15 -The Broken-

1.6K 51 1
                                    

GALIT na galit ang itim na mga matang nakatutok kay Kisses. Salubong ang kilay at isang deretsong guhit lamang ang mga labi. Mukha itong manlalapa ng buhay.

Unti-unti ay humakbang ito palapit. Maingay ang bawat yabag ng mga paa.

Ngumisi ito nang marating ang puwesto niya. Kumislap ang mga mata, umabot doon ang makahulugang ngiti— ngiting mukhang may binabalak na masama.

Bumilis ang tibok ng puso niya. Tinangka niyang umatras ngunit wala pala siyang aatrasan.

Maghipit nitong hinawakan ang kanyang braso, pumiksi siya ngunit hindi nakawala. Dahan-dahan nitong inilapit ang mukha sa kanya hanggang sa gahibla na lamang ang layo nila sa isa't-isa, bumaling siya sa ibang direksiyon. Bumulong ito sa gilid ng kanyang tainga, gumapang ang kilabot sa bawat linya ng kanyang ugat.

"You're mine."

***

"NO!" sigaw ni Kisses kasabay ng pagmulat ng kanyang mga mata. Napapitlag siya nang biglang pumasok ang isang lalaki. Agad nitong dinaluhan ng nanginginig niyang katawan ngunit itinulak niya lamang ito.

"No, bitiwan mo ako, huwag kang lalapit sa akin," paulit-ulit niyang sumamo nang tangka nitong hawakan ang kanyang pisngi. Muli siyang pumikit, ayaw niya itong makita.

"Khryzzanne, listen. It's me. You're safe here, okay?"

"Gian?" singhap niya. Namungay ang kanyang mga mata at dumaloy ang luha.

Naradaman na lamang niya ang braso nitong yakap ang kanyang baywang. Inalalayan siyang tumayo at iginaya patungo sa kama.

Dahan-dahan siyang umupo. Nanatiling nakatayo si Gian. Hindi niya mabasa ang mukha ng binata, nanlalabo na rin ang kanyang paningin dahil sa kaiiyak.

"Did I push you too hard?"

Umiling siya. Tumango lang ito ngunit tiyak na hindi ito kumbinsido.

"Don't push yourself, okay?" Iniluhod ni Gian ang isang tuhod upang pumantay sa kanyang lebel. "Khryzzanne, look at me. As long as you're here with me, no one can harm you. I'll have to die before you get a single scratch."

Muli siyang umiling. May bahagi ng isip niya na ayaw paniwalaan ang mga narinig... ngunit may bahagi ring nais pagkatiwalaan si Gian.

Hindi niya pinakinggan ang huli.

Tumayo si Gian. "I know it's hard. I'll wait, Khryzzanne. Come to me if you want to talk about it," kalkulado nitong pahayag.

Sinundan ng kanyang mga mata ang papalayo nitong pigura hanggang sa sumara ang pinto at mag-isa na naman siya.

Ibinagsak niya ang katawan sa kama at sinubukang matulog ngunit sa bawat pagpikit ay ang parehong larawan ang nakikita niya.

Dali-dali siyang tumayo at lumabas ng silid. Hindi niya kayang mapag-isa ngayon. Tila may sariling utak ang kanyang mga paa na tumakbo patungo sa silid ni Gian.

Tinitigan niya ang pinto. Nagtatalo ang dalawang bahagi ng kanyang sarili. Kakatok ba siya o babalik na lamang sa kanyang silid?

Ayaw niyang bumalik.

Hinipan niya ang buhok na tumabing sa kanyang mukha. Humakbang siya upang lalo pang lumapit sa pinto nang may kamay na humawak sa seradura.

Nag-angat siya ng tingin at sinalubong ang mapanuring mga mata ni Gian. Naghuramentado ang kanyang dibdib.

Kinagat niya ang ibabang labi at nilunok ang natitira niyang lakas ng loob.

"Can you stay with me?" nabubuhol ang dila niyang tanong at kaagad na nag-iwas ng tingin.

Captivated By Your KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon