Epilogue

312K 8.1K 1.4K
                                    

Epilogue

"Mommy! Mommy! Up! Up!"

Binuhat ko si Princess, nako ang bigat na talaga niya. Mangangawit na naman ako neto eh pero okey lang loves ko naman siya eh.

"Baby paano kapag nawala na si Mommy? dapat hindi ka na nag papabuhat, big girl ka na eh." Bigla siyang umiyak. Nako naman, paano ko siya iiwan neto.

"Princess why are you crying? Pinaiyak ka ba ni Mommy Tin mo?" tinignan ko ng masama si Miggy. Tss anong akala niya sakin papaiyakin ko ang baby girl ko?

"I don't want Mommy to go!" hindi pa din siya tumitigil sa kakaiyak.

"Princess!" tawag sakanya ni Sarah. "Hindi na dito titira si Mommy Tin, dun na siya sa condo niya." natahimik na siya, tignan ba naman ng masama ni Sarah eh.

"Oh bakla ikaw na mag buhat kay Princess para naman masanay na sayo. Nasanay na kasi sakin eh." binigay ko sakanya si Princess, sana masanay agad sakanya yung anak niya. Busy kasi sila pareho ni kuya sa work.

"Minsan bakla nag seselos na ko sayo, mas close pa kayo ng anak ko eh."

"Anong magagawa ko? ang sarap alagaan ni Princess eh. Ang cute cute eh." pinisil ko yung mala siopao na pisngi niya.

"Naiingit lang yan si Pudge, gusto na din ata magka baby eh. Haha!" psh! loko talaga 'to si Miggy! baka siya yun. Kung ano ano yung naiisip eh.

"Eh bakit kasi hindi pa kayo gumawa ni Miggy?"

"SARAH!" namula ata ako. Baliw talaga netong hipag ko. Sana hindi mamana sakanya ng pamangkin ko yung pagkabaliw niya. "Hindi pa nga kami kasal ni Miggy eh."

"Problema ba yun? Eh magpakasal na kayo ni Miggy!" tumingin ako kay Miggy. Kasalan? nasa isip na kaya yun ni Miggy?

Bigla naman nag salita si Princess. "Mama! Sakin magpapakasal si Miggy!" natawa kaming lahat kay sakanya. Crush na crush niya kasi si Miggy eh.

"Baby! Si Miggy para kay mommy na okey?" umiyak na naman siya. Ang cute ni Princess! ma miss ko siya kapag lumipat nako sa condo ko.

"Princess pag laki mo makakakilala ka din ng Prince na para sayo, okey?" sinungitan lang siya ni Princess. Haha! Nagtampo na sakanya ang baby girl ko.

"San kaya nag mana ng kabaliwan 'tong anak namin ni Ace?" nako Sarah! nagtanong ka pa! "Seryoso na, wala pa ba kayong balak mag pakasal? mag six years na kayo simula nung high school tayo."

"Matagal pa siguro yun, babalik na si Miggy bukas sa US para sa business nila dun. Six months siya dun." ngayong naalala ko yung pag alis niya bigla akong nalugkot.

"Paano kung ayan na kita magpakasal ngayon? Papayag ka na ba pudge?"

Totally in love with a Dota player (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon