13 -The Negotiation-

1.6K 45 0
                                    

Pilit niyang kinalma ang sarili sa gitna ng mga hikbi. Hinanap niya ang lakas ng loob at kumpiyansa sa sarili. Siya si Kryzzanne Constantino at makukuha niya ang gusto niya.

Makaka-alis siya. Makakalaya.

She would do every damn thing possible. If she must make a deal with a criminal then so be it.

Huminga siya nang malalim. Nang tumayo siya ay bumangga ang kanyang katawan sa matigas na dibdib. Muntik na siyang mawalan ng balanse ngunit kinabig nito ang kanyang baywang.

Hindi niya namalayan ang pagdating nito. Nalunod siya sa pag-iisip.

"Were you crying?" Namungay ang kanina'y galit nitong mga mata.

Kumalabog ang puso ni Kisses. Mabilis siyang umiling. Pumiksi siya upang makawala ngunit lalo lamang nitong hinigpitan ang pagkakakulong sa kanya.

"You're lying."

Dumaloy ang naglalagitikang kuryente mula sa daliri nito patungo sa bawat hibla ng kanyang sistema nang haplusin nito ang ilalim ng mga mata niyang hilam sa luha.

"Hindi ako umiyak," may diin niyang tugon.

Tinampal niya ang kamay ni Gian at lalo pang pinatapang ang kanyang sarili. Nanginginig ang kaloob-looban niya sa magkahalong kaba, takot at galit.

Muli siyang pumiksi at marahas na tinanggal ang makasalanan nitong braso.

Muling namintana ang iritasiyon sa mga ni Gian.

Sinalubong niya ang galit nitong mga mata at sinubukang tapatan ang intensidad niyon.

Tumaas ang isa nitong kilay kasabay ng pag-angat ng isang sulok ng labi. Umiling si Gian, nanunuya ang bawat tingin. He was clearly amused at her reaction. What the hell was wrong with him?

Kanina lamang ay tila galit na galit ito. He wanted someone to die for freak's sake! Pagkatapos ngayon ay nginingisihan siya?

He's such a twisted man!

"Bakit ka umiyak?" Hindi niya mahimigan ang emosiyon sa tanong.

Kinapa ni Kisses ang kanyang depensa at inangat iyon. Saglit siyang bumuga ng hangin. "Let me go."

"I'm no longer holding you," tamad nitong sagot.

"You know what I mean."

"LET. ME. GO."

May diin ang bawat salitang bigkas ni Kisses.

"No," tamad na sagot ni Gian.

"What do I have to do for you to set me free?" asik niya. "What do you need from me?"

"You know what I need," anitong makahulugan. Hindi nabilang ni Kisses kung ilang minuto ang lumipas mula nang mahuli siya ni Gian na umiiyak. Kanina pa nila pinagtatalunan ang kagustuhang lumaya. Tanging matigas na "hindi" ang palagi nitong sagot.

"Sa tingin mo ba makukuha mo ang sagot kung ikukulong mo ako rito. This is illegal detention! This is kidnapping! I can sue you for this," matapang niyang sagot.

"You know very well that I did a good deed when I decided to keep you here. You would thank me for this."

Umismid siya. "I rather be thrown to the pack of wolves than stay in this damn place with you." This whole place screams sadness and misery! I'm living a miserable life for years. I couldn't afford to be more miserable.

Tinalikuran na niya ang walanghiya at padabog na nagmartsa pabalik sa loob ng bahay.

"So you rather be caught by your brother than stay here?" makahulugan tanong nito.

Suminghap siya at binalingan si Gian.

"Wala akong kapatid," aniyang nauutal. Alam niya kung ano'ng ibig nitong sabihin.

"Pierre Scott Agustin is more than willing to keep you."

Parang tumigil ang puso niya sa pagtibok at naubos ang hangin sa kanyang baga nang marinig ang pamilyar na pangalan.

"Pinapaikot mo lang ako. You're a Hawk. Aren't you supposed to save people?"

"That's what I'm doing. I'm saving you."

"Hindi. Mas mapapahamak ako sa iyo," protesta niya.

"So you rather be with Pierre?"

Mariin siyang pumikit at yumuko nang bumulusok ang mga alaala. Isang bigkas lamang ng pangalang iyon ay napatid na ang pisi ng kanyang kontrol.

"Sino ka ba talaga? Ano pang alam mo sa buhay ko? Ano pang pinaplano mo?" sunod-sunod niyang bulyaw. Bumilis ang tibok ng kanyang puso at ang kanyang paghinga.

"Ano'ng kinalaman mo kay Pierre?" nabuhol ang kanyang dila. "Ano'ng alam mo sa nangyari?"

Wala sa sariling humakbang siya palapit kay Gian at hinampas-hampas ang dibdib nito.

Tumakas ang mga pasaway na luha. Nagising ang mga alaalang gusto na niyang ibaon sa limot. Gusto na niyang magbagong buhay. Gusto na niyang lumayo. Pero bakit nakakulong pa rin siya?

Mahigpit nitong hinawakan ang magkabila niyang bisig upang pigilan ang paghampas. Nanghina siya. Nabuwal ang itinayo niyang matibay na pundasiyon at depensa.

"I shouldn't have said his name," malumanay at malambing nitong wika.

Umiling-iling lamang si Kisses, pilit niyang inaalis sa isip ang pangalang iyon.

"But you leave me with no choice. You have to understand this, Khryzzanne," kalkulado nitong pahayag na tila isang batang paslit lamang ang kausap.

"Ano ba'ng dapat kong maintindihan? Ayaw mo namang ipa-intindi."

"You have to tell me everything. Why did you run away?"

"Alam mo ang dahilan!"

"I want full details, Khryzzanne. We're not going anywhere if you're going to hide this forever."

"Will you set me free?"

"Makakalaya ka kapag tapos na ang lahat ng ito."

Tumango siya at bahagyang kumalma. Ipiniksi niya ang kanyang bisig. Bumitiw si Gian.

Ngunit nang wala na ang mga palad nito sa kanyang braso ay parang gusto niyang hawakan siyang muli ng binata.

"Rest first. We'll negotiate later."

Captivated By Your KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon