Chapter 15

25.7K 693 6
                                    


Habang papunta na ko kila Ma'am Pascual lakad hinto ang ginagawa ko.Nagdadalawang isip ako kung tutuloy.Ewan ko ba parang iba yung nararamdaman ko.Sabay na sana kami ni ma'am Pascual kaso maaga siyang umuwi .Nahiya naman ako na mag pa antay sa kanya,Tutal alam ko naman yung lugar nila at ano yung silbi ng google map kung hindi ko gagamitin diba isa pa binigyan din naman niya ko ng sketch at picture ng bahay nila kaya kering keri ko 'to.Madali ko nahanap ang lugar nila kasi naman ang lapit lang sa school at isa pa madalas ako sa 11th avenue. Taga dito din kasi si Kyla at Kylie.Syiempre pinagtanong ko din ang street nila na Meleguas street.

"Ito na siguro 'yun.Habang pinag kukumpara ko ang larawan at yung bahay na nasa harapan ko.Nakakailang doorbell na ko pero wala pa ring lumalabas.Nakatingin ako sa pinto nila.Isang kotse lang ang kasya sa garahe kaya kita ko agad pag may lumabas.Maya maya nakita ko na may lumabas na matanda.

"Ah Manang dito po ba nakatira si Beverly Pascual?"Sabi ko sa kanya.

"Ah Oo hija pasok ka kanina ka pa niya inaantay."Binuksan niya ang gate na itim.May kabagalan siyang kumilos dahil siguro sa katandaan.

"Marvie buti nahanap mo ang bahay namin"

"Ah opo malapit lang po sila Kyla dito kaya alam ko yung lugar.Nilinga linga ko yung bahay nila.Malinis at tahimik sabagay dalawa lang sila dito .Tatlo pala kung dito nakatira yung matanda kanina.Pero parang malaki yata masyado tong bahay para sa kanila.

"Nabili namin 'to ng kapatid ko nung wala pa siyang asawa.Balak ko nga sanang lumipat kami ni Bam masyado kasing malaki yung bahay para sa'ming dalawa."Parang narinig ako ni Ma'am ah .

"Ah dito po kayo lumaki?Maka tanong lang haha.

"Hindi sa Batangas kami sa may Tanauan may bahay din kami don."Eh de kayo na yung may maraming bahay gusto ko sanang sabihin.hehehe.

"Eh bakit hindi nalang po kayo doon nag turo?Tsismosa lang ang peg haha.

"Dati doon ako kaso mula ng magkasakit yung mama ni Bam lumipat ako dito para maalagaan yung kapatid ko."Tumango lang ako.

"Ayaw kasi umuwi ni Bam sa Batangas eh.Oh siya magmiryenda ka muna at pumanik ka na sa itaas sa unang pintuan siya.

"Sige po.Bat kailangan pumanik pa ko pwede naman dito sa baba isip isip ko.

"Dun mo nalang siya turuan ha.Madalang lang kasi bumama yun madalas lang na nakakulong sa kwarto?Teka nakakabasa ba si Maam ng isip bat nasasagot lahat ng sinasabi ko.Napakamot tuloy ako sa ulo.Pagkatapos ko magmiryenta at tsumika tsika pumanik na' ko sa taas.Isang katok,dalawa,tatlo,apat.

"Pasok.Sus kailangan pa talagang apat.Pag bukas ko halatang nagulat si Bam lumaki kasi yung mata niya.Yung gulat niya hindi excitement.Parang gulat na nagulat yun.

"Bakit nandito ka.Wag mo sabihing dumayo ka dito para mag pasalamat."Ayoko yata yung datingan ng pananalita niya.Pero hindi ako nagpaapekto.

"Pinapunta ko ni Ma-- ng tita mo.Pagtatama ko.

"O bakit daw?."Haist nakakatuwa itong kausap walang sense.

"Kasi nga tulungan daw kita na maipasa yung ilang subjects."Tumawa siya..Infairness first time ko siya nakitang tumawa.

"Ikaw?Tutulong sakin.Tumawa ulit sya.Bwisit nato ano kaya yung nakakatawa.Nakita ko nga syang tumawa pero nakakainsulto naman.

"Oo nga ako nga!Sagot ko sa kanya medyo nakakainis kasi mga tawa niya kaya lumakas tuloy yung boses ko.Tumingin lang sya sakin at umalis narinig kong bumaba sya ng hagdanan.Narinig ko na may kinakausap siya sa baba.Naiwan kasing bukas yung pinto.

"Tita bakit siya?pagrereklamo ni Bam.

"Matutulungan ka niya Bam nakiusap lang ako sa kanya.Tumawa na naman si Bam.

"Siya matutulungan ako?"Seriously Tita?Aba akala ko tahimik lang to at may pagka suplado mayabang din pala.

"Nakita ko yung mga grades niya at sa tingin ko kaya ka niyang turuan."O ayan sa tita mo na galing na matalino ko.

"Tita baka nga mas may laman pa nga yung utak ko dun eh.Look at her puro kaartehan at lalake lang ang inaatupag." Teka paki rewind?Parang yan din sinabi ni ma'am Pascual 'non sakin ah.Hmmp mag tita nga sila no doubt.

Unti unti palabo na yung pag uusap nila hanggang sa wala na kong narinig.Kaya bigla akong napatingin sa pinto ng may pumasok.Umupo sya sa kama habang ako naman sa sofa.

"O ano yung maituturo mo sakin.Siguraduhin mo lang na matututo ko sayo.Napatingin lang ako sa kanya.Bwisit na to isip isip ko.

"O ano bilisan mo at aalis pa ko."Ah ako pa pala yung mag aadjust.

"Bakit hindi mo kaya ilabas yung notes mo ng makapagsimula tayo."Nginitian ko sya ng pilit.Saka niya nilabas yung ilang books at notebooks.Tinuro niya kung saan sila nagtapos ng topic.Kaya doon ko siya sinimulang turuan.Halos mag iisang oras na din kami nagtturuan ng magsalita siya.

"Bakit mo 'to ginagawa?"Seryoso yung face niya.

"Nakiusap nga si ma'am Pascual dahil hindi ka raw makapasa.Oh ok na?

Tumawa lang ang gago pero yung tawa na pigil.Ano ba problema niya sa school hindi nagsasalita dito pala mahilig syang tumawa.

"Ano ba yung nakakatawa ha?Hindi na ko nakatiis kaya tinanong ko siya syiempre mataray ang datingan ko.Kaso hindi siya nagsalita nag busy bisihan lang sya.At bumalik yung mukha niyang seryoso.Kaya hindi nalang din ako nag salita maliban lang pag tinuturuan ko siya.

PLEASE LIKE AND FOLLOW...

Badboy Meets Playgirl (Completed) TBBC#1Onde histórias criam vida. Descubra agora