30 -The Interrogation-

1.6K 40 3
                                    

"MAMA!"

Nangunot ang noo ni Krystal nang buksan nito ang pinto. Tumakbo si Elixir upang salubungin si Kisses.

"Eli, she's not your Mama!"

Hindi nakinig ang bata, bagkus ay niyakap nito ang binti ni Kisses.

Umirap si Krystal. "Why did I tell him that you'll be his Mama?"

Natigilan si Kisses, hindi alam kung anong dapat na reaksiyon.

"Mama Kiss, play?" hinatak ni Elixir ang laylayan ng kanyang t-shirt. Nag-squat siya upang pumantay sa bata.

Nagbabanta ang tingin ni Krystal. Ngayon niya nabatid na kawangis nito ang kapatid, lalo na kapag nakakunot ang noo nito.

"We need to talk, Kisses," anito.

"Come here, Eli," ani Ellerie. Kinarga nito si Elixir pagkatapos ay tinanguan si Kisses.

Bahagya niyang nginitian ang babaeng Black Hawk bago lumabas upang sundan si Krystal.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" deretsahang tanong ni Krystal.

"It's not for me to say," dahilan niya.

Tumaas ang kanang kilay ng kausap. "Our lives are in danger because of you."

Nahigit ni Kisses ang kanyang hininga, panay ang kanyang iling, tila may pumiga sa kanyang puso.

"Hindi ko ginusto ang mga nangyari. I'm sorry."

"Yeah, right," sarkastiko nitong pahayag saka umirap. "Why did I even believe that you're living with Kuya Gian because you're just a confused teenager who ran away from home?"

"Because that's true, naglayas ako."

"Don't you have other place to go? Friends?"

Iling ulit ang kanyang tugon pagkatapos ay ipinaliwanag ang lahat ng nalalaman. Mula sa kung paano nagkrus ang landas nila ni Gian, kung bakit siya dinakip at hinayaan manatili sa bahay hanggang sa insidente nang nagdaang gabi. Ngunit may mga impormasiyong hindi niya sinabi tulad ng pangako ni Gian na poprotektahan siya at ang mga halik nito.

"Why didn't he tell me about the Black Hawk thingy?"

"Para protektahan ka at ang pamilya ninyo. Isa pa, parte iyon ng sinumpaan nila, wala dapat maka-alam. I lived my whole life with a Hawk, kung hindi dahil sa gusot na ito ay hindi ko pa malalaman na ang foster brother ko ay hindi lang pala pagpaparty ang inaatupag."

Sumimangot siya nang maalala si Blake. Patay na si Rodolfo at nakakulong si Pierre, kumusta na kaya ito?

"I'm his sister. He's not supposed to keep this matter from me," anitong hindi itinago ang iritasiyon.

"Just trust your brother."

"I still don't understand. He could just turn you over to Black Hawks. Bakit siya kumilos mag-isa?"

Umiling si Kisses. Hindi niya rin alam ang sagot. May bahagi ng isip niya na umaasang gusto siyang protektahan ni Gian hindi dahil sa sinumpaang tungkulin. Gusto niyang isipin na kusang loob ang lahat ng iyon— ngunit ayaw niyang mag-assume.

"In love ba sa iyo ang kapatid ko? Alam mo ba kung gaano kaimportante ang bahay na iyon? It's Kuya's gift to Dessa. He wouldn't just let anybody stay there. You must be something," eksaherada nitong tanong.

Umiling si Kisses at sumimangot. Imposibleng in love si Gian sa kanya.

"Ladies?" ani Ellerie na lumapit sa kanila habang karga si Elixir.

Captivated By Your KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon