27 -The Race-

1.4K 49 3
                                    

BANG!

Bumalikwas si Kisses. Sunod-sunod ang putok ng baril. At first she thought she was just having a bad dream. Images of Gian with blood dripping down his body swirled in her mind. Fear crept through her.

But... reality took over when the door slammed open... and it's worse.

Hindi niya napagmasdang mabuti ang mukha ni Gian, ang tanging nakikita niya ay ang lalim ng mga mata nito.

Kumalabog ang puso niya.

"We need to get out of here."

BANG!

"Come on, we're under attack!" hinatak siya ni Gian.

Sunod-sunod ang putok ng baril. Tuliro ang kanyang isipan. Hindi niya mapropreso ang nangyayari. Isa lang ang sigurado siya, kailangan nilang makaalis.

"We exit through the garden."

"Paano?" Walang gate doon at sobrang taas ng bakod. Hindi niya iyon kayang akyatin. Sinubukan niyang mag-focus pero hinihila siya ng kaba.

Nagpatuloy sila sa pagtakbo. Nang nasa labas na ay inabot ni Gian ang cell phone. "Keep watch."

Nanginginig ang kanyang mga daliri. Tinitigan niya ang telepono. Mayroong anim na parisukat, bawat isa ay nagpapakita ng video.

Nakita niya sa screen ang pagdukot ni Gian ng susi mula sa bulsa ng suot na pantalon. Hinawi nito ang mga halaman sa bakod.

Another loud bang!

Nanlaki ang kanyang mga mata, sa ikatlong frame ay nakita niya ang pagbukas ng pinto ng bahay at ang pagpasok ng tatlong armadong lalaki.

"Gian, hurry! They're coming!" lalo pa siyang nagpanic.

Muling hinatak ni Gian ang braso niya, itinulak siya sa isang maliit na gate. Naka-squat na lumusot sila roon.

Kailan pa nagkaroon ng gate doon? Halos dalawang buwan na ang lumipas, nalibot na niya ang buong bahay pero hindi niya namalayan na may pinto roon?

She stared at the gate in awe.

"Khryzzanne... there's something you need to know."

"Ano iyon?" bumalik ang kanyang ulirat.

Bago pa sumagot si Gian, narinig nila ang yabag ng mga paa.

"I'll tell you later. First, we need to get out of here."

Panay ang kalabog ng puso ni Kisses habang tumatakbo. Hindi niya alam kung saan sila patungo, kung sino ang mga taong bigla na lamang sumugod sa bahay. Sobrang dilim ng paligid, malalim na ang gabi.

"Kailangan nating pumunta sa headquarters."

"Pero ang layo niyon."

"Iyon lang ang ligtas na lugar. I locked the gate but they'll surely figure how to break out soon... Promise me, Khryzzanne, whatever happens, you'll trust me. I'll protect you."

"Of course, I trust you!"

She trusted him. Totoo iyon. Ilang beses siyang nakipagtalo sa sarili kung dapat niya bang pagkatiwalaan si Gian o hindi. She barely knew him. She had no idea what's running on his mind, she didn't know what he's capable of.

Pero nakita niya itong mahina. Nakita niya itong malungkot. It's like he bared his soul to her... alam niyang dapat niya itong paniwalaan.

Nahinto si Kisses sa pag-iisip nang biglang pumreno ang itim na Mitsubishi Lancer sa harap nila. Kumalabog ang kanyang puso. Nahabol na ba sila ng mga kaaway?

Captivated By Your KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon