Chapter 26

23.9K 613 5
                                    

PLEASE ALSO READ:

"The Badboy's First Love (OnGOING) TBBC#2"
http://my.w.tt/UiNb/35ZbPULkfx




-

BAM'S POV

Pagpasok ko sa room nakita ko si Marvie na nakaupo sa harapan ano ba yung pwesto ng upuan niya..Natawa tuloy ako kasi nakaharap siya sa tatlong kaibigan niya.Sigurado tungkol sa nangyari yun kahapon.Gusto ko sana siyang ngitian o kahit mag hi hindi ko magawa.Nakatitig kasi yung tatlong kaibigan niya.Nakatingin lang ako sa kanya sa buong klase namin pero hindi man lang siya lumingon.Siguro nagalit yung mga kaibigan niya sa kanya.

"Hi Bam."Bigla kong naibaba yung phone ko.

"Hi! Carla right?

"Korak!Ahmm sama ka samin magmimiryenda kami.

"Ahhhh eehh"Yun lang yung nasabi ko bigla kasi niya kong hinila.

"Taralets."Wala na kong nagawa kung di sumama.Pinakilala niya sakin yung kambal si Kylie at Kyla

Habang kumakain kami sa canteen pansing kong tahimik si Marvie.Sabagay paano ka nga ba makakasingit sa baklang kaibigan niya ang daldal.Pero nakakatuwa siya.

"Bam may girlfriend kaba?Yung Carla.

"Wala.

"Hindi pa nagkaka girlfriend yan.Biglang sagot ni Marvie napangiti nalang ako.

"Ay close sila hanetch!"Tawanan yung tatlo maliban lang aky Marvie.

"Parehas sila ni Marvie na wala pang nagiging jowa.Sabi ng isang babae hindi ko alam kung yung Kyla yun o Kylie .Napatingin ako kay Marvie.Wala pa siyang nagiging boyfriend?Sino yung mga nakakasama niyang lalake?

"Alam mo ba Bam mahilig lang siya makipag date kaso isang beses lang swerte ka pag nakipagdate pa yan ng pangalawa sayo."Narinig yata ako ni Carla sinagot niya kasi yung tanong ko haha.Swerte pala ko kasi madalas ko siya makasama.

"Kaya nga swerte ka kasi madalas kayong magkasama wala pang nakasamang lalake yan ng ganyan katagal.Tawanan ulit silang tatlo.

Bakit parang naririnig ako ng baklang to.

"Hay tama na nga yung topic sakin kumain nalang tayo.Bigla akong napatingin sa kanya.Hindi ko tuloy maiwasang tingnan yung labi niya.Bigla tuloy lumakas yung tibok ng puso ko.Lalo na nung naisip ko yung nangyare nung nasa bahay nila ko.Totoong antok na antok na ko non pero ramdam ko yung pag ayos niya sakin at nilagyan niya ko ng unan.Akala ko kasi alam niya na gising parin ako bigla kasi syang nagsalita ng thank you.Hindi ko alam kung gano katagal nagkadikit yung labi namin pero hindi na ko nakatulog non hanggang pag uwi ko ng bahay iniisip isip ko yung nangyare.Ngayon ko lang naramdaman yung ganito at gusto ko yung nararamdaman ko.

"Uy Bam may caller ka oh.Kinalabit ako ni Carla.

"Calling ... Jon jon

"Excuse me "saka ako lumabas ng cantene.

"Bro gising na si Jenny" Masayang masaya niyang binalita sakin.

"Talaga ba.Salamat naman.

"Pupunta sila Melvin dito mamaya.

"Pagtapos ng klase ko diretso na ko dyan.

"Sige bro may ikkwento rin ako sayo mamaya.

Salamat naman at ok na siya at sana magtuloy tuloy na.Pagtapos naming kumain nagpaalam na ko sa kanila sinabi ko na pupunta ko ng ospital.Dalawang oras kasi yung bakanteng oras ko.

"Bro.Inakap ako ni Melvin."

"Nasan siya"

"Nagpapahinga nasa loob din si Tita.

"Ang sabi ng doctor makakarecover na sya ng tuluyan pati yung baby niya ok na rin.Si Jon jon.

"Talaga Im sure masaya si Roy niyan kung nasaan man siya."Tumulo nalang yung luha ko.Hindi naman nahihiya na makita nila kong umiiyak.Ganito talaga ko alam naman nila yun.

"Saka bro si Zee nakakulong na.

"Bakit sino nagpakulong?

"May nakarelasyon syang may asawa yung kaibigan ni Mama yung humawak humawak ng kaso niya.Police pala yung asawa ng babae ngayon ang sabi sinet up daw si Zee na pinalabas na rape yung nangyare. May cctv kasi na kuha na pinipilit niya yung babae at mga text ng babae na ayaw na niya basta mahabang istorya.

"Tama lang sa kanya yun.Yun nalang ang nasabi ko.

Halos araw araw dinadalaw namin si Jenny.Ang sabi nga niya kukunin niya kaming ninong lahat.Pinasasama din niya si Marvie.Si Jon jon kasi sinabi kay Jenny na may girlfriend na daw ako loko loko talaga yun.Siguro ilang linggo pa si Jenny sa ospital habang nagpapalakas siya pero sigurado ko na makakaligtas na siya sila ng baby niya.

"Oh pano ba yan naka survive ulit tayo san tayo?Si Melvin

"Sagada"Si jon jon

"Dun na tayo dati diba?Sabi ko sa kanya.Kapag kasi may nalampasan kaming pag subok pumupunta kami sa mataas na lugar rock climbing o kaya sasakay sa zipline tapos sisigaw kaming lahat basta pagtapos non gagaan yung pakiramdam mo .At pag cecelebrate din namin yun.Matagal tagal na din namin yun hindi nagagawa mula ng mawala si Roy at ang Mama.

"Hoy ang daya niyo bakit hindi ako kasama."Tawanan kaming lahat.

"Hindi ka pa pwede no at buntis ka kapag malaki na si baby saka ka pwede."Si jon jon

"Ang daya ikaw Bam kailan mo dadalin yung girlfriend mo ha.

"Hindi ko girlfriend yun."

"Naku kilala kita.Bat hindi mo ayain sumama sa inyo."Oo nga no bakit hindi ko naisip yun.Sasama kaya siya?

"Makapagsama din ng chix".Sabi ni Melvin.

"Mula ng makilala kita wala ka pang napakilala puro ka yabang.Sabi ni Jenny habang tumatawa.

"Meron kaya hindi niyo lang kilala no?Yang si Jon jon ang wala dahil hanggang ngayon patay na patay parin yan sayo hahaha.Siraulo talaga tong si Melvin.Nahiya tuloy si Jon jon.Pero totoo naman kasi yon.Kaso natatakot si Jon jon amnligaw at isa pa kaibigan namin si Roy.

"De pano yan Melvin dalawa nalang kayo ni Bam na ninong.?

"Paano ko?Si Jon jon.

"Ikaw yung Daddy ayaw mo?Nagtawanan kaming lahat sigurado tuwang tuwa si Jon jon sa narinig niya.Sabay sabay kaming nag uwian sabi nila ayain ko raw si Marvie na sumama.

Badboy Meets Playgirl (Completed) TBBC#1Where stories live. Discover now