11- The Mess-

1.6K 43 4
                                    

"GI—"

Kumalabog ang puso niya. Hindi mahanap ni Kisses ang sariling boses, tila may malaking bagay na bumara sa kanyang lalamunan.

Nagpabalik-balik ang tingin ni Gian sa brush at sa canvass sa gilid niya. Ang madilim na nitong mga mata ay lalo pang dumilim. Walang sinabi ang itim ng mga mata ni Gian kaninang umaga kumpara sa ngayon.

"I told you to behave yourself, didn't I?"

Unti-unti ay humakbang ito. Bawat hakbang ng binata ay katumbas ng pag-atras ni Kisses ngunit kaagad siyang natalo nang lumapat ang kanyang likod sa cabinet. Halos matabig niya ang tripod na sumusuporta sa canvass.

"Are you really underestimating me, Khryzzanne?" tuya nito. Mahigpit nitong hinawakan ang kanyang braso at hinatak siya palapit. Sobrang higpit na tingin niya ay magkakapasa iyon anumang oras.

"Bitiwan—"

Naglaho ang mga salita nang takpan nito ang kanyang bibig.

"Or do you want me to tie you again at the bedpost so you won't cause anymore disaster?" pagbabanta nito na hindi inaalis ang nakasisindak na titig.

Ngayong ganoon kalapit si Gian ay lalo niyang naramdaman ang kaba. She thought she already saw the worst in him the night that he abducted her. She was wrong. So damn wrong.

"Put every damn thing back to where they used to be," anito at marahas na bumitiw. Malakas na lumagapak ang likod niya sa cabinet. Tinabig ni Gian ang stand, bumagsak ang canvass sa sahig, hindi pa man tapos ang larawang ginawa ay nasira na iyon.

"When I get back, I want everything back to normal," dagdag nito bago tinungo ang pinto.

"Normal? Ang lungkot nitong bahay mo tapos normal?"

Ngayong malayo na si Gian ay muli niyang natagpuan ang kanyang boses.

Nanginginig pa rin ang bawat himaymay ng kanyang sistema ngunit hindi nito dapat malaman na nagawa nitong sindakin siya. Mahigpit niyang itinukod ang isang palad sa ibabaw ng kabinet upang kumuha ng suporta.

"This is my fucking kind of normal, Khryzzanne. You don't have a shit to do with it," binalibag nito ang pinto.

Sapo ni Kisses ang kanyang dibdib habang habol ang hininga.

Hindi niya maintindihan kung bakit napakadali siyang naigupo ng mga titig ni Gian. It was just a damn stare but she felt helpless and hopeless like a scared cat under his eyes.

Hinintay niyang maging banayad ang kanyang paghinga saka tumindig nang maayos. Iginala niya ang aking paningin. Palagay niya ay wala naman siyang ginawang mali.

Ano ba'ng ikinagagalit ni Gian? Bakit hindi na lang ito magpasalamat na nilinis niya ang bahay? Kulang na nga lang ay maging haunted library ang silid dahil sa dami ng agiw at alikabok.

Muling bumukas ang pinto. Pumasok si Gian at hindi pa rin nagbabago ang ekspresiyon sa mukha nito. Kinalma niya ang nagsisimula na namang maghabulang mga daga sa kanyang dibdib. Inilapag nito ang mga painting sa mesa at binato siya ng nanlilisik na tingin.

"I gave you home, Khryzzanne. I gave you the opportunity to clean your name yet this is what you are doing."

Nanigas si Kisses sa kanyang puwesto nang marinig ang malamig na boses.

"Don't. Mess. With. Me.".

Hindi siya nakasagot. Pinagmasdan lamang niya ang mabilis nitong pagsulyap sa mga frame at ang pagguhit ng blankong ekspresiyon sa mga mata. Pagkatapos ay mabilis na ibinalik sa kanya ang atensiyon.

"This will be the last time, Khryzzanne," anito bago tuluyang umalis.

HINDI siya makatulog. Malalim na ang gabi ngunit gising na gising pa rin ang kanyang diwa. Hindi mawala sa isipan niya ang mga mata ni Gian. Kahit sa pagpikit ay nakikita niya iyon.

Inis na bumangon si Kisses. Hindi niya maintindihan ang sarili. Hindi niya maipaliwanag kung bakit siya apektado. Hindi niya alam kung bakit niya iniisip si Gian. Kung anong posibleng nangyari sa binata kaya galit na galit ito sa paintings, kung bakit ang lungkot-lungkot ng bahay.

"Normal? Ang lungkot nitong bahay mo tapos normal?"

"This is my fucking kind of normal, Khryzzanne."

Umiling siya at pinalis ang alaalang iyon sa kanyang isipan. He was— no— is lonely. Lonely is his kind of normal.

Tinapik-tapik niya ang kanyang noo, kailangan niyang alisin iyon sa kanyang isipan. Wala naman siyang pakialam kay Gian. Ang dapat niyang iniisip ay kung paano makakaalis.

Iyon naman ang gusto niya, di ba? Ang makalaya.

Lumabas siya ng silid. Tahimik ang buong bahay, as usual. Hindi niya alam kung nakabalik na si Gian mula sa kung saang lupalop man ito nagtungo pagkatapos ng insidente sa library.

She silently cursed, nagkamali siya ng hakbang habang pababa sa hagdan. Madilim ang paligid kaya't wala siyang maaninag. Lumipad din ang kanyang isipan.

Nagtungo na lamang siya sa kusina. Umiinom siya ng tubig nang makarinig nang malakas na kalabog. Sa sobrang gulat ay nabitiwan niya ang baso. Umagos ang malamig na tubig sa kanyang paa, plastik ang baso kaya't hindi nabasag.

Tiniklop niya ang mga tuhod upang pulutin ang baso nang muling dumagundong ang ingay. Malakas ang bawat lagabog, tila may mga mabibigat na bagay na hinahagis sa dingding at sa sahig.

Dali-dali siyang umakyat patungo sa second floor.

Habang papalapit sa kuwarto ni Gian ay mas lumalakas ang ingay. Suminghap siya nang idikit ang kanyang tainga sa pinto ng silid.

Sa kabila ng malakas na ingay ay dinig niya ang mga ungol at daing.

"No! Don't! No!" Nahihingal ang boses ni Gian.

Gian?

Natutop ang kanyang labi. Pinakinggan niya lamang ang pauulit-ulit nitong pagbigkas ng parehong salita.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata at nanginginig pa ang kalamnan nang isandal niya ang likod sa dingding.

"What mess had I put myself into?" bulong niya sa sarili.

Nahigit niya ang hininga nang nawala ang ingay. Dumausdos siya sa dingding at tila tinakasan ng lakas sa sunod na narinig.

Captivated By Your KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon