06 -The Favor-

2.3K 66 12
                                    

NAGPAGULONG-GULONG si Kisses sa kama. Iniisip niya kung ano'ng ibig nitong sabihin. Bakit kailangan niyang makipagtulungan?

Nakakasakit ng utak mag-isip. Malaki ang posibilidad na ang mga Agustin ang naghahanap sa kanya.

Kumusta na kaya si Diane? Nag-aalala na siya. Baka kung anong gawin ng walanghiyang pamilya sa best friend niya. Posibleng protektahan ito ni Blake bagaman aso't pusa ang mga ito. But Blake against his father and his devil for a brother is never a good match.

Tatlong sunod-sunod na katok ang narinig niya. Marahil ay ang abductor iyon dahil sila lamang ang naroon sa malaking bahay.

Pumasok ang isang magandang babae. Mahaba at kulot ang dulo ng auburn nitong buhok. Nakasuot ito ng simpleng jeans at blouse pero nang maglakad ay may class pa rin.

"Gian asked me to look after you while he's out. God! Ginawa pa akong babysitter." Umirap ito saka lumabas ng silid.

Bumangon si Kisses at sumunod.

Wala ang abductor. Maaari na siyang tumakas!

Natagpuan niya ang babae sa salas, nakaupo sa itim na couch. Simple lamang ang disenyo niyon, mayroon lamang lamesita sa gitna na may nakapatong na vase na mayroong tuyong bulaklak. Sa gilid ng couch ay isang side table at parang nakataob na frame.

Dumeretso siya sa puwesto ng frame.

"Don't touch that. Don't touch anything. Kabilin-bilinan ni Gian na bantayan ka," anito sa ma-awtoridad na tinig saka umirap.

"Gian?"

Itinaas nito ang isang kilay at pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa.

Ginantihan ito ni Kisses ng irap at masamang tingin.

"Yeah, Gian. My goodness! Is he freaking mad? Hindi ako pinanganak na maganda para maging bantay lang."

"Hindi mo naman kailangan na bantayan pa ako. I can manage."

"Who are you kidding, Miss? Siguradong tatakas ka. And you can't do that or better say, you shall not do that. It's better if you're here. Trust me."

"Bakit naman kita pagkakatiwalaan? Ni hindi nga kita kilala. Paano ko magagawang magtiwala sa iyo samantalang kasabwat ka ng abductor na iyon?"

"He didn't abduct you for nothing," makahulugan nitong sabi.

Umiling si Kisses. Bumangon ang iritasiyon sa kanyang dibdib. Nagmartsa siya paalis ng living room. Iniwan niya ang babae. Wala siyang mapapala.

"Where are you going?"

"Hindi rin naman ako makakatakas, bakit ko pa aaksayahin ang oras ko sa pakikipag-usap sa iyo? Matutulog na lamang ako."

Muli itong umirap. Nangunot ang noo ni Kisses at inalis ang tingin sa babae. Baka kung ano pang magawa niya.

Iginala niya ang paningin habang inaaakyat ang hagdan. Kulay cream ang pintura ng bawat dingding. Wala man lang kahit ano'ng dekorasiyon. Walang frames. Walang vase maliban lamang sa nandoon sa baba kanina. Malungkot ang paligid. Malamlam at parang walang buhay.

Ipinagpatuloy niya ang paglalakad hanggang sa napadpad sa tapat ng isang pinto na kaiba sa lahat. Lahat ng pintong nadaanan niya ay kulay puti ngunit ang isang iyon ay mayroong disenyo ng kulay pink na bulaklak. Nakaguhit iyon sa pintuan.

Tinitigan niya iyon at iniisip kung ano'ng mayroon sa kabilang panig.

Kanino kayang kuwarto ito? Kay Gian kaya? Hindi kaya may itinatago iyong kabadingan? At gusto niyang maki-pagcollaborate sa akin para itago iyon.

Napa-iling siya sa biglang naging takbo ng isipan.

Nagpatuloy siya sa paghakbang ngunit nanaig ang curiousity.

Nilingon niya si Mara ngunit mukhang busy ito sa hawak na cell phone.

Huminga siya nang malalim. Pigil hiningang hinawakan ang seradura niyong pinto. Dama niya ang malamig na bakal sa kanyang mga palad. Mabilis ang pintig ng kanyang dibdib nang subukan niyang pihitin iyon.

Mukha siyang magnanakaw sa ginagawa.

"Who gave you the authority to open that door?"

Captivated By Your KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon