Chapter 37

25.3K 576 11
                                    

J ♡ J Wedding..

Kanina pa kami ikot ng ikot pero pabalik balik lang kami.Naliligaw na yata kami.May pasok kasi kami kahapon kaya sabi namin kila Jenny na susunod nalang kami.Sabi naman ni Carla alam daw niya yung lugar.

"Akala ko ba alam mo yung simbahan."Sabi ko kay Carla habang hawak ko ang manibela.Buti nalang pinahiram ni mama yung kotse samin.

"Ang sabi ko napunta na 'ko ng Majayjay hmmp."

"Kanina pa tayo ikot ng ikot eh pabalik balik lang tayo."Sabi ko sa kanya.

"Baka naman mali yung napasukan mo"Sabi lang niya.Pinipicturan si Kylie habang natutulog.

"Huy baliw ka talaga.Lagot ka pag nagising yan.Hininto ko yung kotse para mag tanong.

"Ah ate san po gawi yung San Gregorio Magno Parish Church?Sabi ko sa matandang babae.Na nag aabang ng sasakyan.

"Ah malapit na isang baryo nalang diretso lang kayo."

"Salamat po.Tumango lang yung babae.

"Bakit ba huminto pa tayo.Si Kyla

"Eh hindi pala alam ni Carla yung Majayjay."Sabi ko sa kanya.Pero tumawa lang siya.Bruhang 'to alam na nagmamadali kami nakuha pang tumawa.

"Bakit hindi niyo kasi igoogle map ng mapadali tayo."Sabi lang niya at naging busy na naman sa phone.Nagkatinginan lang kami ni Carla.Oo nga bakit hindi ko naisip agad.

"Kanina pa kami litong lito dito hindi ka manlang nagsasalita ha!Mataray na sabi ni Carla sa kanya.

"Eh busy ko eh."Yun alng sabi niya.

"Busy!Jusko naman Kyla lubayan mo nga muna yung Melvin na yan parang hindi kayo magkikita mamaya ah!"Nako mukhang galit na talaga si Carla hahaha.
Bakit ba kasi hindi namin naisip si google map haha.Minsan ang katangahan parang love din minsan dumadating ng hindi inaasahan haha.

Sa wakas nakarating din kami ng simbahan.Wala pa sila Jenny ng makarating kami.Kaya nagtext ako sa kanya na nasa simbahan na kami.

Nagmadali akong magbihis isa kasi ko sa bridesmaid ni Jenny.Ilang minuto pa nag simula na din ang wedding ceremony.

Nakikita ko ang kaligayahan ni Jon jon at Jenny habang nag iisang dibdib sila.Si Jenny napapaiyak ganon din si Jon jon pero bakas parin ang kaligayan nilang dalawa.Gano'n nga siguro yung pakiramdam pag ikaw yung kinakasal.Matapos ang kasal nagtungo naman kami sa Majayjay Bed and Breakfast kung saan ang reception.

Hindi ko mapigilang hindi humanga sa lugar.Maaliwalas at maganda at Lalong lumutang ang ganda ng tanawin sa puting balot ng mesa at upuan.Kung saan matatanaw mo ang Mt.Banahaw.Perpekto para sa mga bagong kasal.Perpekto para sa mga taong nagmamahalan.

"Ang lalim ng iniisip mo ah"Si Jon jon.Napangiti ako sa kanya.

"Ini-enjoy ko lang yung ambience ang ganda kasi eh"Saglit akong tumahimik."Ah congrats uli ha."Sabi ko sa kanya.

"Salamat at salamat din nakarating ka kahit.. kahit wala si Bam."Mahinang sabi niya sakin.

"Oo naman "Maikli kong sagot sa kanya.

"Ayan na pala yung napakagandang asawa ko."Nang makita niyang papalapit si Jenny.

"Marvie parang hindi ka naman masaya sa kasal ko."Bati sakin Jenny.

"Syiempre naman masaya ko .Yung inaanak ko nasaan."Pag iiba ko ng topic.

"Naku kalaro sina Kyla at Melvin ."Mukhang may iba na talaga sa dalawang yun ah.Lagi nalang magkasama.

"Halika ipapakilala kita sa mga pinsan ko ."Hinawakan niya yung kamay ko.

"Hon,malungkot yan kasi hindi siya yung nakasalo ng bouquet."Biro ni Jon jon.Saka tumawa.

"Loko ka hon ."Hinampas siya ni Jenny sa balikat.

"Oo nga kasi daw baka hindi na siya makapag asawa diba Marvie?Binaling niya yung tingin sakin.

"Ah oo."Sinakyan ko nalang yung sinabi niya.

"Kung hindi mo man nasalo yung bouquet pwede naman kitang bigyan ngayon."Sabi ng isang pamilyar na boses."Sigurado walang ibang makakaagaw,Kasi para lang 'to sayo."Sunod sunod yung pag tibok ng puso ko.Hindi ko alam kung ano yung nararamdaman .Totoo ba 'to?O nanaginip lang ako.Yung boses na yun.Kay tagal kong hinintay at marinig muli.

"Bam."Sigaw nila Jenny sa kanya at nagtakbukahan sila papunta kay Bam.Pero hindi parin ako makakilos sa kinatatayuan ko.

"Sorry ha hindi ako naka abot sa simbahan."

"Ok lang bro may inabutan ka naman eh."Saka sila nagtawan.

"Marvie."Namiss ko yun yung boses na yun.Yung tawag na yun..

Unti unti akong lumingon kung nasaan siya.Dinig ko ang bawat pag tibok ng puso ko.Yung pagkasabik na makita siyang muli ..Hay Bam..Tanging nasabi ko sa isip ko.

Badboy Meets Playgirl (Completed) TBBC#1Where stories live. Discover now