20-The Defense-

1.6K 47 8
                                    

NAKANGITING tinungo ni Kisses ang hardin. Ngayon siya tuturuan ni Gian na gumamit ng baril. Tutuparin nito ang deal. Hindi siya gumawa ng kahit anong eksena, nanatili siya sa kuwarto habang kasama nito ang Black Hawks. Nakahanda na rin ang pagkain niya para sa buong araw kaya walang problema kung sakaling magutom siya.

Tahimik niyang dinama ang simoy ng hangin at pinakinggan ang musikang likha ng pagkiskis ng mga dahon habang humahangin nang maramdaman niya ang pagkabasa ng kanyang buhok.

Umagos ang tubig sa kanyang pisngi patungo sa damit. Nakapagtataka dahil hindi naman umuulan.

Nag-angat siya ng tingin. Sumalubong sa kanya ang pagbuhos ng tubig at nakangising mukha. Kaagad siyang tumayo mula sa kinauupuang bato at umatras.

Pinasadahan niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Napako ang kanyang mata sa hawak nito sa parehong kamay. Ni hindi siya kumurap. How can he looked so manly and handsome in his gray sando, black shorts, toy gun and playful smile?

Damn that smile, it's so captivating.

Muli siyang binaril ni Gian, basang-basa ang puti niyang t-shirt.

"Teka nga!" Huminto si Gian. "Ano ito?"

"You asked me, right?"

Kung hindi naka-fix ang kanyang panga sa katawan, baka kanina pa iyon bumagsak sa lupa. Hinagis nito ang baril. Sinalo niya.

"It was every boy's first gun," anito at muling umatake.

Hindi pa rin siya nakakarecover sa kaganapan, tinitigan lang niya ang water gun sa na para bang ngayon lang iyon na-imbento.

"Pull yourself, together, Khryzzanne. Raise your defenses," ani Gian. Binaril nito ang kanyang pisngi.

Bumalik ang kanyang ulirat. Humalakhak si Gian nang mahimasmasan si Kisses. His laughter was so carefree. She didn't expect him to laugh, he was so grumpy these past few days.

Isa pa, there's Iridessa—

Umiling siya. Hindi niya iyon dapat isipin. Wala siyang pakialam kay Gian at sa buhay nito— ito na mismo ang nagsabi na trabaho lang ang lahat.

Parte ba ng trabaho nito ang ginagawa nila ngayon?

"Constantino, if you'll let your opponent attack, you'll be dead right away." Tinapik nito ang kanyang balikat. Napatalon siya sa gulat. Pinitik nito ang kanyang noo.

"Fire!" sigaw nito at tumakbo patungo sa kabilang panig ng hardin.

Umiling si Kisses at umatake.

"Lagot ka sa akin, Aguirre!" Tumakbo siya nang tangkain nitong bumaril ulit.

Hinabol siya ni Gian.

"Catch me if you can, Gian!" halakhak na Kisses at lalo pang binilisan ang pagtakbo.

Ganoon lang sila sa mga sumunod na minuto. Tumatakbo si Kisses habang hinahabol ni Gian. Panay ang atake nila sa isa't isa.

Humalakhak si Kisses nang muling tinamaan ang pisngi ni Gian. Nagusot ang mukha nito.

"Run while you still can, Khryzzanne," halakhak ng binata. Muli siyang pinaulanan nito. Basang-basa na sila ngunit mukhang walang pakialam.

"Wait." Huminto si Kisses upang habulin ang kanyang hininga makalipas ang ilang minuto. Pumikit siya. Hindi niya akalain na gagawin niya ang bagay na iyon. Hindi niya lubos maisip na magagawa iyon ni Gian. It was so unexpected.

Napamulat siya nang bigla nitong hinapit ang kanyang baywang mula sa likuran. Mahigpit ang pagyakap nito. Pumilantik ang kanyang puso.

"Sharpen your senses. Enemies attack when you least expect it," malalim ang boses nitong bulong sa gilid ng kanyang tainga.

Captivated By Your KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon