Chapter 32

22.8K 680 0
                                    

Kahit nagkikita kami ni Bam hindi ko parin mabanggit na nagkita at nagkausap kami ng papa niya.Ang sabi kasi ni Maam Pascual kailangan naming pagplanuhan yung pagkikita nilang mag ama.

"Sissy ano plano mong gift sa birthday ni Bam di ba ilang araw nalang yun."

"Oo nga pala.Hindi ko parin alam kung ano yung igigift ko eh".Inaaya niya kasi kami na pumunta sa bahay nila.Pupunta din daw si Jenny kaya sa bahay nalang siya maghahanda.Sabi nga ni Tita Beverly na ngayon lang maghahanda si Bam sa bahay.Kapag birthday daw kasi ni Bam hindi raw ng sstay ng bahay yun.'Nga pala sabi ni Maam Pascual Tita nalang ang itawag ko sa kanya kapag wala kami sa school.

"Baka naman Marvie kung ano yung iniisip mong ireregalo mo ha!"Tumitig siya sa katawan ko.At nagets ko agad yung gusto niyang sabahin.Siraulo talaga 'tong baklang to.

"Hay ewan ko sayo ang dumi talaga ng isip mo!"

"Ayoko lang na magpadala ka sa nararamdaman mo sissy dati ok lang na magdate ka ng mag date.Pero ngayon mukhang iba na yan eh."

"Salamat sissy ,pero alam ko naman yung tama at mali at isa pa hindi pa nga kami 'di ba 'ni 'di nga nagtetext kanina pa e!."Bwisit na yun pagkatapos akong halikan kaninang umaga.Tapos hindi magttext sakin kung nasaan siya.Hindi na ko magpapakiss sa kanya nagiging bisyo na niya yung pag nakaw ng halik sakin.Nakaka dalawa na siya.

"Sus kaarte niyong dalawa."Umirap pa siya sakin.

"Basta ayokong masaktan ka ok kaya hinay hinay lang friend."Tinapik niya yung balikat ko.

"Ay ang sweet ng sissy ko oh love na love talaga ko pakiss nga sissy.Inarte ko yung labi ko na parang hahalik ako sa kanya.

Tinampal niya yung bibig ko "Lubayan mo ko sa kaartehan mo at nakakaumay ka.!"Ako pa daw ang maarte hahaha.

Nagulat ako kay Bam ng bigla siyang sumulpot sa classroom.Wala naman siyang klase ngayon dito.Nakakainis siya kanina pa niya ko hindi tinetext.
Tapos ngayon ang ganda ganda ng ngiti niya sakin.Ano akala niya makukuha niya ko sa pag ngiti niya.

"Hi Marvie."Bwisit na ngiti yan nakakainis.Hays bakit ba mas lalo siyang gumagwapo.Parang ang ganda ganda ng araw niya ngayon.Hmmp pero hindi ko siya pinansin pinilit ko siyang tiisin. "Uy Marvie ." kinalabit niya ko pero hindi ko parin siya pinapansin.

"Nagtatampo yan at hindi ka raw nagtetext kanina pa.!" Hay Carla bakit ba ganyan ka laging umeksena Haiiiisst nagpapakipot pa ko oh.

"Sorry naiwan ko yung phone ko sa locker may pinuntuhan kasi ko e."Kinalabit niya ulit ako "Huwag ka ng magtampo ."Sus paawa pa yung mukha niya.

"Bakit ako magtatampo."

"Nagtatampo ka nga."Saka siya tumawa.Nakakainis tong Bam na 'to nagtatampo na ko pagtatawanan p niya ko.

"Ano yung nakakatawa."Pinandilan ko siya ng mata.

Hinila niya ko patayo "Tara may pupuntahan tayo."Ano problema niya kanina hindi nagtext ngayon kung san ako aayain.

"Ayoko."Sabi ko lang sa kanya.

"Please Marvie importante 'to please."

Habang nag ddrive siya napansing kong may bulaklak sa likod ng kotse niya.Inisip ko tuloy na sakin niya ibibigay yun.Pero bakit hindi pa niya binigay kanina.Hindi ko siya tinanong kung saan kami pupunta pero mukhang malayo na 'to parang lagpas
na kami ng Alabang e.

"San ba talaga tayo pupunta"Hindi na ko nakatiis na tanungin siya.Hello ang paalam ko kay Mama nasa may Ever Gotesco lang ako sabi ko nag ikot ikot lang ako bago sumakay ng lrt.

"Batangas"Yun lang ang sabi niya.Hindi na ko makaangal at ang layo na namin.Ano pa pa nga ba yung magagawa ko.

Hindi naman kami natraffic kaya mabilis kaming nakarating sa sementeryo?Ililibing yata ako ng buhay nito o baka naman dito kami mag dadate maiba lang ng lugar.

"Tara."Hinawakan niya yung kamay ko.Hindi naman kalayuan yung nilakaran namin.Pag hinto niya nabasa ko yung pangalan sa lapida. Benita P. Rodriguez."Ah Marvie ang Mama ko.Saka niya nilagay yung dala niyang bulaklak. "Ma' si Marvie po.Sabi lang niya.

"Hi!po." sabi ko naman ayoko namang sirain yung moment niya syiempre Mama niya yun.

"3 years na siyang wala mula ngayon pero hindi ko parin nakakalimutan lahat ng kabutihan niya nangako ako sa kanya na pag may nagustuhan akong babae ipapakilala ko sa kanya."Ako ba yun?isip isip ko malamang ako wala naman kaming ibang kasama diba?

Habang tiningnan ko siya dama ko yung kalungkutan niya.Ganon din kasi ko non kay Papa.Pero may magulang pa naman siya.Siguro sobrang close sila ng Mama niya kaya sobrang mahal na mahal niya.Hindi ko tuloy maiwasang itanong sa sarili ko kung ano kaya yung naging problema nila ng tatay niya.Dapat nga mag damayan pa sila.Siguro mas maganda kung mag uusap silang mag ama para kahit papaano mabawasan yung kalungkutan niya.

Mula ng umalis kami ng Batangas hindi siya gaanong nagsasalita.Hindi ko rin siya gaanong kinausap baka kasi naaalala niya yung Mama niya lalo na yung mga pinagsamahan nila.Naiintindihan ko naman siya at isa pa masaya ko kasi ako yung sinama at pinakilala niya sa Mama niya.


PLEASE LIKE AND FOLLOW  ☺☺

Badboy Meets Playgirl (Completed) TBBC#1Where stories live. Discover now