29 -The Answers-

1.6K 46 3
                                    

"LIAR!"

Sumigaw si Kisses nang makitang nakasunod si Gian. Kanina ay tumakbo siya nang hindi na niya nakayanan ang bigat ng kanyang nararamdaman.

"I'm sorry, Baby. Bumalik na tayo roon."

"Tigilan mo ako, Aguirre."

Binilisan niya pang lalo ang mga hakbang at hinayaan ang pagragasa ng luha.

Wala siyang pakialam kahit pinagtitinginan na sila ng mga tao. Karamihan sa mga nakasalubong niya ay pawang nakasuot ng itim na v-neck shirt. Mga miyembro ba ng kulto— kulto ng mga sinungaling?

Naiinis pa rin siya kay Gian. Sa lahat naman ng ililihim nito, bakit naman ang impormasiyong iyon? Kung kailan handa na siyang pagkatiwalaan ang binata nang buong puso ay saka naman nito sinira ang tiwala niya.

Hindi na siya sinundan pa ni Gian, hindi niya alam kung matutuwa ba siya o lalong maiinis!

Sinubukan niyang alalahanin ang daan pabalik sa Mahogany III ngunit hindi nagtagumpay. Frustrated, ipinadyak niya ang mga paa at pinigilan ang sarili na sumigaw. Bloody Gian and his bloody lies and secrets!

Walang tiyak na direksiyon na nagpatuloy siya. Bahala na kung saan man siya dalhin ng mga paa. Isang malawak na compound ang The Nest, ngayong maliwanag na ay kitang-kita ang ganda niyon.

Maraming puno ng calachuchi na pawang hitik sa bulaklak, at ang lupa ay natabunan ng carabao grass. May mga azalea sa pathway. Derederetso lang siyang naglakad sa kabila ng sangang-daan. Kahit paano ay huminto ang luha.

Napadpad siya sa isang maliit na establisyemento. May mga mesa sa labas. Nagpasiya siyang umupo na lamang doon... at magpalipas ng oras at sama ng loob.

"Coffee?" wika ng lalaking lumapit sa kanya. Hindi na siya nagtaka na itim ang damit nito. Mayroon din itong pulang cap.

Umiling si Kisses, iniwan siya ng lalaki.

Nasa malalim siyang pag-iisip nang may umupo sa mesa sa kanyang tapat na dalawang lalaki.

"Anong nangyari kay Owl? Pinatawag siya ni Chief."

"Scolded to death, I guess. Sinabihan na si Gian na magpahinga— he knew his life is in total danger, mabigat na kalaban ang pamilya ni Raven kaya't pinag-lie low muna si Gian."

"You know him, matigas ang bungo," kibit-balikat nito. "He broke the rules by keeping her in the first place."

"He won't give up even with the Agustins already in custody and the case almost solved, hindi pa rin siya hihinto. He wants the girl to be safe like one hundred percent safe," iling naman ng isa.

Kumalampag nang malakas ang puso ni Kisses. Laglag ang kanyang panga habang pinapakinggan ang palitan ng salita.

"Narito ang ama ni Constantino, Aguirre demanded that he'd be well guarded and protected."

Muling bumagsak ang luha. Pinagsiksikan niya sa sarili na mali siya nang pinagkatiwalaan si Gian. Ngunit dahil sa mga narinig ay parang nalusaw ang itinanim niyang galit at pagdududa.

Kailangan niyang puntahan si Gian. Walang magagawa ang pagmamaktol niya.

Ginagawa nito ang lahat para protektahan siya. Ilang beses nang nalagay sa peligro ang buhay nito dahil sa kanya, hindi makatutulong kung ganoon pa ang kilos niya.

SA WAKAS ay nahanap na niya ang daan. Naghihintay si Gian sa kanto ng Mahogany St, nakasandal ito sa kulay berdeng poste habang nakayuko at nakahalukipkip. He looked tired and pale. Dahan-dahan siyang lumapit. Mabigat ang bawat hakbang.

Captivated By Your KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon