16 -The Doubt-

1.7K 49 2
                                    

"Aminin mo nga sa akin, bakit mo ba ito ginagawa?" Hindi na niya mabilang kung ilang beses niya tinanong si Gian. "Matagal mo nang nakuha ang gusto mo pero nandito pa rin ako. Totoo ba ang concern na pinakita mo sa akin? Totoo bang gusto mo akong iligtas o palabas lang ang lahat ng iyon dahil may gusto kang makuha?"

Ngayon ay hindi na niya maiwasang magduda.

Hindi sila magkakilala. Wala naman itong sapat na dahilan para itago siya at protektahan laban kay Pierre. Maliban na lang kung may balak itong masama sa kanya.

Muling gumuhit sa kanyang utak ang narinig noong nagdaang gabi.

Gian was a killer. He's just like Pierre.

Umatras siya nang gumapang ang takot sa kanyang dibdib. Ang tiwalang nabuo kanina ay kaagad ding naglaho.

"Pierre has done more than you can imagine. You want to know why you're still here? I need you to help me get him."

Mapakla ang kanyang halakhak. "Ipinagmamalaki mo na ligtas ako rito pero ipapain mo lang pala ako. Ipagkakanulo mo ako sa demonyo. Damn, Gian! Hindi ko mahanap ang sinasabi mong safety dito," akusa niya. Habang dumaraan ang bawat segundo ay mas tumitindi ang kanyang pagdududa.

"Hinahanap ka na ni Pierre mula nang tumakbo ka," banta nito. Natigilan siya ngunit hindi nagpahalata. "Blake told me that he's gone crazier this time."

"Alam ba ni Blake na nandito ako?"

Umiling si Gian. "No, walang iba pang nakaka-alam maliban na lang sa akin at kay Mara."

"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin ang plano mo? All this time, you're just making a fool out of me!" sigaw niya.

"Makikipagtulungan ka ba kaagad kung sakaling nalaman mo na ang lahat ng ito ay may kinalaman kay Pierre?" Umangat ang sulok ng labi ni Gian.

Umiling siya. May punto ito. Marinig pa lamang niya ang pangalang iyon ay gusto na lamang niyang tumakbo. Ano pa kaya kung pag-uusapan pa?

"See." Pumalatak ito. "You won't. You just want to run away like you did that night. Gusto mo lang takbuhan ang lahat ng problema mo. Khryzzanne, you need to remember what he is to you, what you've been through. You have to realize that everything that is going on right now, that is going to happen will be worth it. Soon enough, you'll have what you want."

Tumango siya. Fair point well made.

Pero hindi niyon naalis ang pagdududa niya masamang damo ang binata. Kailangan niyang doblehin ang kanyang pag-iingat.

"Go to sleep, Khryzzanne. You need to rest. This has been a long day." Lumabas na ito ng silid.

Bumagsak si Kisses sa kama at nakipagtitigan sa kisame.

Inalala niya ang lahat ng pangyayari sa buong araw. To her surprise, huminto na ang mga mata niya sa pag-iyak.

"Ganoon ba talaga iyon kapag sobrang pagod ka na? Lahat ng bahagi ng sistema mo ay bibigay na rin. Maging ang mga luha ay naubos na. Napagod na rin ang mga mata sa pag-iyak," usal niya.


TIRIK na ang araw nang magising si Kisses. Sa sobrang pagod ay hindi niya namalayan na nakatulog siya. Naubos ang kanyang enerhiya sa pagtawid sa memory lane. Hindi niya akalain na makakaya niyang bumalik doon.

Tinungo niya ang kusina nang kumalam ang kanyang sikmura. Natagpuan niya roon si Gian na nagkakape habang nagbabasa ng libro.

Dinampot niya ang tinapay sa mesa at umupo sa tapat nito. Mataman niya itong pinagmasdan habang nginunguya ang tinapay.

He looked like he hadn't shaved for days. May maiitim na gatla sa ilalim ng mga mata nito. Marahil ay dala ng puyat. This whole damn Pierre case was taking most of his time.

Bigla ay naalala niya si Blake.

"Alam ba ni Blake ang tungkol sa kaso?" tanong niya bago pa napigilan ang sarili.

Nag-angat si Gian ng seryosong tingin mula sa binabasa.

"Yes."

Suminghap siya nang walang pag-aalinlangan ang sagot na nakuha.

"Kumusta siya?"

Nangunot ang noo ni Gian. "He's fine. He's dealing with it. He's a Hawk. He knows what he's facing."

"Okay," aniya sa kawalan ng itutugon.

Sana ay okay lang si Blake ngayon. Sana ay hindi ito inaaway ni Diane.

Diane?

Nakagat niya ang ibabang labi.

"What is it?"

"Huh?"

"You're biting your lip..." anito at agad na umiwas ng tingin. "You're only doing that when you're about to say something." Ibinalik nito ang paningin sa libro.

Lumaglag ang kanyang panga kasabay ng pag-iinit ng kanyang pisngi. Ganoon ba ito ka-observant na kahit ang maliit na detalyeng iyon ay napansin nito?

"Puwede mo ba'ng tawagan si Blake? Gusto ko sanang maka-usap ang kaibigan kong si Diane."

Kaagad itong nag-angat ng tingin. Madilim ang mga matang ibinato sa kanya.

"Alam mo ang sagot sa tanong na iyan," matigas nitong tugon.

"Kahit marinig ko lang ang boses niya. Gusto ko lang masiguro na okay siya. Na okay silang lahat."

Umiling pa rin si Gian. "You know the risk."

"Pero—"

"No more buts, Khryzzanne," Pinal nitong sagot. "Gusto mo ba'ng matunton ka nina Pierre at Rodolfo?"

Umiling si Kisses. Mukhang talo na siya.

"Poprotektahan mo naman ako kung sakaling matunton niya ako, 'di ba?"

Nakagat ni Kisses ang traydor niyang bibig. Batid niyang natigilan si Gian sa naging tugon niya. Lumagapak ang hawak nitong aklat sa mesa.

Naglakbay ang mainit na pakiramdam sa buo niyang sistema.

Hinagod ni Gian ng tingin ang kanyang mukha. Yumuko si Kisses sa kahihiyan. Saan niya ba napulot iyon?

Kagabi lang ay puno siya ng pagdududa. Ngayon naman ay gusto niyang protektahan siya ni Gian. Masiyado yata siyang nagpadala sa pangako nitong ligtas siya hangga't nasa poder ng binata.

"Yes, of course," anito at tumikhim pagkatapos ay dinampot ang aklat.

Kumalabog ang puso ni Kisses.

Captivated By Your KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon