Chapter 31

22.8K 560 3
                                    


PLEASE ALSO READ:

"The Badboy's First Love (OnGOING) TBBC#2"
http://my.w.tt/UiNb/35ZbPULkfx





-


MARVIE'S POV

"OMG sa wakas inaya ka na niyang mag date." hiyaw ni Carla.Parang siya yung inaya sa sobrang kilig.

"Manunuod lang kami"

"Date na nga yun bruha gusto nga niya na dalawa lang kayo diba?"Tumango ako.

"Anong oras ka daw niya susunduin?"Kinikilig din si Kylie.

"4 daw ."Pumayag naman si Mama nung magpaalam ako may tiwala kasi siya kay Bam.

"Kailangang magpaganda ka mamaya sissy .Sasama ko pag uwi mo sa inyo.

Kaya pag uwi ko ng bahay kasama ko na si Carla tapos naligo ako ayun inayusan nga ako.

"Sissy hindi ba muka akong aattend sa kung saan ?Manonood lang kami ng sine." Feeling ko kasi masyadong daring yung suot ko.

"Ano kaba mas maganda yan para may konting pasilip hahaha."Pero iniba ko parin yung damit ko hindi kasi ako komportable.

3:40 ng sunduin ako ni Bam mukhang naghanda siya sa suot niya lagi lang kasi siyang naka tshirt ngayon ko lang siya nakitang mag polo shirt.Mas bagay sa kanya ang linis tingnan.Love story yung pinanood namin kaya nung may part na kissing scene nagkatinginan kaming dalawa.Awkward Hahaha.Grabe yung tibok ng puso ko pakiramdam ko kami yung naghahalikan hahaha.Medyo nagkahiyaan nga kami.kaya ilang sandali kaming hindi nag usap.

Kaya napatingin nalang ako sa kanya nung hawakan niya yung kamay ko.Pakiramdam ko first date ko 'to.Oo marami na kong nakakadate pero iba 'to.Yung bang hindi mo maipaliwanag yung saya mo,yung kaba mo basta ang hirap ipaliwanag.

"Ok lang ba?"Sabi niya sakin.Ngumiti lang ako sa kanya.Hindi ko kasi alam yung isasagot ko.

Lalong lumakas yung tibok ng puso ko nung hawakan niya yung ulo ko para isandal sa balikat niya.Ayoko na yatang matapos yung sandaling 'to.Pero kasabay ng palabas natapos din yun.

"Nag enjoy kaba"Sabi niya sakin habang nag ddrive siya.

"Oo sobra."Kung alam mo lang Bam ayoko ng matapos to.!Nakaramdam ako ng kalungkutan ng makita ko na yung kanto papasok ng bahay namin.

"Ah salamat ha uhmm goodnight ."Sabi ko sa kanya.

Hindi ako makakilos ng bigla niya kong halikan sa labi.Shit bakit mo ko ginaganito Bam.Bakit hindi ako makatutol sa ginagawa niya.

"Goodnight."Sabi niya saka siya nag smile bago sumakay ng kotse.Ako naman naiwang niyang tulala.Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatayo.

Magdamag akong hindi nakatulog pakiramdam ko nga isang drum na kape yung nainom ko.

School

Hiyawan silang tatlo ng sinabi ko yung nangyare kagabi.

"Oh de kayo na?Si Kylie

"Hindi ko alam".

"Dapat alam mo 'no kailangan may label yan ." Si Carla.

"Ayokong ako yung mauna 'no siya yung lalake eh."

"Kahit na 'no nauna ka ngang manghalik sa kanya mahihiya ka pa".Ang ingay ni Carla haist hindi pa naman alam nila Kylie yun.

"Basta okey na sakin kung ano yung samin."

"Ay hindi pwede yan kailangan na alam mo kung san ka lulugar.

Natigil kami sa pag uusap ng dumating si Maam Pascual pero may kasamang matandang lalake.Matangkad at maputi parang nasa 60 pataas siguro yung edad niya.

"Jowa kaya ni Maam yun?Si Carla.

"Huy may makarinig sayo."Saway ko sa kanya.

Pag pasok ni Ma'am Pascual umalis na din yung matanda.Sino kaya yun isip isip ko muka kasing seryoso yung pinag usapan nila.Nang mag uwian na kami nakita ko ulit yung matanda na naka upo na parang may hinihintay.

"Ah Tay sino po ba yung hinihintay niyo kanina ko pa po kasi kayo nakikita eh."Tanong ko sa kanya.

"Yung anak ko."Sabi lang niya.

"Nakita ko po kasi kayo na kausap niyo si Maam Pascual kanina."Ewan ko ba kung bakit naglakas loob akong kauspin siya.

"Oo Hinahanap ko kasi si Bam kaso wala naman siya."

"Si Bam po?"Pagtataka ko.

"Kilala mo ba yung anak ko."

"Opo kaibigan ko po siya".Sagot ko naman sa kanya.Siya pala yung papa ni Bam.Kaya pala may hawig silang dalawa lalo sa ilong at mata.Kahit matanda na mababakas yung pagkakahawig nila.

"Pwede bang tulungan niyo ko ni Beverly na kausapin siya gusto ko lang kasing humingi ng tawad sa lahat ng pagkakamaling nagawa ko sa kanya at lalo sa mama niya pero mukang ayaw niya kong makita talaga."

"Sige po kakausapin ko din si Maam Pascual.Yun nalang yung sinabi ko hindi ko naman matanong kung ano yung naging kasalanan niya.Gusto ko ring matulungan si Bam alam kong sa kabila ng pag ngiti niya ngayon may tinatago parin siyang galit sa puso niya.

Badboy Meets Playgirl (Completed) TBBC#1Where stories live. Discover now