Chapter 30

23.1K 600 11
                                    

BAM'S POV

Pagkatapos namin dalawin si Jenny sa ospital nag aya si Melvin na uminom daw muna kami sa bahay nila.Sa makalawa ilalabas na kasi si Jenny kaya mag celebrate daw kami.

"Bro magkwento ka naman sa inyo ni Marvie ano na yung real score niyo?"Grabe unang tanong hotseat agad kakaupo ko palang eh.

"Ganon parin"

"Ha? Don't tell me bro hindi ka pa nanliligaw?Tumango lang ako sa kanya.

"Baka naman ma FRIENDZONE ka niyan bro.?"Napakunot noo ko.

"Alam naman namin na type mo yun at ngayon ka lang naging ganyan pero hindi na dapat pinagtatagal yan."Uminom siya ng alak

"Ang ibig sabihin ni Melvin ligawan mo na."

"Kung magsalita kayo para kayong mga expert ah"

"Ako bro isa lang ang gusto ko alam mo yun kaso may dahilan ako eh ikaw wala diba."Si Jon jon.Si Jenny yung tinutukoy niya.

"Bakit naman ako maffriendzone hindi pa ba obvious yung ginawa ko?
Tumawa lang si Melvin.

"Bro ang mga babae gusto nga nila yung effort pero mas gusto parin nila na naririnig na mahal mo sila na mahalaga sila.Dapat sa tagal niyo na magkasama nasa next level na kayo eh.

"Paano nga anong next level? "Sabi ko sa kanya.

"Una bro dapat yung mga text mo sa kanya may lambing para hindi niya isipin na friends lang yung gusto mo sa kanya.Pangalawa dapat pag aalis kayo mas madalas na dalawa lang kayo kahit hindi mo na kami isama kapag kasama niya yung mga friends niya isama mo kami ni Jon jon diba.Pangatlo huwag kang nagkkwento ng tungkol sayo pakinggan mo lang yung kwento niya pero huwag mo siyang papayuhan ng sobra.Pang apat kung nag hoholding hands na kayo dapat mag level up na diba kasi may mga magkakaibigan na kahit lalake at babae nag hoholding hands din.Pang lima kung sa tingin mong may pag asa ka sa kanya sabihin mo na agad pero kung sa tingin mo wala, kailangang iparamdam mo pa hanggang mafeel niya na importante siya.Pang anim syiempre hulihin mo yung kiliti niya dapat alam mo yung gusto at ayaw niya.Hindi ko alam kungvalin ang uunahain mo dyan pero effective yan.

"Ganon ba yun doctor love?"Biro ko sa kanya.

"Mga bro iwas friendzone yan noon kasi akala ko mas okey kaibiganin muna.Okey nga lang kaso huwag namang sosobra.

"San mo naman nalaman yan ha"Si Melvin.

"Kay Mara pinayo niya sakin nung binasted ako ni Sheila."Nagtawanan kami ni Jon jon sa kapatid pala niyang high school.

"Kung magpayo ka akala namin na apply mo na sa sarili mo hahaha siraulo ka talaga."Si jon jon.

"Balak ko palang sanang gawin kay Kyla.

"Ha yung kaibigan ni Marvie?Panlilinaw ko sa kanya.

"Oo hehe .

"Ah sya yung katext mo ngayon alam ba ni Marvie yan"

"Hindi pa hehe".loko loko talaga to.

"Kaya pala lagi kayong magkadikit nung nag Tagaytay tayo ha."

"Kita bro si Melvin oh mauunahan ka pa yata hahaha.

"Alam niyo namang hindi ako nanliligaw.Igagaya mo ko kay Melvin eh sanay sa bastedan yan."Tawanan kaming tatlo.

Naka dalawang bote lang kami tapos umuwi na din ako may pasok pa ko kasi bukas.Pinag isipan ko yung sinabi ni Melvin pero may point nga sya.Hindi naman kasi ko nanliligaw.Hindi ko naman alam kung pano sisimulan.Itext ko kaya ano kaya sasabihin ko.Nakailang type din ako pero binubura ko hindi ko kasi alam kung ano yung sasabihin ko.

"Hi!still up?"Sabi ko sa kanya kaso hindi nagrereply tulog na siguro.

"Ahh sensya na nag hilamos kasi ko."

"Ok lang.Maaga naman yung uwian mo bukas dba?"

"Oo bakit?"

"Nood tayo ng sine bukas ?"

"Sabihin ko kila Carla"

"Pwede ba dalawa lang tayo?ok lang?"Dapat may time na kami lang sabi nga sa rules ni Melvin.Para kong gago bakit ba sinusunod ko yun.

"Saan ba?

"Moa nalang para maiba naman".Kailangan malayo para mahaba yung oras naming magkasama.

"Sige".Tuwang tuwa ako nung pumayag siya ngayon lang kasi kami manonood ng dalawa lang kami.

Nagpaalam na din ako 11 pm na kasi nahihiya naman ako baka inaantok na siya.Kailangan ko pa kayang bigyan siya ng flowers?Ano kaya yung gagawin ko bukas.Baka naman mabigla siya kapag sinabi ko agad na gusto ko siya.Bahala na nga.

Badboy Meets Playgirl (Completed) TBBC#1Where stories live. Discover now