18 - The Forbidden-

1.6K 48 6
                                    

"SAAN mo nakuha ang video?" ani Kisses pagkatapos ay umupo sa tapat ni Gian.

Natagpuan niya ito sa balkonahe at abala sa laptop. Nang magising siya ay wala na ito sa kanyang tabi.

"I went to your house," tamad nitong sagot.

"Seryoso?" tumango ito. Hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Panay ang pagtipa nito sa keyboard.

"Paano ka nakapasok?"

"I'm Blake's friend," tamad nitong tugon.

"Hindi man lang ba nagduda sina Rodolfo at Estella? You're a Hawk."

"Hindi." Iling ni Gian. "Hindi nila alam ang involvement namin ni Blake sa Black Hawks. Walang puwedeng maka-alam ng identity ng mga miyembro."

Tumango siya. Kumunot ang kanyang noo nang maalalang minsan nang nabanggit ni Diane ang tungkol sa Black Hawks.

"I went to see Blake. He helped me install hidden cameras."

Kumirot ang kanyang puso dahil sa aktibong pakikipagtulungan ni Blake upang malutas ang kaso. Gaano man kasama sina Rodolfo, Estella at Pierre, ang mga ito pa rin ang pamilya ni Blake.

Nag-angat si Gian ng tingin. Hindi niya mabasa ang ekspresiyon sa mukha nito.

"You're worried about Blake?"

Tumango siya.

"Blake doesn't look serious most of the time but he knows what he's doing. He's doing the right thing, Khryzzanne."

"Alam ko naman iyon pero siguradong nahihirapan din siya—"

"Enough with Blake, okay?" pagputol nito sa dapat sana'y sasabihin niya. Sumimangot siya at dumukmo sa mesa. Pinanood na lamang niya si Gian.

"What's your full name?" tanong niya nang hindi na matiis ang katahimikan.

Nangunot ang noo ng kasama. "Why all of a sudden?"

"Wala lang..." tumunghay siya. "So I can sue you for abducting me?" ngumisi ai Kisses. Dumilim ang paningin ng kaharap.

"It's just a joke," kaagad din siyang dumepensa.

Tamad ito umiling at nagpatuloy sa ginagawa. Bumuga siya ng hangin. Hinagilap ang kanyang tapang.

"Tell me something about you." Itinukod ni Kisses ang kanyang siko sa mesa. Salo niya ang kanyang baba habang naghihintay ng sagot.

Natigilan si Gian. Tiim-bagang nitong tiniklop ang laptop.

"There's nothing to know about me," malamig nitong wika.

"Paano kita pagkakatiwalaan kung hindi kita kilala?"

Nagsalubong ang kilay ng binata at gumuhit ang lamig sa mga mata.

"Ilang linggo na ako rito ngunit wala akong alam tungkol sa iyo samantalang ang buong buhay ko ay naikuwento ko na," giit pa niya.

"Hindi mo na ako kailangang kilalanin pa..." tumayo ito at dinampot ang laptop. "Pagkatapos isara ang kaso ay makakaalis ka na, hindi na magkukrus ang landas nating dalawa. You're here because I'm in charge of your case. It's just duties, nothing personal..." anito at iniwan siya.

May pumisil sa puso niya at hindi niya alam kung ano iyon. Mapakla ang kanyang ngiti.

She'd been fighting her own battles since she was small. Akala niya sa unang pagkakataon ay may taong handang protektahan siya. Iyon pala ay obligasiyon nitong protektahan ako. Duty nito na iligtas ako.

"Mali, kailangan niya ako upang mahuli si Pierre. Hindi bukal sa kanyang kalooban."

Tumayo na siya. Hindi niya dapat isipin iyon. Bumalik na lamang siya sa loob ng bahay. Naabutan niya si Gian na pababa ng hagdan, itim ang suot na polo shirt, ganoon din ang ball cap.

"I'm going out, do you want me to bring you something?"

Umiling siya. Nawalan siya nang ganang makipag-usap matapos ang naging tugon nito.

"Okay," anito at tinungo na ang pinto.

Mabibigat ang mga paang umakyat siya ng hagdan. Nasa ika-apat na hakbang pa lamang siya nang muling nagsalita si Gian.

"I'll be late."

"Okay," tamad niyang sagot. Hindi naman nito kailangang ipaalam sa kanya kung gagabihin ito. Trabaho lang naman ang lahat para sa binata.

"I'll just bring pizza, then."

Ikinibit niya ang mga balikat. Kumaway si Gian at lumabas ng pinto.

Pumasok siya sa library bagaman hindi maganda ang alaalang nakuha niya roon. Dinampot niya ang unang librong nahagilap at tinungo ang bintana. Sumampa siya sa cabinet at sinandal ang kanyang likod sa dingding.

Romance novel ang librong nakuha niya. Sinimulan niyang basahin ngunit hindi naagaw ang atensiyon niya.

Nilapag na lang niya sa kanyang hita pagkatapos ay tamad na dinungaw ang bintana. Binuksan iyon at dinama ang pagpasok ng hangin. Pinagmasdan na lamang niya ang paghapay ng puno sa tuwing humahangin. Muli siyang dumantay sa dingding at niyakap ang kanyang binti.

Muling sumagi sa isip niya ang sinabi ni Gian. Hindi niya maintindihan kung bakit parang may tumusok sa puso niya.

Hindi niya dapat maramdaman. Simula pa noong hinuli siya nito ay malinaw ang pakay nito. Ang lahat ay para sa Black Hawks. His loyalty was solely for his men.

NAGISING si Kisses sa ingay at kaluskos. Kinusot niya ang inaantok pang mga mata. Hindi niya napansin na nakatulugan ang pagbabasa nang pilitin niyang ituon ang atensiyon sa aklat. Dinungaw niya ang bintana. Naghahalo na ang kulay kahel at rosas sa langit habang papalubog ang araw.

Ibinalik niya ang aklat sa shelf at lumabas. Lalong lumakas ang ingay habang naglalakad siya sa corridor.

Idiniin niya sa pinto ng kuwarto ni Gian ang kanyang tainga ngunit hindi roon nagmumula ang ingay. Nagpatuloy siya sa paglalakad.

Huminto siya sa sunod na silid. Tinitigan niya ang nakaguhit na pink na bulaklak, napakaganda ng pagkakaguhit sa rosas, parang isang professional ang gumawa niyon.

Nanlaki ang kanyang mga mata sa biglang naalala. Sa dami ng mabibigat na nangyari nang mga nagdaang araw ay nawala sa isip niya ang tungkol sa painting. She traced the painting with her fingers.

Something in her broke for unknown reason. There's something in this painting— in this forbidden room.

Napatalon siya nang biglang bumukas ang pinto. Literal siyang nakanganga nang iluwa niyon ang isang pamilyar na mukha. Bagsak ang balikat at magulo ang itim na buhok. Malalim at madilim ang mga mata. Pinandilatan siya ni Gian pagkatapos ay marahang isinara ang pinto— para itong ingat na ingat sa seradura.

Sinundan niya ito ng tingin, nagbabanta ang mga matang ibinalik nito sa kanya. Tumango siya sa hindi malamang dahilan. Matapos niyon ay iniwan siya ni Gian.

Muli niyang binalingan ang larawan. Paano niya makikilala si Gian kung lahat na lang ay bawal?

Gulong-gulo ang isip niya nang sinundan niya ito. Tumakbo siya nang makita itong pababa ng hagdan.

"Gian, wait..."

Lumingon ang binata. Tatlong baitang lamang ang layo nila sa isa't isa.

Nakagat niya ang ibabang labi. Ano ngayon ang gagawin niya? Bakit niya ito tinawag? Anong sasabihin niya?

Napapitlag siya nang nasa harap na niya si Gian. Kinabig nito ang kanyang baywang at nagbangga ang kanilang dibdib. Bumabayo sa lakas ang kanyang puso.

Gahibla na lamang ang layo ng mukha nila sa isa't isa. Kagat niya pa rin ang kanyang labi, abot-abot ang kaba.

Wala siyang nagawa kundi ang pumikit. 

Captivated By Your KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon