Chapter 22

24.3K 641 16
                                    

Maaga kaming nag luto ni mama katulong din namin ang ilang boarders namin na walang pasok.Hapon kasi pupunta na yung mga classmate ko.

"Nak tikman mo nga itong menudo kung ok na yung lasa"Iniabot sakit ni Mama yung sandok.

"Ok na ma' ang sarap."Nag thumbs up pa ko.

"Nakapag simba ka na ba?

"Opo 'ma."

"Eh yung boyfriend mo dadating ba."Napakunot noo ko.

"Wala naman akong boyfriend ah"

"Naku kunwari ka pa."Si Mama talaga oh ginagawan ako ng issue.

"Wala nga si Mama naman eh sino kaya magiging boyfriend ko."Napanguso lang ako.

"Si Bam alam mo namang si Carla no.

"Hala si Mama oh grabe siya".Inakap niya ko.

"Happy Birthday anak kong maganda."

"Thank you Ma I love you."Tumulo nalang yung luha ko siyempre dalawa nalang kami.Saka sobrang bait niya sakin best Mom talaga siya.

"Naku wag na nga tayong mag dramahan at mamaya dadating na yung mga bisita mo."

Ilang oras ang lumipas natapos din kaming magluto.Kaya pinapunta ko na yung mga kaibigan ko.Sunod sunod silang nag datingan.

"Sissy bakit wala yata si Bam?"Patuloy sa pagkain ng Palabok si Carla.

"Hindi yata makakapunta."

"Kailan mo inaya hindi ko naman nakita na nagkausap kayo diba.?

"Pinasabi ko kay Maam Pascual.Pag sisinungaling ko.

"Ah ok sissy ano mamam natin mamaya?busy parin siya sa pagkain.

"Anong mamam?"Kung minsan hindi ko maintindihan yung pinag sasabi talaga ng baklang to.

"Sus sabi ko ano yung iinumin natin mamaya hmmp!"Siya pa galit non alam kong mamam kasi iinom ng tubig pag sa baby hehehe.

"Ah Sissy may papatikim ako sayo sobrang sarap natikman ko yun nung nagpunta kami ni Mama sa kamag anak namin sa Nueva Ecija.

"Sige sige siguraduhin mong hindi nakakalasing yan ah.Alam mo naman ang lola mo mahina na sa ganyan."Busy pa rin siya sa pagkain ng salad naman haha.

"Teka hanapin ko pinasulat ko yun sa pinsan ko.Nasaan nga ba yun.Ah nasa shoebox oo nga pala dun ko nilagay.

"Sissy here"Inabot ko sa kanya yung papel saka binasa.

Zombie

1 gin (bilog)
1 litre 7 up
1 tang grape (litro pack)
1 pineapple juice in can (240 ml

depende sa taste mo you can add more pineapple juice.)
tang grapes ,then gin,7 up and last yung pineapple juice no need to add water.

................................................
Beergin with pineapple

4 Bottles redhorse 500 ml
1 gin (bilog)
1 or 2 Tang pineapple (litro pack) depende sa taste mo
i mix lang then add water 4-5 litres.

(Readers itry niyo din masarap yan parehas :) comment kayo pag natry niyo.Lagyan niyo ng maraming ice. Hahaha )

"Model ba yung pinsan mo ng Tang at 7 up pati redhorse.Hindi ba pwedeng sprite at 8 oclock.

"Yan yung nilagay niya ano mamagawa ko."Painumin ko nga ng lason to ng tumigil sa pagrereklamo.Pagkakain namin ng hapunan nag umpisa na rin kami mag inuman ng mga clasmate ko konti lang yung naiwan hindi daw kasi umiinom yung iba.

"Girls para sa birthday girl"Inangat ni Carla yung baso.At sabay sabay nila kong binati.Simple lang yung birthday ko hindi man sa mamahaling restaurant o ginanap sa ibang lugar pero masaya ko dahil kasama ko yung mga taong mahalaga sakin.Habang tumatagal ang oras isa isa na silang nag uuwian.Hanggang yung kambal at si Carla nalang yung natitira medyo marami na silang nainom kaya sabi ni Mama dito nalang daw matulog.Mukang lasing na kasi si Kylie tatlong beses na siyang nag tutumba sa upuan.Si Kyla naman puro hugot na si Carla ayun sobrang ingay na.

"Nak wala ka na sigurong dadating na bisita no?Habang nag liligpit ng mga ginamit namin.Sila Kyla naman nandon na sa kwarto ko sa taas mga naghihilik na.

"Oo Ma wala na."Tinulungan ko nalang siya sa ginagawa niya.

"Hi" Bah nakaalalang magtext.Hindi man lang ako binati hmmp.

"Ang daya mo hindi ka man lang nagpunta :(. Reply ko sa kanya.Matagal bago siya mag reply kaya akala ko hindi na sya magttext.

"Nandito ko sa labas."Nanlaki yung mata ko.Tiningnan ko yung oras alas diez na kaya inisip ko na nanloloko lang siya.

"Hahaha talaga lang ha.Sige pasok kana.Sabi ko sa kanya.Hindi na siya nagreply.

"Ma ako na maghugas ng mga yan."Naawa naman ako kay Mama kanina pa siya walang pahinga.

"O sige manonood lang ako ng tv.Halos matapos ko na lahat ng hugasin.Narinig kong may nag doorbell.

"Nak tingnan mo nga kung sino yun.Ang ganda kasi ng pwesto ni Mama haha nakataas pa yung dalawang paa sa mesa.Pag bukas ko ng gate.Hala!!!

"Hi Happy birthday".Inabot niya sakin yung isang bouquet na bulaklak.Hindi ko alam kung kanan o kaliwa niya ako hahalikan kaya nagkalituhan pa kami.

"Bakit ngayon ka lang nagpunta nag alisan na tuloy yung ibang mga bisita ko."Pansin kong nahihiya siya.

"May pinuntahan kasi ko ."Yun lang ang sabi niya.

"Pasok ka.Para makilala mo si Mama."Feeling ko tuloy manliligaw siya ngayon.Mukang kaliligo lang niya at ang bango niya.Hihihi

"Ah Ma si Bam po"Natatakot ako kay Mama baka kung ano yung sabihin niya palabiro pa naman si Mama.

"Magandang gabi po Mam.Natutuwa ako sa itsura ni Bam ngayon.Para siyang isang mahiyaing ewan.

"Upo ka Hijo.Nak paghain mo si Bam ng makakaen."

"Ah Marvie "Inabot sakin ni Bam yung xake at isang paper bag.Kinuha ko yung cake si Mama naman yung paper bag.

"Salamat.Pakiramdam ko 14 years old lang ako bwisit bat ba ko kinikilig.

"Wow wine sigaw ni Mama."Nako si Mama parang ngayon lang nakakita ng wine.Nagngitian nalang kami ni Bam.Bakit ba ganito yung epekto niya sakin dahil ba sa ilang araw ko siyang hindi nakita.

Badboy Meets Playgirl (Completed) TBBC#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon