14- The Start -

1.5K 45 6
                                    

"I SHOULDN'T trust him!" ani Kisses habang nginunguya ang sandwich na natagpuan sa kusina. Ayon kay Gian, puwede niya iyong kainin.

"Mamamatay tao siya!"

Isinalampak niya ang mukha sa mesa at bumuntong hininga.

Hindi niya kayang pagkatiwalaan si Gian sa kabila ng paninindigan nito na ang ginagawa ay para sa kaligtasan niya.

"Have I done something terrible in my past life that I ended this fucked up?" Sinabunot niya ang kanyang buhok.

"Are you okay?"

Nililinlang ba siya ng kanyang pandinig?

Palagay niya ay nahimigan niya ang concern sa boses ng dumating. Baka guni-guni lamang iyon, dala lang siguro ng magulo niyang utak. Hindi siya kumibo.

"Khryzzanne." Umupo ito sa tapat niya. He leaned forward.

Nanlaki ang mga mata ni Kisses dahil sa sobrang lapit nito. Kaagad niyang inayos ang kanyang upo.

"You only had one bite?" sita nito at dinampot ang sandwich na nasa platito. "Eat," anito at tinangkang isubo sa kanya ang pagkain.

Napanganga siya hindi upang tanggapin ang inaalok nito kundi dahil sa pagtataka.

Anong sumapi kay Gian? Kaagad niyang inagaw ang pagkain sa kamay nito.

Saglit na nagtama ang kanilang mga daliri. Dama niya ang kuryente sa maiksing sandaling iyon.

"Finish your food, we're about to start," anito at muling tumayo pagkatapos ay iniwan siya.

Sinunod na lamang niya ang utos. Baka mamaya ay ulitin nito ang ginawa. Gumapang ang mainit na pakiramdam sa kanyang pisngi. What the hell had just happened? Did he really do that?

Kaagad din itong bumalik, walang bahid ng emosiyon ang mukha. Ha! Nilinlang lang talaga siya ng kanyang pandinig kanina. Umupo ito sa dating puwesto at nilapag sa mesa ang hawak na folder at voice recorder.

Kumalampag ang puso niya. Seryoso talaga ito na magsisimula na. Hindi pa siya handa. Kahit kailan siguro ay hindi siya magiging handa. Mabilis siyang umiwas ng tingin. She didn't like the look in his eyes— it's like he's seeing right through her.

Ayaw niyang mabasa nito ang laman ng isip niya. Ayaw niyang malaman nito ang nararamdaman niya.

Tumikhim ito upang kunin ang kanyang atensiyon ngunit nanatili siyang nakayuko.

Mahigpit niyang hawak ang mga tuhod upang pigilan ang panginginig ng kanyang sistema. Abot-abot ang tahip ng kanyang puso. Mauubusan yata siya ng hininga.

"Start."

Ayoko!

"You have to do this if you really want to go, Khryzzanne," anito nang hindi siya tumugon.

Nakagat niya ang ibabang labi sa kaba at halo-halong emosiyon.

"Start, Khryzzanne," pag-uulit ni Gian. Ma-awtoridad ang tono ng pananalita, "Look at me."

Nanatili siyang walang kibo. Hindi siya sang-ayon sa gusto nitong mangyari. Ayaw niyang pag-usapan ang bagay na iyon.

"This is for your own good."

Napilitan siyang mag-angat ng tingin nang mahimigan ang sinserong pag-aalala sa tinig ni Gian. Sa isang iglap ay tila nawala ang imahe ng kriminal sa isipan niya.

"Tell me everything," malumanay ang bawat pantig, wari'y nagsasabing maaari niya itong pagkatiwalaan, na masasandalan niya ito ngayong nanghihina siya.

Captivated By Your KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon