05 -The Abductor-

2.4K 62 11
                                    

Kabanata Lima

The Abductor

 "WHAT are you staring at, Khryzzanne? Baka matunaw na ang kagwapuhan ko niyan."

Halos mabitiwan niya ang kutsara at tinidor na hawak pero mas maganda siguro na saksakin na ito ng breadknife.

Tinitigan niya ang estranghero. Hindi pa rin niya alam ang pangalan nito at wala siyang balak na alamin. Tutal aalis din naman siya ngayon anuman ang mangyari, hindi na niya kailangan pang malaman. Natitiyak niyang hindi na niya ito muling makikita.

"Staring isn't nice."

Staring isn't nice, huh? Ano'ng tawag nito sa paghalik at pagkulong sa kanya? Super nice?

Paano nito nalamang nakakatitig siya gayong may dyaryong nakaharang sa mukha nito?

"Eat your food, masamang nagsasayang ng pagkain."

"Nagsalita ang gumawa ng maganda," bulong niya at umismid. Ituturo ba nito ang good deeds at bad deeds?

"Anong sinabi mo?"

"Wala kang paki," singhal niya.

Kung pinakakawalan na lang siya nito, eh, 'di walang problema.

"Pakawalan mo na ako. Hindi naman kita kilala, wala naman akong atraso sa iyo. Wala akong makitang dahilan para dalhin mo ako rito," protesta niya.

Kung nasa labas siguro siya, baka nakahanap na siya ng matinong abogado.

Letseng abductor! Umeksena pa! Kapag nakalabas siya, isa ito sa ipapakulong niya.

"Freedom isn't yet an option, Khryzzanne."

Lumaglag ang kanyang panga. Hindi niya mawari kung dahil iyon sa narinig o sa pag-flex ng muscles nito sa braso nang ilapag ang diyaryo.

Mabilis niyang ibinaba ang tingin. Tinitigan na lamang niya ang pagkain na wala siyang balak kainin. Baka nilagyan nito ng kung ano'ng lason o pampatulog. Rape-in pa siya.

"Your only way out is to collaborate with me."

"Na-ah! Bakit naman ako makikipagcollaborate sa iyo? Masama kang tao. Baka kung ano pang ipagawa mo sa akin na hindi maganda."

Hindi! Hinding-hindi niya gagawin ang gusto nito. Kung anuman iyong collaboration na sinasabi nito, Manigas siya! Gawin niya mag-isa.

"I'm not the bad guy here, Khryzzanne."

No! You're not a bad guy, that's an understatement. You're a demon!

"And I'm actually doing you a favor."

Ano?! Nanlaki ang mata ni Kisses. Inulit niya sa isipan ang narinig. Favor? Was he a freaking psycho? Favor na pala ngayon ang makidnap.

"Ha-ha-ha!" sarkastiko ang halakhak na kumawala sa kanyang bibig.

"I'm not kidding, Khryzzanne."

Nahinto siya sa pagtawa. Darn him!

"I really did you a favor, if not for me, malamang natagpuan ka na nila."

"WHAT!?!" kulang na lang siguro ay malaking question mark sa noo niya.

Naramdaman niyang muli ang mga dagang naghahabulan sa kanyang dibdib nang mabatid ang seryoso nitong ekspresiyon. Wala man lang bahid ng panunuya o panggogood-time ang guwapo nitong mukha.

Nanghina siya. Kusang sumandig ang kanyang likod sa backrest.

"They are looking for you Khryzzanne Kylie Constantino," binigyang diin nito ang kanyang pangalan. "They will never stop until they find you."

Namutla si Kisses, tinakasan ng dugo ang kanyang mukha.

Hinahanap ba siya ng mga Agustin? Hinahanap ba siya ni Pierre?

Pumikit siya nang mariin. Pilit niyang inaalis ang mukha ni Pierre sa utak niya. Hindi! Hindi niya ako hinahanap! Hindi niya ako makikita. Hindi niya ako mapipilit na gawin ang gusto niya.

"Your only way to have your freedom and to save yourself from this mess is to cooperate with me."

Tumayo ang lalaki. Kahit may gumugulo sa isipan ni Kisses ay hindi nakatakas sa mga mata niya ang pag-flex ng muscles sa braso nito.

"Eat your breakfast. We'll talk later."

Pinagmasdan lang ni Kisses ang papapalayo nitong pigura.

"Hello, Mara..." anito sa cell phone na dinukot mula sa bulsa. Lumabas ito ng silid at tuluyan nang nawala sa kanyang paningin.

Captivated By Your KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon