Chapter 3

47.5K 1.1K 27
                                    


Habang kumakain kami ni Carla.May narinig akong mga babaeng nag uusap sa ka kabilang table.

Girl 1: "Ang landi talaga niya no!"
Girl 2: "Sinabi mo pa lahat nalang pinansin lahat ng lalake pinapatulan."

Girl 3: "Mga sis ang sabi nga nila daig ng Malandi ang maganda."May diin na sabi ng babae saka nagtawanan sabay sabay.

Habang nakikinig ako.Sabi ko sa sarili ko sino kaya yung pinag uusapan nila.
Bigla na namang may nag salita.

Girl 4:Hayaan mo na baka 'dun lang siya napapansin ng mga lalake."Tawanan ulit sila.

Girl:3 "Akala ko ba sis hindi pa move on sayo si Andy.Balita ko nakipag date na si Andy sa kanya last week."

Girl 4 :"Really Wow good for him.Sigurado naman ako na hindi sila magtatagal at iba't ibang flavor ang gustong tikman niyan."Bigla ako napalingon sa kanila at eksakto namang nakaturo 'yung mahabang nguso ng babaeng 'yun sa'kin.Mga letcheng 'to ako pala yung pinag uusapan.Hindi man lang ako na inform.Tatayo na sana 'ko ng bigla akong pinigil ni Carla.

"Sissy hayaan mo sila."Aba nakikinig din ang tsismosang to sa isip ko lang.

"Nakaka gago sissy eh!Nakitsismis pa naman ako 'nun pala ako topic nila."

"Hay hayaan mo na graduating tayo kaya iwas ka sa away ok."Hinawakan niya kamay ko.

Para makaganti naman ako nilapitan ko grupo ni Andy.

"Hi Andy..Hi boys ".Para kong miss universe na papalapit sa grupo ng mga kalalakihan.

"Hi!Marvie.".Sabay sabay na bati sakin.

"Andy, Pwede ka ba sa sunday wala kasi 'kong kasama."Isinandal ko pa yung katawan ko sa tabale nila."May bibilin sana 'kong gift sa pinsan ko."Syiempre lalake ka baka matulungan mo ko."Hay ang lande ng boses ko habang sinasabi ko 'yun hahahaha.Hinawakan ko yung kamay ni Andy at tumingin ako sa gawi nila Jenika.

"Ganon ba.O sige sure just text me."nakangiti na sagot ni Andy sakin.

"Ay nag change pala ko ng sim.Type ko nalang yung number ko."Kinuha ko yung phone niya at nilagay ko yung bagong number ko.Pero sa totoo wala akong pinsan na bibilan ng gift hahaha.

"Thanks Andy."Nakatingin lahat ng bruha sa'kin habang naglalakad hahaha.Oo mas maganda nga si Jenika,mas matangkad at higit sa lahat mas malaki ang boobs.Pero ibat ibang klase ang ganda diba?Maganda siya sobra at siya yung gandang nakakasawa.Ako yung ganda ko naman habang tinititigan lalo kang mananakam hahahaha.Hindi ako nagyayabang ha!Totoo yun promise :).

Kinuha ko yung make-up na binili ko para masubukan kung maganda nga sa face.Matagal 'kong tinitigan ang sarili ko sa salamin.Bigla akong nagulat ng may bumatok sakin.

"Aray ano ba!"Galit 'kong sabi.

"Ayos ka din girl no!Gandang ganda ka talaga sa sarili mo eh!Pak na pak."Tinapik niya ang pisngi ko.
'
"To naman oh hindi na nasanay sakin o itry mo din malay mo mamaya magsing ganda na tayo."Sabay abot ko ng makeup sa kanya.

"Ayy i like that"Parang mapapatalon siya sa tuwa ng sinabi ko 'yun.

Tuwang tuwa na naman yung baklang to sa papuri ko haha.Eh, joke lang yun haha.

"Pero hindi,Hindi ako papayag na magsing ganda tayo.Dahil hindi lang kita papantayan lalampasan pa kita."Sabay irap niya sa'kin.Kung minsan gusto kong ibaldog yung baklang to sa katotohanan eh.

"Oo na ate Shawi ikaw na yung maganda."Sang ayon ko nalang hehe.

Mabait naman kasi tong si Carla saka palagi niya kong napapatawa.Saka kahit anong problema ko hindi niya ko iniwan sa ere as in never talaga.Actually lima kaming magkakaibigan kaso nataong absent naman yung tatlo.

"Sissy ano maganda na ba ko?"saka niya pinikit pikit yung mata niya.

"Sissy ang alam ko yung pagmumukha mo yung nilagyan mo ng makeup diba eh 'bat mata mo 'yung pinapaganda mo."sabi ko sabay tawa ko.

"Hello!Ano ka'ba hindi mo ba alam na 'yan ang unang tinitingnan ng mga boys kasama talaga yan 'no."Mataray niyang sabi sakin.

"Uhmmm sabagay kailangan mo talaga yan."

"May sinasabi ka Teh?"

"Wala,Ang sabi ko taralets na."

"Ok lets go sago.."Saka niya pahampas na nilagay yung bag sa likod niya.Mabuti nalang at naging mag bestfriend kami kung hindi baka siya yung number one enemy ko ang arte kasi mas maarte pa sa tunay na babae hahaha.

Habang pabalik kami ng classroom naisip ko kung ano kaya magiging result ng exam ko.

"Sissy sana pumasa ko sa math hayy namomroblema talaga ko don."

"Ano kaba keribels mo yan no!Aanhin mo ang iyong ganda kung ang utak mo naman ay walang kwenta."Saka s'ya tumawa ng tumawa.

"Ha ha ha ".Yun lang tawa ko tatlo lang.

"Sissy naman oh!Im just kidding you know."Kumembot kembot pa ang bakla.

"Hindi nang aano ka eh.Parang iba yung datingan mo sissy eh may lamang galit." Nakakunot ang noo ko alam niyang naiinis na'ko.Pag hindi ko pa kasi siya ginanon kung ano ano pa sasabihin niya.Kainis talaga 'tong baklang 'to haha.Matalino kasi s'ya laging nasa Top.Samantalang ako laging may lagpak hahaha.Pero sa math lang ha ang hirap kasi ng college algebra di'ko magets haha.

"Hay sissy,I hate counting numbers talaga."Hindi ko magets talaga kahit anong gawin ko."Sabi ko kay Carla.

"Sissy Ba't 'di mo itry bilangin yung mga boys na naka date mo.Malay mo ma'gets mo na .."Nakakainis na tawa ang pinakawalan niya.

"Nang aano ka talaga eh no!"Nakapameywang na ko.

"Hahahaha.Im just kidding again."Saka nag peace sign .

"Juan Carlo ha!Im warning you."Ayaw niyang tinatawag ko s'ya ng real name niya.

"Sissy naman oh joke nga lang eh hmmp!..Alam ko namang hanggang date ka lang pag tapos non dedma na sila diba."

"JUAN CARLO MIG---."sigaw ko sa kanya..

"Ay Sissy 'wag 'wag mo ng ituloy huhu please."Natawa nalang ako sa mukha niya hahaha.




PLEASE LIKE AND FOLLOW...

Badboy Meets Playgirl (Completed) TBBC#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon