halata sayo na tama ang sinabi ko."Nagkibit balikat siya na parang nag tatampo.

"Ikaw naman natawa lang ako.Tara nalang sa Canteen libre kita."

Habang naglalakad kami papuntang canteen may tumatakbong lalake kaming nakasalubong.

"Tabi!!"

Yun lang ang salitang narinig ko.Nakita ko si Carla na nakasalampak.Lumingon ang lalake pero wala man lang reaksyon ang mukha ng bwisit.Kaya sinigawan ko siya.

"Sorry ha.Pasensya ka na ha."
Pero balewala lang yung sinabi ko ni hindi siya lumingon dedma lang.

"Antipatikong mayabang."Nasabi ko nalang.Napunta naman ang atensyon ko kay Carla ng magsalita.

"Aray aray ang sakit ang pwet ko sissy it hurts it hurts.."Reklamo ng maarteng baklang kasama ko.

"Ang oa mo sissy ha patingin nga."Tumayo si Carla.

"Ayan oh look may gasgas ako oh."Reklamo niya sa'kin.

"Hayapaan mo na at konting gasgas lang naman yan."Pinagpag ko yung likuran niya pati sa gawing pwet niya na nadumihan.

Nung malapit na kami sa canteen may lalaking nag salita.

"Hi miss Beautiful.."

Hindi ako tumitingin nagpatuloy lang kmai sa paglalakad

"Miss beautiful.."

Hanggang makarating kami ng canteen at sa'ka ko tinanong si Carla.

"Sissy nakita mo ba 'yung itsura ng tumatawag sa'kin."

"Aling tumatawag."pagtataka niya.

"Yung nagsabi ng hi! miss beautiful."Maikli kong sagot

"Ah so pag miss beatiful ikaw na 'yun agad agad ganern?"

"Naman!Sino pa ba yung kasabay nating naglalakad?Wala di'ba?Tayong dalawa lang."

"Hiyang hiya naman ako sa'yo.Iba rin ang level mo eh no."

"Naman."Pairap kong sabi sa kanya.

"Speaking of maganda.Ayan ang numero uno."Sabay nguso ni Carla sa kabilang table.

Napatirik ang mata ko ng makita ko kung sino.Si Jenika Ortiz.Sikat na sikat siya dito sa campus.Palaging siyang nananalo sa lahat ng beauty contest kahit sa ibang university.

"O 'de s'ya na yung maganda inaangkin ko ba!"Sabi ko nalang.

"Hi Marvs ."Nagulat ako na nasa likuran ko pala si Andy.

"Hi Andy."Sinabayan ni'ya ko sa pag order.Nawala sa isip ko na ex nga pala niya si Jenika.Pag balik ko ng table namin ni Carla lahat ng tropa ni Andy binati ako.Kaya binati ko silang lahat at nag smile ako.

Badboy Meets Playgirl (Completed) TBBC#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon