23 -The Victim-

1.5K 48 6
                                    

"Where's Elixir's mother?" Bago pa man mapigil ang traydor na dila ay lumabas na kaagad ang tanong.

"You don't know?" nagdududa nitong tanong.

Kung alam lang nito na wala siyang alam maski isang detalye ay baka pagtawanan siya nito.

"You should ask Kuya Gian. Kung nagli-live in na kayo ng kapatid ko, dapat sa kanya mismo manggaling."

Nanlaki ang kanyang mga mata. Kaagad siyang umiling.

"Hindi kami... walang namamagitan sa amin," uminit ang kanyang pisngi.

What were those kisses for?

"Why are you here? Hindi basta-basta nagdadala ng babae si Kuya rito."

Nanatili siyang nakanganga. Anong isasagot niya? Ayon kay Gian ay walang puwedeng maka-alam ng koneksiyon nito sa Black Hawks.

Tinitigan siya ng babae, naghihintay ng sagot.

"Ano... naglayas kasi ako sa amin, wala akong matutuluyan." Pagsisinungaling niya. But that wasn't lie at all.

Humalakhak ito. "I didn't know my brother is now running a charity," pero peke ang tawa. "Sariling anak niya hindi niya mapatuloy dito."

Dumako ang tingin niya sa natutulog na Elixir. Kamukhang-mukha talaga nito si Gian.

"Bakit?"

"I'm sure my stupid brother won't tell you why. Elixir's mother died while giving birth. Nakaplano na ang kasal nila sa oras na makapanganak si Ate Iridessa, the wedding didn't happen."

Kusang bumagsak ang luha niya. Naalala niya ang sarili.

"Why are you crying?"

"Wala."

Huminga siya nang malalim. Ayaw niyang matulad si Elixir sa kanya, ang lumaking walang magulang. Gian might be physically present, ngunit malayo pa rin ito sa bata.

"By the way, I'm Krystal."

"I'm Kisses."

Binuhat ni Krystal ang bata. "Kailangan na siguro naming umuwi, bago pa kami makita ni Kuya."

"Puwede ba'ng dito muna si Elixir. Ako na lang muna ang mag-aalaga sa kanya. Wala naman akong ginagawa rito."

"Are you sure?" tumikwas ang isang kilay ni Krystal.

"My mom died when I was born and dad when I was three." Nanlaki ang mga mata ni Krystal. "It's hard to explain. I hope you get my point."

Kaagad itong tumango at inabot sa kanya ang bata.

"I'm actually planning to leave Eli here kaso nag-monster mode na naman ang tatay niya. Siguradong hindi maalagaan. Thank you."

"Don't thank me now. Wala pa akong nagagawa."

Nginitian siya ni Krystal. Her smile was full of hope. Huminga siya nang malalim. Sana nga ay makatulong siya.

PANAY ang iyak ni Elixir nang magising ito at tanging isang salita lamang ang binabanggit.

"Daddy."

Kinuha ni Kisses ang bag na iniwan ni Krystal at natatarantang hinalungkat iyon. Siguro naman ay may laruan doon.

"Eli, tahan na," pagsusumamo niya ngunit lalo lamang itong umatungal.

"Shit! Paano ba mag-alaga ng bata? Ano ba itong napasok ko?"

"Gut-to Daddy!" nagta-tantrums na ito.

" Anong gagawin ko?"

Wala siyang choice. Binuhat niya si Elixir. "Pupuntahan natin si Daddy, okay?"

Tumango ito at nagpatuloy sa pag-iyak.

Huminga siya nang malalim, nagdadawalang isip pa kung dapat ba'ng puntahan si Gian o hindi na lang.

Siguradong magagalit ito. Nakakatakot pa naman ito kapag nagagalit. Pero hindi naman matatahimik si Eli kung hindi niya maibibigay ang gusto.

Nakakabaliw. God, Kisses, kailan ka pa naging pakialamera?

"What the fuck is that noise?" sigaw ni Gian nang makasalubong niya ito sa hallway. Humahangos na lumakad ito palapit. Tila nagdilim ang paningin at parang puputok ang ugat sa sentido.

Kaagad na yumakap si Elixir kay Kisses. Tila natakot sa sigaw.

"What the fuck are you doing, Khryzzanne?" akusa nito.

Natutop niya ang bibig.

"You're crossing the line," asik nito. "Didn't I tell you that you're only here to stand witness against Pierre? Who the hell are you to meddle with my personal fucked-up life?"

Who the hell are you to kiss me if it's fucking nothing? Muntik na niyang isigaw kung hindi lang humikbi si Elixir.

"Mama?"

Suminghap siya. Natigilan si Gian sa narinig. Gulat ang ekspresiyon at laglag ang panga habang nakatitig sa anak. Sa sandaling iyon ay nahagip niya ang pagkislap ng ilalim ng mata nito.

Nadurog ang puso ni Kisses. Hindi niya akalain na nasasaktan nang ganoon si Gian.

Lumipas ang ilang segundo na tanging hikbi ni Elixir ang maririnig. Tumalikod na si Gian.

"Patahanin mo 'yan. Tatawagan ko lang si Krystal. He shouldn't be here." Magkahalo ang galit at lungkot sa boses nito.

Muling kumirot ang dibdib ni Kisses.

"Let him stay," nakagat niya ang ibabang labi. Traydor! "Where else should he be?"

"Anywhere but here," mabilis na sagot nito.

"You're being unfair to him," agad niyang protesta.

"Tell me, Khryzzanne, when is the world fair?" basag ang boses ni Gian.

Hindi siya nakasagot.

"MAY I?"

Natagpuan niya si Gian sa kusina, mahigpit ang paghawak sa lata ng beer. Nakaupo ito sa mesa at nakikipagtitigan sa lata.

Inagaw niya ang beer at ininom iyon. Muntik niyang naibuga pero pinilit lunukin.

"What the hell!" ani Gian at inagaw ang alak.

"Animales. Ang pangit pala ng lasa niyan!" mura niya at umupo sa tabi nito.

"You're minor, bawal yan sa 'yo."

"Who cares about the rules? Sabi nila pampalakas daw ng loob ang alak."

Tumikwas ang kilay ni Gian. "Where's the kid?"

"He's sleeping." Binato niya ito nang makamandag na tingin. "The kid talaga? Kung makapagtanong ka parang hindi mo anak."

"I told you not—" inagaw niya ulit ang beer. Bahala na! Kailangan niya ng lakas ngayon.

"Not to meddle? Alam mo ba kung gaano kahirap lumaki na hindi ang totoo mong magulang ang nag-aalaga sa iyo? Na lumaki ka sa kamay ng ibang tao?"

Nanahimik ito ngunit lalong lumalim ang kunot ng noo. "Naiintindihan ko, you were hurting because your fiancée died and seeing Elixir reminds you of your lost. Hindi mo ba makita na hindi lang ikaw ang biktima?"

Huminga siya nang malalim. Courage was building up inside her.

"I know what it's like to be miserable, to be trapped in the past full of pain and hatred. And I want to move on. I want to be free." Pinunasan niya ang kanyang pisngi nang dumaloy ang luha. "Sana ganoon ka rin. Huwag mong hayaan na maging miserable ang pinakamagandang alaala na iniwan sa iyo ni Iridessa."

Hindi na niya hinintay pa ang sagot ni Gian. Mabilis siyang nagmartsa pabalik sa kuwarto

Sa bawat hakbang niya palayo ay siya namang paghikbi ni Gian. Tinawid na niya ang linya na hindi dapat niya pinasok.

Sapo ang kanyang dibdib, sumandal siya sa dingding, bumagsak ang kanyang puso kasabay ng paglagapak ng lakas. Hinayaan na lamang niya ang pag-agos ng luha.

Captivated By Your KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon